Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malaking Pulutong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Kanilang Pagkakakilanlan. Ang susi sa pagkakakilanlan ng “malaking pulutong” ay nasa paglalarawan sa kanila sa Apocalipsis kabanata 7 at sa mga talatang kahawig nito. Sa Apocalipsis 7:15-17, sinasabi na ‘ilulukob ng Diyos ang kaniyang tolda sa kanila,’ na sila’y aakayin sa “mga bukal ng mga tubig ng buhay,” at na papahirin ng Diyos “ang bawat luha sa kanilang mga mata.” Sa Apocalipsis 21:2-4 naman, makikita ang katulad na mga pananalitang: “Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan,” “papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata,” at “hindi na magkakaroon ng kamatayan.” Ang pangitaing iniulat dito ay may kinalaman sa mga taong nasa lupa, sa gitna ng sangkatauhan, at hindi sa langit, na pinanggagalingan ‘ng Bagong Jerusalem na bumababa.’

  • Malaking Pulutong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pag-akay sa kanila ng Kordero sa “mga bukal ng mga tubig ng buhay” ay may pagkakatulad sa Apocalipsis 22:17, na nagsasabi: “Ang espiritu at ang kasintahang babae ay patuloy na nagsasabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nakikinig ay magsabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” Sa Kasulatan, ang “kasintahang babae” ay ipinakikilala bilang ang pinahirang kongregasyong Kristiyano, na ikakasal sa makalangit na Kasintahang Lalaki, si Kristo Jesus. (Efe 5:25-27; 2Co 11:2; Apo 19:7-9; 21:9-11) Maliwanag na ang paanyaya ng makalangit na uring “kasintahang babae” na “kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad” ay bukás sa walang-takdang bilang ng mga tao, sa “sinumang nagnanais.” Gayundin naman, walang takdang bilang ang “malaking pulutong, kung kaya ang pangitain sa Apocalipsis 7:9 ay kasuwato niyaong nasa Apocalipsis 22:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share