Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Aakyat sa Langit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • Ilan ang bubuhaying muli tungo sa langit?

      Ipinapakita ng Bibliya na 144,000 ang bubuhaying muli tungo sa langit. (Apocalipsis 7:4) Sa pangitaing nasa Apocalipsis 14:1-3, nakita ni apostol Juan ang “Kordero na nakatayo sa Bundok Sion, at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo.” Sa pangitaing iyon, ang “Kordero” ay kumakatawan sa binuhay-muling si Jesus. (Juan 1:29; 1 Pedro 1:19) Ang “Bundok Sion” ay lumalarawan sa itinaas na posisyon ni Jesus at ng 144,000 na kasama niyang mamamahala sa langit.—Awit 2:6; Hebreo 12:22.

      Ang mga “tinawag at pinili” na mamahalang kasama ni Kristo sa Kaharian ay tinukoy bilang “munting kawan.” (Apocalipsis 17:14; Lucas 12:32) Ipinakikita nito na kaunti lang sila kumpara sa kabuoang bilang ng mga tupa ni Jesus.—Juan 10:16.

  • Sino ang Aakyat sa Langit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • Maling akala: Ang bilang na 144,000 na binanggit sa Apocalipsis ay makasagisag, hindi literal.

      Ang totoo: Bagaman ang Apocalipsis ay naglalaman ng makasagisag na mga bilang, may mga bilang dito na literal ang gamit. Halimbawa, may sinasabi itong “labindalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.” (Apocalipsis 21:14) Tingnan ang ebidensiya kung bakit masasabing literal ang bilang na 144,000.

      Iniuulat ng Apocalipsis 7:4 “ang bilang niyaong mga tinatakan [o, kumpirmadong mabubuhay sa langit], isang daan at apatnapu’t apat na libo.” Sa kasunod na mga talata, may ikalawang grupo na naiiba kaysa sa nauna: “isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao.” Ang mga kabilang sa “malaking pulutong” ay iniligtas din ng Diyos. (Apocalipsis 7:9, 10) Kung ang bilang na 144,000 ay makasagisag at tumutukoy sa grupong walang tiyak na bilang, mawawalan ng saysay ang magkaibang pagtukoy sa dalawang grupong ito.a

      Karagdagan pa, sinasabing ang 144,000 ay “binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga.” (Apocalipsis 14:4) Ang pananalitang “mga unang bunga” ay tumutukoy sa isang maliit na pilíng bahagi lamang. Angkop na pagtukoy ito sa mga makakasama ni Kristo sa langit para mamahala sa mga taong walang takdang bilang sa lupa.—Apocalipsis 5:10.

      a Ganito rin ang isinulat ni Propesor Robert L. Thomas tungkol sa bilang na 144,000 na binanggit sa Apocalipsis 7:4: “Isa itong tiyak na bilang kung ihahambing sa di-tiyak na bilang sa 7:9. Kung ito ay ituturing na makasagisag, wala nang bilang sa aklat ang maituturing na literal.”—Revelation 1-7: An Exegetical Commentary, pahina 474.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share