Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 11. Paano inilalarawan ni Juan ang pagsilang ng anak ng babae, at bakit ang bata ay tinatawag na “isang anak na lalaki, isang lalaki”?

      11 Ang itinakdang panahon ukol sa pamamahala ng mga bansa nang walang pakikialam ng Diyos ay nagwakas noong 1914. (Lucas 21:24) Kasunod nito, isinilang ng babae ang kaniyang sanggol sa tamang panahon: “At nagsilang siya ng isang anak na lalaki, isang lalaki, na magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal. At ang kaniyang anak ay inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono. At ang babae ay tumakas patungo sa ilang, kung saan may dako siya na inihanda ng Diyos, upang doon ay pakainin nila siya nang isang libo dalawang daan at animnapung araw.” (Apocalipsis 12:5, 6) Ang anak ay “isang anak na lalaki, isang lalaki.” Bakit kaya ginamit ni Juan ang dobleng pananalitang ito? Ito’y upang ipakita ang pagiging karapat-dapat ng anak, ang kaniyang kakayahang mamahala sa mga bansa taglay ang sapat na kapangyarihan. Idiniriin din nito kung gaano kahalaga at kaligaya ang pagsilang na ito! Napakahalaga ng papel nito upang sumapit sa katapusan ang sagradong lihim ng Diyos. Aba, ang anak na lalaking ito rin ay “magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal”!

  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 13. Ano ang ipinahihiwatig ng bagay na ang anak na lalaki ay “inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono”?

      13 Hindi kailanman papayagan ni Jehova na lamunin ni Satanas ang Kaniyang asawa ni ang Kaniyang kasisilang na anak na lalaki! Pagkasilang, ang anak na lalaki ay “inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono.” Sa gayon, lubusan siyang napoprotektahan ni Jehova, na maglalaan ng ganap na pangangalaga sa kasisilang na Kahariang ito, ang Kaniyang instrumento upang pabanalin ang Kaniyang banal na pangalan. Kasabay nito, ang babae ay tumatakas tungo sa isang dako sa ilang na inihanda para sa kaniya ng Diyos. Saka na ang higit pang detalye tungkol dito! Kung tungkol naman kay Satanas, malapit nang maganap ang isang mahalagang pangyayari na lubusang hahadlang sa kaniya na muling pagbantaan ang Kaharian sa langit. Anong pangyayari ito?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share