-
Kapistahan ng mga KubolKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mga Kaugaliang Idinagdag Nang Maglaon. Ang isang kaugaliang isinagawa nang dakong huli, na posibleng tinutukoy sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (Ju 7:37, 38) ngunit hindi sa Hebreong Kasulatan, ay ang pagsalok ng tubig mula sa Tipunang-tubig ng Siloam at ang pagbubuhos nito sa altar, kasama ng alak, sa panahon ng paghahandog ng pang-umagang hain. Sinasabi ng karamihan sa mga iskolar na ginagawa ito sa pitong araw ng kapistahan ngunit hindi sa ikawalo. Ang saserdote ay pumaparoon sa Tipunang-tubig ng Siloam dala ang isang ginintuang pitsel (maliban sa unang araw ng kapistahan, na isang sabbath, kung kailan ang tubig ay kinukuha mula sa isang ginintuang sisidlan sa templo, na pinaglagyan sa tubig na sinalok sa Siloam noong nagdaang araw). Itataon niyang makabalik siya mula sa Siloam dala ang tubig kapag handa na ang mga saserdote sa templo na ilagay sa altar ang mga piraso ng hain. Habang dumaraan siya sa Pintuang-daan ng Tubig ng templo papasók sa Looban ng mga Saserdote, ang pagdating niya ay ipinatatalastas ng tatlong pagpapatunog ng mga saserdote sa mga trumpeta. Pagkatapos, ang tubig ay ibinubuhos sa isang palanggana at umaagos patungo sa paanan ng altar, kasabay ng pagbubuhos ng alak sa isa pang palanggana. Saka naman sasaliwan ng musika ng templo ang pag-awit ng Hallel (Awit 113-118) samantalang ikinakaway ng mga mananamba ang kanilang mga sanga ng palma tungo sa altar. Maaaring ipinaaalaala ng seremonyang ito sa mga masayang nagdiriwang ang makahulang mga salita ni Isaias: “May-pagbubunying sasalok nga kayo ng tubig mula sa mga bukal ng kaligtasan.”—Isa 12:3.
-
-
Kapistahan ng mga KubolKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang pagkakaway ng mga tao ng mga sanga ng palma sa kapistahang ito ay nagpapaalaala rin sa atin hinggil sa mga pulutong na nagkaway ng mga sanga ng palma noong pumasok si Jesus sa Jerusalem bago siya mamatay, bagaman hindi ito naganap sa panahon ng Kapistahan ng mga Kubol kundi bago mag-Paskuwa. (Ju 12:12, 13) Gayundin, matapos makita ng apostol na si Juan sa pangitain ang 144,000 alipin ng Diyos na natatatakan sa kanilang mga noo, sinabi niya sa atin: “Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko, at, narito! isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero, na nadaramtan ng mahahabang damit na puti; at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay. At patuloy silang sumisigaw sa malakas na tinig, na sinasabi: ‘Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos, na nakaupo sa trono, at sa Kordero.’”—Apo 7:1-10.
-