Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Unang Kaabahan—Mga Balang
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 9. Anu-anong tagubilin sa pakikipagdigma ang tinanggap ng mga balang?

      9 Anu-anong tagubilin sa pakikipagdigma ang tinanggap ng mga balang na iyon? Iniuulat ni Juan: “At sinabihan sila na huwag pinsalain ang pananim sa lupa ni ang anumang luntiang bagay ni ang anumang punungkahoy, kundi yaon lamang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo. At pinagkalooban ang mga balang, hindi upang patayin sila, kundi upang pahirapan sila nang limang buwan, at ang pahirap sa kanila ay gaya ng pahirap ng alakdan kapag nananakit ito ng tao. At sa mga araw na iyon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit sa anumang paraan ay hindi ito masusumpungan, at nanaisin nilang mamatay ngunit ang kamatayan ay patuloy na tumatakas mula sa kanila.”​—Apocalipsis 9:4-6.

  • Unang Kaabahan—Mga Balang
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 11. (a) Gaano katagal pinahintulutan ang mga balang na pahirapan ang mga kaaway ng Diyos, at bakit hindi talaga ito maikling panahon? (b) Gaano katindi ang pagpapahirap?

      11 Tatagal nang limang buwan ang pagpapahirap. Maituturing ba itong maikling panahon lamang? Hindi, kung para sa isang literal na balang. Limang buwan ang normal na haba ng buhay ng isa sa mga insektong ito. Kaya habang nabubuhay ang makabagong-panahong mga balang, patuloy nilang sasaktan ang mga kaaway ng Diyos. Bukod dito, napakatindi ng pagpapahirap anupat hinahangad ng mga tao na mamatay sila. Totoo, walang ulat na talagang nagtangkang magpatiwakal ang sinumang sinaktan ng mga balang. Subalit tumutulong sa atin ang pangungusap na ito na maguniguni kung gaano katindi ang pagpapahirap​—na kagaya ng walang-patid na pagsalakay ng mga alakdan. Katulad iyon ng paghihirap na inihula ni Jeremias na mararanasan ng di-tapat na mga Israelita na pangangalatin ng kanilang mga manlulupig na Babilonyo anupat gugustuhin pa nilang mamatay sa halip na mabuhay.​—Jeremias 8:3; tingnan din ang Eclesiastes 4:2, 3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share