Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Lindol sa Araw ng Panginoon
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 26. Ano ang gagawin ng mga taong sumasalansang sa pagkasoberano ng Diyos dahil sa kanilang pagkasindak, at ano ang sasabihin nila bunga ng kanilang panghihilakbot?

      26 Nagpatuloy ang mga salita ni Juan: “At ang mga hari sa lupa at ang matataas ang katungkulan at ang mga kumandante ng militar at ang mayayaman at ang malalakas at ang bawat alipin at ang bawat malayang tao ay nagtago sa mga yungib at sa mga batong-limpak ng mga bundok. At patuloy nilang sinasabi sa mga bundok at sa mga batong-limpak: ‘Mahulog kayo sa amin at itago ninyo kami mula sa mukha ng Isa na nakaupo sa trono at mula sa poot ng Kordero, sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kanilang poot, at sino ang makatatayo?’”​—Apocalipsis 6:15-17.

  • Mga Lindol sa Araw ng Panginoon
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 30. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng tanong na: “Sino ang makatatayo?” (b) May makatatayo ba sa panahon ng paghatol ni Jehova?

      30 Oo, ang lahat ng tumatangging kumilala sa awtoridad ng matagumpay na Sakay ng kabayong puti ay mapipilitang umamin sa kanilang pagkakamali. Kapag lumipas na ang sanlibutang ito ni Satanas, mapupuksa ang mga tao na kusang naging bahagi ng binhi ng serpiyente. (Genesis 3:15; 1 Juan 2:17) Gayon na lamang ang magiging situwasyon ng daigdig sa panahong iyon anupat marami ang wari’y magtatanong: “Sino ang makatatayo?” Maliwanag na iisipin nilang walang isa man ang makatatayo nang may pagsang-ayon sa harap ni Jehova sa araw na iyon ng kaniyang paghatol. Subalit magkakamali sila, gaya ng patuloy na ipakikita ng aklat ng Apocalipsis.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share