Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Napakalaking Pulutong
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 22. Anong karagdagang impormasyon ang tinatanggap ni Juan tungkol sa malaking pulutong?

      22 Sa pamamagitan ng alulod ng Diyos, tumatanggap si Juan ng karagdagang impormasyon tungkol sa malaking pulutong na ito: “At sinabi niya [ng matanda] sa akin: ‘Ito ang mga lumabas mula sa malaking kapighatian, at nilabhan nila ang kanilang mahahabang damit at pinaputi ang mga iyon sa dugo ng Kordero. Iyan ang dahilan kung bakit sila nasa harap ng trono ng Diyos; at nag-uukol sila sa kaniya ng sagradong paglilingkod araw at gabi sa kaniyang templo; at ang Isa na nakaupo sa trono ay maglulukob ng kaniyang tolda sa kanila.’”​—Apocalipsis 7:14b, 15.

  • Isang Napakalaking Pulutong
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 25. (a) Paano nag-uukol kay Jehova ng “sagradong paglilingkod” ang malaking pulutong “araw at gabi sa kaniyang templo”? (b) Paano ‘lulukuban ni Jehova ng kaniyang tolda’ ang malaking pulutong?

      25 Bukod dito, naging masisigasig na Saksi ni Jehova sila​—na ‘nag-uukol sa kaniya ng sagradong paglilingkod araw at gabi sa kaniyang templo.’ Kabilang ka ba sa nakaalay na malaking pulutong na ito? Kung oo, pribilehiyo mong maglingkod kay Jehova nang walang humpay sa makalupang looban ng kaniyang dakilang espirituwal na templo. Sa ngayon, sa ilalim ng pangangasiwa ng mga pinahiran, gumaganap ng mas malaking bahagi sa gawaing pagpapatotoo ang malaking pulutong. Sa kabila ng sekular na mga pananagutan, daan-daang libo sa kanila ang pumasok sa buong-panahong ministeryo bilang mga payunir. Subalit kabilang ka man sa grupong iyon o hindi, bilang nakaalay na miyembro ng malaking pulutong, maaari kang magalak na dahil sa iyong pananampalataya at mga gawa, ipinahahayag kang matuwid bilang kaibigan ng Diyos at tinatanggap bilang panauhin sa kaniyang tolda. (Awit 15:1-5; Santiago 2:21-26) Sa gayon ay ‘lulukuban ni Jehova ng kaniyang tolda’ ang lahat ng umiibig sa kaniya at, bilang mabuting punong-abala, ipagsasanggalang niya sila.​—Kawikaan 18:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share