Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagsisiwalat sa Sagradong Lihim
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • Ang mga Bituin at mga Kandelero

      5. Paano ipinaliliwanag ni Jesus ang “pitong bituin” at ang “pitong kandelero”?

      5 Nakita ni Juan si Jesus sa gitna ng pitong ginintuang kandelero at may pitong bituin sa Kaniyang kanang kamay. (Apocalipsis 1:12, 13, 16) Ngayon ay ipinaliliwanag ito ni Jesus: “Kung tungkol sa sagradong lihim ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong ginintuang kandelero: Ang pitong bituin ay nangangahulugang mga anghel ng pitong kongregasyon, at ang pitong kandelero ay nangangahulugang pitong kongregasyon.”​—Apocalipsis 1:20.

  • Pagsisiwalat sa Sagradong Lihim
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 9. (a) Ano ang isinasagisag ng pitong kandelero, at bakit angkop na simbolo ang mga kandelero para sa mga ito? (b) Ano ang malamang na ipinaalaala ng pangitain kay apostol Juan?

      9 Ang pitong kandelero ay ang pitong kongregasyon na pinatutungkulan ni Juan ng aklat ng Apocalipsis: Efeso, Smirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea. Bakit sa mga kongregasyon sumasagisag ang mga kandelero? Sapagkat ang mga Kristiyano, bilang mga indibiduwal o bilang mga kongregasyon sa kabuuan, ay dapat ‘magpasikat ng kanilang liwanag sa harap ng mga tao’ sa madilim na sanlibutang ito. (Mateo 5:14-16) Bukod dito, kabilang sa mga kasangkapan sa templo ni Solomon ang mga kandelero. Ang pagtukoy sa mga kongregasyon bilang mga kandelero ay malamang na nagpaalaala kay Juan na, sa makatalinghagang paraan, bawat lokal na kongregasyon ng mga pinahiran ay “templo ng Diyos,” isang tahanang dako ng espiritu ng Diyos. (1 Corinto 3:16) Karagdagan pa, sa antitipikong kaayusan ng templong Judio, ang mga miyembro ng kongregasyon ng mga pinahiran ay nagsisilbing “isang maharlikang pagkasaserdote” sa kaayusan ng dakilang espirituwal na templo ni Jehova, kung saan si Jesus ang Mataas na Saserdote at kung saan si Jehova ay personal na tumatahan sa makalangit na Kabanal-banalan.​—1 Pedro 2:4, 5, 9; Hebreo 3:1; 6:20; 9:9-14, 24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share