Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbuhay-Muli sa Dalawang Saksi
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 19. Ayon sa ulat ng Apocalipsis, ano ang magaganap kapag natapos na ng dalawang saksi ang kanilang pagpapatotoo?

      19 Napakatindi ng salot na ito sa Sangkakristiyanuhan anupat pagkaraang manghula ang dalawang saksi sa loob ng 42 buwan na nadaramtan ng telang-sako, ginamit ng Sangkakristiyanuhan ang kaniyang makasanlibutang impluwensiya upang ‘ipapatay’ sila. Sumulat si Juan: “At kapag natapos na nila ang kanilang pagpapatotoo, ang mabangis na hayop na umaahon mula sa kalaliman ay makikipagdigma sa kanila at dadaigin sila at papatayin sila. At ang kanilang mga bangkay ay malalagay sa malapad na daan ng dakilang lunsod na sa espirituwal na diwa ay tinatawag na Sodoma at Ehipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ibinayubay rin. At yaong mula sa mga bayan at mga tribo at mga wika at mga bansa ay titingin sa kanilang mga bangkay nang tatlo at kalahating araw, at hindi nila hahayaang mailagay sa libingan ang kanilang mga bangkay. At yaong mga tumatahan sa lupa ay nagsasaya dahil sa kanila at nagkakatuwaan, at magpapadala sila ng mga kaloob sa isa’t isa, sapagkat pinahirapan ng dalawang propetang ito yaong mga tumatahan sa lupa.”​—Apocalipsis 11:7-10.

  • Pagbuhay-Muli sa Dalawang Saksi
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • [Kahon sa pahina 168]

      Ang Pagsasaya sa Apocalipsis 11:10

      Sa kaniyang aklat na Preachers Present Arms, na inilathala noong 1933, binanggit ni Ray H. Abrams ang matinding pagsalansang ng klero sa aklat ng mga Estudyante ng Bibliya na The Finished Mystery. Nirepaso niya ang mga pagsisikap ng klero na patahimikin ang mga Estudyante ng Bibliya at ang kanilang “nakapeperhuwisyong panghihikayat.” Umabot ito sa hukuman at nasentensiyahan si J. F. Rutherford at pito pang kasama nang maraming taóng pagkabilanggo. Idinagdag pa ni Dr. Abrams: “Nakita sa pagsusuri sa buong kaso na ang mga simbahan at ang klero ang talagang pasimuno ng kilusan upang patahimikin ang mga Russellite. Sa Canada, noong Pebrero, 1918, sinimulan ng mga ministro ang sistematikong kampanya laban sa kanila at sa kanilang mga publikasyon, partikular na ang The Finished Mystery. Ayon sa Tribune ng Winnipeg, . . . ang pagbabawal sa kanilang aklat ay pinaniniwalaang tuwirang resulta ng ‘alegasyon ng klero.’”

      Nagpatuloy si Dr. Abrams: “Nang makarating sa mga editor ng relihiyosong mga pahayagan ang balita hinggil sa dalawampung-taóng sentensiya, halos lahat ng mga publikasyong iyon, malaki man o maliit, ay nagsaya. Wala akong nabasa ni isa mang salita ng pakikiramay mula sa alinman sa relihiyosong babasahin ng mga ortodokso. ‘Walang alinlangan,’ ang naging konklusyon ni Upton Sinclair, na ‘ang isang dahilan ng pag-uusig . . . ay sapagkat naging tudlaan sila ng pagkapoot ng relihiyosong grupong “ortodokso.”’ Ang nabigong gawin ng pinagsamang pagsisikap ng mga relihiyon ay waring matagumpay na nagawa ngayon ng pamahalaan para sa kanila.” Matapos sipiin ang mapanirang mga komento ng ilang relihiyosong publikasyon, tinukoy naman ng manunulat ang pagbaligtad sa desisyon sa Korte ng Apelasyon at nagkomento nang ganito: “Nanahimik ang mga simbahan nang lumabas ang desisyong ito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share