Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2017 | Blg. 3
    • ANG SAKAY NG KABAYONG PUTI

      Ganito nagsimula ang pangitain: “Nakita ko, at, narito! isang kabayong puti; at ang isa na nakaupo sa ibabaw nito ay may isang busog; at isang korona ang ibinigay sa kaniya, at humayo siyang nananaig at upang lubusin ang kaniyang pananaig.”—Apocalipsis 6:2.

      Sino ang sakay ng kabayong puti? Nasa aklat din ng Bibliya na Apocalipsis ang sagot. Dito, tinukoy ang makalangit na sakay nito bilang “Ang Salita ng Diyos.” (Apocalipsis 19:11-13) Ang titulong ito, Ang Salita, ay nauukol kay Jesu-Kristo dahil siya ang tagapagsalita ng Diyos. (Juan 1:1, 14) Tinawag din siyang “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon” at inilarawan siya bilang “Tapat at Totoo.” (Apocalipsis 19:16) Ipinakikita nito na may awtoridad siya bilang mandirigmang-hari, at hindi niya aabusuhin ang kaniyang kapangyarihan. Pero may mga tanong na bumabangon.

      Sino ang nagbigay kay Jesus ng awtoridad na manaig? (Apocalipsis 6:2) Sa isang pangitain na nakita ni propeta Daniel, ang Mesiyas ay itinulad sa “anak ng tao.” Tumanggap siya ng “pamamahala at dangal at kaharian” mula sa “Sinauna sa mga Araw,” ang Diyos na Jehova.a (Daniel 7:13, 14) Maliwanag na ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang nagbigay kay Jesus ng kapangyarihan at karapatang mamahala at maglapat ng hatol. Sa Bibliya, madalas gamitin ang kulay puti bilang simbolo ng katuwiran. Kaya ang kabayong puti ay angkop na simbolo ng matuwid na pakikipagdigma ng Anak ng Diyos.—Apocalipsis 3:4; 7:9, 13, 14.

      Kailan nagsimulang humayo ang mga mangangabayo? Ang unang mangangabayo, si Jesus, ay nagsimulang humayo nang tumanggap siya ng korona. (Apocalipsis 6:2) Kailan siya nagsimulang maging Hari sa langit? Noon bang umakyat siya sa langit matapos siyang buhaying muli? Hindi. Ipinakikita ng Bibliya na kailangan pa niyang maghintay. (Hebreo 10:12, 13) Nagbigay ng tanda si Jesus sa kaniyang mga tagasunod para matukoy nila kung kailan matatapos ang paghihintay na iyon at kung kailan magsisimula ang kaniyang pamamahala sa langit. Sinabi niya na sa pasimula ng kaniyang pamamahala, lalong sasamâ ang kalagayan ng daigdig. Magkakaroon ng digmaan, kakapusan sa pagkain, at mga salot. (Mateo 24:3, 7; Lucas 21:10, 11) Nang sumiklab ang Digmaang Pandaigdig I noong 1914, kitang-kita na dumating na ang yugtong iyon ng panahon. Ang napakasamang kalagayang ito ay tinawag ng Bibliya na “mga huling araw.”—2 Timoteo 3:1-5.

      Pero kung namamahala na si Jesus mula noong 1914, bakit pasama nang pasama ang kalagayan? Dahil noong 1914, nagsimulang mamahala si Jesus sa langit, hindi sa lupa. Di-nagtagal, sumiklab ang digmaan sa langit. Inihagis ng bagong-luklok na Haring si Jesus, na siya ring Miguel, si Satanas at ang mga demonyo nito sa lupa. (Apocalipsis 12:7-9, 12) Galít na galít si Satanas dahil alam niyang hindi na siya makababalik sa langit at biláng na ang araw niya. At talagang kaunting panahon na lang bago isagawa ng Diyos ang kaniyang hatol kay Satanas. (Mateo 6:10) Alamin natin ngayon kung paano pinatutunayan ng tatlong iba pang mangangabayo na nabubuhay na tayo sa maligalig na “mga huling araw.” Ang unang mangangabayo ay tumutukoy sa espesipikong indibiduwal, pero ang tatlong iba pa ay kumakatawan sa mga kalagayan sa daigdig na sasapit sa lipunan ng tao.

  • Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2017 | Blg. 3
    • Kapag nanaig ang sakay ng kabayong puti, si Jesus, magiging paraiso ang lupa

      Apocalipsis 6:1, 2

      KABAYONG PUTI

      Lumalarawan kay Jesu-Kristo ang sakay nito. Nagsimula siyang mamahala noong 1914 at malapit na niyang tapusin ang kaniyang pananaig at wakasan ang lahat ng pagdurusa.

  • Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2017 | Blg. 3
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share