-
Namamasdan ni Juan ang Niluwalhating si JesusApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
5. (a) Ano ang iniutos ng isang tinig na dapat gawin ni Juan? (b) Bakit madaling magpadala ng mga balumbon sa lugar ng “pitong kongregasyon”?
5 Sa unang pangitaing ito, bago pa makita ni Juan ang anumang bagay, mayroon siyang naririnig: “At narinig ko sa aking likuran ang isang malakas na tinig na tulad ng sa trumpeta, na nagsasabi: ‘Ang iyong nakikita ay isulat mo sa isang balumbon at ipadala mo iyon sa pitong kongregasyon, sa Efeso at sa Smirna at sa Pergamo at sa Tiatira at sa Sardis at sa Filadelfia at sa Laodicea.’” (Apocalipsis 1:10b, 11) Isang tinig na may awtoridad na gaya ng tunog ng isang trumpeta ang nag-uutos kay Juan na sumulat sa “pitong kongregasyon.” Tatanggap siya ng sunud-sunod na mensahe at dapat niyang isulat ang mga bagay na kaniyang makikita at maririnig. Pansinin na aktuwal na umiiral noong panahon ni Juan ang mga kongregasyong binabanggit dito. Ang lahat ng ito ay nasa Asia Minor, sa kabilang-ibayo lamang ng dagat mula sa Patmos. Madaling mararating ang bawat isa sa mga kongregasyong ito dahil sa maayos na mga lansangang ginawa ng mga Romano sa lugar na iyon. Hindi mahihirapang magdala ng balumbon ang isang mensahero mula sa isang kongregasyon patungo sa kabila. Ang pitong kongregasyong ito ay katulad ng isang bahagi ng makabagong-panahong sirkito ng mga Saksi ni Jehova.
-
-
Namamasdan ni Juan ang Niluwalhating si JesusApocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
[Mga larawan sa pahina 23]
Ang arkeolohikal na mga labí ng mga lunsod na kinaroroonan ng pitong kongregasyon ay nagpapatotoo sa ulat ng Bibliya. Dito tinanggap ng mga Kristiyano noong unang siglo ang nakapagpapatibay na mga mensahe ni Jesus na nagpapasigla ngayon sa pambuong-daigdig na kongregasyon
PERGAMO
SMIRNA
TIATIRA
SARDIS
EFESO
FILADELFIA
LAODICEA
-