Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Unang Kaabahan—Mga Balang
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 13. Ano ang hitsura ng mga balang?

      13 Lubhang kapansin-pansin ang hitsura ng mga balang na iyon! Inilalarawan ito ni Juan: “At ang mga wangis ng mga balang ay kahalintulad ng mga kabayong nakahanda sa pakikipagbaka; at nasa kanilang mga ulo ang tila mga koronang tulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao, ngunit sila ay may buhok na gaya ng buhok ng mga babae. At ang kanilang mga ngipin ay gaya niyaong sa mga leon; at sila ay may mga baluti na tulad ng mga baluting bakal. At ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karo ng maraming kabayo na tumatakbo patungo sa pakikipagbaka.”​—Apocalipsis 9:7-9.

  • Unang Kaabahan—Mga Balang
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 15. Ano ang isinasagisag ng bagay na ang mga balang ay (a) may mga baluting bakal? (b) may mga mukhang gaya ng mga tao? (c) may buhok na gaya niyaong sa babae? (d) may ngiping gaya niyaong sa mga leon? (e) gumagawa ng malaking ingay?

      15 Sa pangitain, ang mga balang ay may mga baluting bakal, na sumasagisag sa di-matitinag na katuwiran. (Efeso 6:14-18) Mayroon din silang mga mukha ng mga tao, at tumutukoy ito sa katangian na pag-ibig, yamang nilalang ang tao ayon sa larawan ng Diyos, na siyang pag-ibig. (Genesis 1:26; 1 Juan 4:16) Mahaba ang kanilang buhok na gaya ng buhok ng babae, na angkop na lumalarawan sa pagpapasakop nila sa kanilang Hari, ang anghel ng kalaliman. At ang ngipin nila ay katulad niyaong sa leon. Ginagamit ng leon ang mga ngipin nito upang lurayin ang karne. Mula noong 1919, ang uring Juan ay muli na namang tumanggap ng matigas na espirituwal na pagkain, lalung-lalo na ang mga katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos na pinamamahalaan ng “Leon mula sa tribo ni Juda,” si Jesu-Kristo. Gaya ng leon na sumasagisag sa lakas ng loob, nangangailangan din ng matinding lakas ng loob upang unawain ang tahasang mensaheng ito, ilathala, at ipamahagi sa buong daigdig. Gumawa ng malaking ingay ang makasagisag na mga balang na ito, gaya ng “ugong ng mga karo ng maraming kabayo na tumatakbo patungo sa pakikipagbaka.” Gaya ng unang-siglong mga Kristiyano, wala silang balak na manahimik.​—1 Corinto 11:7-15; Apocalipsis 5:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share