Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 7. Ano pang tanda ang nakikita ni Juan sa langit?

      7 Ano ang sumunod na nakita ni Juan? “At isa pang tanda ang nakita sa langit, at, narito! isang malaking dragon na kulay-apoy, na may pitong ulo at sampung sungay at sa mga ulo nito ay may pitong diadema; at kinakaladkad ng buntot nito ang isang katlo ng mga bituin sa langit, at inihagis sila nito sa lupa. At ang dragon ay nanatiling nakatayo sa harap ng babae na malapit nang magsilang, upang kapag nakapagsilang na siya ay malamon nito ang kaniyang anak.”​—Apocalipsis 12:3, 4.

  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 9. Ano ang ipinahihiwatig ng bagay na ang buntot ng dragon ay ‘kumakaladkad sa isang katlo ng mga bituin sa langit’ pababa rito sa lupa?

      9 May awtoridad din ang dragon sa dako ng mga espiritu. ‘Kinakaladkad niya ang isang katlo ng mga bituin sa langit’ sa pamamagitan ng kaniyang buntot. Ang mga bituin ay maaaring kumatawan sa mga anghel. (Job 38:7) Idiniriin ng salitang “isang katlo” na malaki-laki ring bilang ng mga anghel ang nailigaw ni Satanas. Minsang mapailalim sila sa kaniyang kontrol, wala na silang kawala. Hindi na sila makababalik sa banal na organisasyon ng Diyos. Naging mga demonyo sila, na kinaladkad, wika nga, ni Satanas na kanilang hari, o tagapamahala. (Mateo 12:24) Inihagis din naman sila ni Satanas sa lupa. Walang pagsalang tumutukoy ito sa panahon ni Noe bago ang Baha, nang hikayatin ni Satanas ang masuwaying mga anak ng Diyos na bumaba sa lupa at sumiping sa mga anak na babae ng tao. Bilang parusa, ang “mga anghel na nagkasala” ay inihagis ng Diyos sa isang tulad-bilangguang kalagayan na tinatawag na Tartaro.​—Genesis 6:4; 2 Pedro 2:4; Judas 6.

      10. Anong magkalabang organisasyon ang lumilitaw ngayon, at bakit nais lamunin ng dragon ang sanggol na isisilang ng babae?

      10 Kaya maliwanag na lumilitaw ngayon ang dalawang magkalabang organisasyon​—ang makalangit na organisasyon ni Jehova na inilalarawan ng babae at ang makademonyong organisasyon ni Satanas na humahamon sa pagkasoberano ng Diyos. Dapat malutas ang napakahalagang isyu hinggil sa pagkasoberano. Subalit paano? Si Satanas, na kumakaladkad pa rin sa mga demonyo, ay gaya ng mabalasik na hayop na maninila na nag-aabang ng kaniyang magiging biktima. Hinihintay niyang manganak ang babae. Gusto niyang lamunin ang isisilang na sanggol sapagkat alam niyang banta ito sa kaniyang patuloy na pag-iral at sa sanlibutang pinamamahalaan niya.​—Juan 14:30.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share