Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 10B “Tuyong mga Buto” at Dalawang Saksi—Ano ang Kaugnayan Nila?
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
    • “Tuyong mga Buto” at Dalawang Saksi​—Ano ang Kaugnayan Nila?

      NOONG 1919, natupad ang dalawang magkaugnay na hula: ang tungkol sa “tuyong mga buto” at sa ‘dalawang saksi.’ Ang “tuyong mga buto” ay tungkol sa isang napakahabang panahon (umabot nang maraming siglo) na magwawakas sa pagkabuhay ng isang malaking grupo ng mga lingkod ng Diyos. (Ezek. 37:2-4; Apoc. 11:1-3, 7-13) Ang ‘dalawang saksi’ naman ay tungkol sa isang maikling panahon (natupad mula noong pagtatapos ng 1914 hanggang sa pasimula ng 1919) na magwawakas sa pagkabuhay ng isang maliit na grupo ng mga lingkod ng Diyos. Ang dalawang hulang ito ay lumalarawan sa makasagisag na pagkabuhay-muli at may makabagong-panahong katuparan noong 1919 nang ‘patayuin’ ni Jehova ang pinahirang mga lingkod niya, palayain sila sa Babilonyang Dakila, at tipunin kasama ng ibinalik na kongregasyon.​—Ezek. 37:10.

      Pero may isang mahalagang pagkakaiba pagdating sa katuparan ng dalawang hulang ito. Ang hula tungkol sa “tuyong mga buto” ay tumutukoy sa pagkabuhay ng lahat ng natitirang pinahiran. Pero ang hula tungkol sa ‘dalawang saksi’ ay tumutukoy sa pagkabuhay ng ilang natitirang pinahiran ng Diyos​—ang mga nangunguna sa organisasyon at inatasan bilang “tapat at matalinong alipin.”​—Mat. 24:45; Apoc. 11:6.a

      Ang mga pinahiran noong 1919
  • 10B “Tuyong mga Buto” at Dalawang Saksi—Ano ang Kaugnayan Nila?
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
      1. PASIMULA NG 1919

        1919: Nabuhay ang ‘dalawang saksi’ nang ang isang maliit na grupo ng pinahirang mga kapatid na nangunguna sa organisasyon ay atasang maglingkod bilang “tapat at matalinong alipin”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share