-
Mga Salot ni Jehova sa SangkakristiyanuhanApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
28. Ano ang nangyari nang hipan ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta?
28 “At hinipan ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta. At isang malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara ang nahulog mula sa langit, at nahulog ito sa isang katlo ng mga ilog at sa mga bukal ng mga tubig. At ang pangalan ng bituin ay tinatawag na Ahenho. At ang isang katlo ng mga tubig ay naging ahenho, at marami sa mga tao ang namatay dahil sa mga tubig, sapagkat ang mga ito ay pinapait.” (Apocalipsis 8:10, 11) Minsan pa, matutulungan tayo ng iba pang bahagi ng Bibliya na makita kung paano kumakapit ang tekstong ito sa araw ng Panginoon.
-
-
Mga Salot ni Jehova sa SangkakristiyanuhanApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
31. (a) Kailan nahulog ang klero ng Sangkakristiyanuhan mula sa isang “makalangit” na katayuan? (b) Paano naging “ahenho” ang tubig na inihahain ng klero, at ano ang naging resulta nito sa marami?
31 Nang mag-apostata ang klero ng Sangkakristiyanuhan mula sa tunay na Kristiyanismo, nahulog sila mula sa matayog at “makalangit” na katayuan na inilalarawan ni Pablo sa Efeso 2:6, 7. Sa halip na maglaan ng sariwang tubig ng katotohanan, naghain sila ng “ahenho,” mapapait na kasinungalingang gaya ng apoy ng impiyerno, purgatoryo, Trinidad, at pagtatadhana; bukod dito, inakay nila sa digmaan ang mga bansa, at nabigo silang hubugin ang mga ito bilang matuwid na mga lingkod ng Diyos. Ang resulta? Nalason sa espirituwal ang mga naniwala sa mga kasinungalingang ito. Ang kalagayan nila ay katulad niyaong di-tapat na mga Israelita noong panahon ni Jeremias, na sinabihan ni Jehova: “Narito, pakakainin ko sila ng ahenho, at bibigyan ko sila ng tubig na may lason upang inumin. Sapagkat mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang apostasya sa buong lupain.”—Jeremias 9:15; 23:15.
-
-
Mga Salot ni Jehova sa SangkakristiyanuhanApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
34, 35. (a) Ano ang nangyari sa kapangyarihan at impluwensiya ng klero mula nang hipan ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta? (b) Ano ang kahihinatnan ng klero ng Sangkakristiyanuhan?
34 Mula nang hipan ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, unti-unting humina ang impluwensiya ng klero sa sangkatauhan hanggang sa kaunting-kaunti na lamang sa kanila, sa mga panahong ito, ang may tulad-diyos na mga kapangyarihang tinamasa nila sa nakalipas na mga siglo. Dahil sa pangangaral ng mga Saksi ni Jehova, natanto ng napakaraming tao na marami sa mga doktrinang itinuturo ng klero ay espirituwal na lason—“ahenho.” Karagdagan pa, halos wala nang kapangyarihan ang klero sa hilagang Europa, samantalang sa iba pang lupain, sinusupil ng pamahalaan ang kanilang impluwensiya. Sa mga bansang Katoliko sa Europa at sa mga lupain sa Amerika, ang kahiya-hiyang paggawi ng mga klero sa kanilang pinansiyal, pulitikal, at moral na mga gawain ay nagparungis sa kanilang reputasyon. Mula ngayon, lalo pang lulubha ang kanilang katayuan, sapagkat malapit na rin nilang danasin ang kahatulang naghihintay sa lahat ng iba pang huwad na mga relihiyonista.—Apocalipsis 18:21; 19:2.
-
-
Mga Salot ni Jehova sa SangkakristiyanuhanApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
[Chart sa pahina 139]
Nahayag na Ahenho ang mga Tubig ng Sangkakristiyanuhan
Mga Paniniwala at Saloobin Kung Ano Talaga ang Sinasabi
ng Sangkakristiyanuhan ng Bibliya
Hindi mahalaga ang personal Nanalangin si Jesus na
na pangalan ng Diyos: pakabanalin ang pangalan
“Lubhang di-angkop para sa ng Diyos. Sinabi ni Pedro:
pansansinukob na “Ang bawat isa na tumatawag
pananampalataya ng Iglesiya sa pangalan ni Jehova ay
Kristiyana . . . na gumamit maliligtas.” (Gawa 2:21;
ng anumang pangalang pantangi Joel 2:32; Mateo 6:9;
para sa iisa at tanging Exodo 6:3; Apocalipsis 4:11;
Diyos.” (Paunang salita sa Apoc 15:3; 19:6)
Revised Standard Version)
Ang Diyos ay isang Sinasabi ng Bibliya na
Trinidad: “Ang Ama ay Diyos, si Jehova ay mas dakila
ang Anak ay Diyos, at ang kaysa kay Jesus at na
Espiritu Santo ay Diyos, Siya ang Diyos at ulo ni
gayunma’y hindi tatlo ang Kristo. (Juan 14:28; 20:17;
Diyos kundi iisang Diyos.” 1 Corinto 11:3) Ang banal
(The Catholic Encyclopedia, na espiritu ay aktibong
edisyon ng 1912) puwersa ng Diyos. (Mateo 3:11;
Imortal ang kaluluwa ng Ang tao ay isang kaluluwa.
tao: “Kapag namatay ang Sa kamatayan, ang kaluluwa ay
tao, humihiwalay ang hindi na nakapag-iisip o
kaniyang kaluluwa sa katawan. nakadarama at bumabalik sa
Ang kaniyang katawan . . . alabok na siyang pinagkunan
ay nabubulok . . . Gayunman, dito. (Genesis 2:7; 3:19;
hindi namamatay ang kaluluwa Awit 146:3, 4; Eclesiastes 3:19, 20;
ng tao.” (What Happens After Ecl 9:5, 10;
Death, publikasyon ng mga Ezekiel 18:4, 20)
Romano Katoliko)
Ang mga balakyot ay Ang kabayaran ng kasalanan ay
pinarurusahan sa impiyerno kamatayan, hindi habambuhay
pagkamatay nila: “Ayon sa na pagpapahirap. (Roma 6:23)
tradisyonal na paniniwalang Ang mga patay ay walang-malay
Kristiyano, ang impiyerno na namamahinga sa impiyerno
ay isang dako ng (Hades, Sheol), at
walang-katapusang panggigipuspos naghihintay ng pagkabuhay-muli.
at paghihirap.” (The World (Awit 89:48; Juan 5:28, 29;
Book Encyclopedia, edisyon Ju 11:24, 25;
ng 1987) Apocalipsis 20:13, 14)
Ang titulong Mediatrix Ang tanging tagapamagitan sa
[babaing tagapamagitan] ay Diyos at sa mga tao ay
ikinakapit sa Nuestra si Jesus. (Juan 14:6;
Señora.” (New Catholic 1 Timoteo 2:5;
Encyclopedia, edisyon ng Hebreo 9:15; 12:24)
1967)
Dapat binyagan ang mga Ang bautismo ay para sa mga
sanggol: “Mula’t mula pa’y nagiging alagad at naturuang
isinasagawa na ng Simbahan sumunod sa mga utos ni Jesus.
ang Sakramento ng Bautismo Upang maging kuwalipikado
sa mga sanggol. Ang sa bautismo, dapat
kaugaliang ito ay hindi lamang maunawaan ng isa ang Salita ng
itinuturing na wasto, kundi Diyos at manampalataya.
itinuturo na napakahalaga (Mateo 28:19, 20; Lucas 3:21-23;
ukol sa kaligtasan.” Gawa 8:35, 36)
(New Catholic Encyclopedia,
edisyon ng 1967)
Karamihan sa mga relihiyon Lahat ng unang-siglong
ay nababahagi sa uring Kristiyano ay pawang mga
lego at uring klero, na ministro at nakibahagi sa
siyang naglilingkod sa lego. pangangaral ng mabuting
Ang klero ay karaniwang balita. (Gawa 2:17, 18;
sinusuwelduhan sa kanilang Roma 10:10-13; 16:1)
ministeryo at itinataas sila Ang isang Kristiyano ay
sa lego sa pamamagitan ng dapat magbigay “nang walang
mga titulong gaya ng bayad,” walang kapalit na
“Reberendo,” “Padre,” o suweldo. (Mateo 10:7, 8)
“Kaniyang Kamahalan.” Mahigpit na ipinagbawal ni
Jesus ang paggamit ng
relihiyosong mga titulo.
Ang mga imahen, larawan, Dapat umiwas ang mga
at krus ay ginagamit sa Kristiyano sa lahat ng anyo
pagsamba: “Ang mga imahen ng idolatriya, pati na sa
. . . ni Kristo, ng Birheng diumano’y relatibong pagsamba.
Ina ng Diyos, at ng iba (Exodo 20:4, 5; 1 Corinto 10:14;
pang mga santo, ay dapat 1 Juan 5:21) Sinasamba
. . . ilagay sa mga simbahan nila ang Diyos hindi sa
at pag-ukulan ng nararapat pamamagitan ng paningin kundi
na pagpipitagan at sa espiritu at katotohanan.
pagpaparangal.” (Deklarasyon (Juan 4:23, 24; 2 Corinto 5:7)
ng Konsilyo ng Trent [1545-63])
Itinuturo sa mga miyembro Ipinangaral ni Jesus na ang
ng simbahan na matutupad Kaharian ng Diyos, hindi
ang mga layunin ng Diyos pulitikal na sistema, ang
sa pamamagitan ng pulitika. pag-asa ng sangkatauhan.
Sinabi ng yumaong si (Mateo 4:23; 6:9, 10)
Kardinal Spellman: “Iisa Tumanggi siyang makisangkot
lamang ang daan tungo sa sa pulitika. (Juan 6:14, 15)
kapayapaan . . . , ang Ang Kaharian niya ay hindi
mabilis na daan ng bahagi ng sanlibutan; kaya
demokrasya.” Nagiging hindi rin dapat maging bahagi
balita ang pakikisangkot ng sanlibutan ang kaniyang
ng relihiyon sa pulitika tagasunod. (Juan 18:36;17:16)
mga rebelyon) at ang Nagbabala si Santiago
pagsuporta nito sa UN laban sa pakikipagkaibigan
bilang “kahuli-hulihang sa sanlibutan.
pag-asa sa pagkakaisa at (Santiago 4:4)
kapayapaan.”
-