Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jehova?

      Sinasabi ng Bibliya na sa lahat ng diyos na sinasamba ng mga tao, si Jehova lang ang nag-iisang tunay na Diyos. Bakit? Maraming dahilan. Si Jehova ang may pinakamataas na awtoridad, at siya lang “ang Kataas-taasan sa buong lupa.” (Basahin ang Awit 83:18.) Siya ang “Makapangyarihan-sa-Lahat.” Ibig sabihin, mayroon siyang kapangyarihan na gawin ang anumang gusto niya. “Nilalang [niya] ang lahat ng bagay”​—ang uniberso at ang lahat ng nabubuhay sa mundo. (Apocalipsis 4:​8, 11) Di-gaya ng ibang diyos, si Jehova ay walang pasimula at walang wakas.​—Awit 90:2.

  • Paano Tatanggapin ng Diyos ang Pagsamba Natin?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Si Jehova lang ang dapat nating sambahin kasi siya ang lumalang sa atin. (Apocalipsis 4:11) Ibig sabihin, siya lang ang mamahalin at sasambahin natin. At hindi tayo gagamit ng mga idolo, imahen, o rebulto sa pagsamba sa kaniya.​—Basahin ang Isaias 42:8.

      Dapat na “banal” at “katanggap-tanggap” ang pagsamba natin kay Jehova. (Roma 12:1) Ibig sabihin, dapat nating sundin ang mga utos niya. Halimbawa, sinusunod ng mga nagmamahal kay Jehova ang mga pamantayan niya sa pag-aasawa. Wala silang mga bisyo, gaya ng paninigarilyo, pag-abuso sa droga, o sobrang pag-inom ng alak.a

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share