Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mag-ingat Laban sa Panlilinlang
    Ang Bantayan—2004 | Pebrero 15
    • 5. Paano pinag-iibayo ni Satanas ang kaniyang mapanlinlang na mga pagsisikap sa panahong ito ng kawakasan, at sino ang lalo nang pinupuntirya niya?

      5 Sa panahong ito ng kawakasan, pinag-iibayo ni Satanas ang kaniyang mga pagsisikap. Inihagis na siya rito sa lupa. Alam niya na kakaunti na lamang ang kaniyang panahon, at may “malaking galit” siya. Palibhasa’y determinadong ipahamak ang pinakamaraming tao hangga’t maaari, ‘inililigaw niya ang buong tinatahanang lupa.’ (Apocalipsis 12:9, 12) Hindi paminsan-minsan ang panlilinlang ni Satanas. Sa halip, wala siyang tigil sa kaniyang mga pagsisikap na iligaw ang sangkatauhan.a Ginagamit niya ang lahat ng mapanlinlang na pamamaraan sa kaniyang arsenal​—kasali na ang pandaraya at kataksilan​—upang bulagin ang mga kaisipan ng mga di-sumasampalataya at panatilihin silang malayo sa Diyos. (2 Corinto 4:4) Ang dalubhasang manlilinlang na ito ay lalo nang determinadong silain ang mga sumasamba sa Diyos “sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24; 1 Pedro 5:8) Huwag kalimutan kailanman na, sa diwa, sinabi ni Satanas: ‘Maitatalikod ko sa Diyos ang sinuman.’ (Job 1:9-12) Isaalang-alang natin ang ilan sa “mapanlinlang na mga taktika” ni Satanas at kung paano mag-iingat laban sa mga ito.​—Efeso 6:11, Jewish New Testament.

  • Mag-ingat Laban sa Panlilinlang
    Ang Bantayan—2004 | Pebrero 15
    • a Hinggil sa uri ng pandiwa na isinaling “nagliligaw” sa Apocalipsis 12:9, isang reperensiyang akda ang nagsasabi na “nagpapahiwatig [ito] ng patuloy na pagkilos na naging kaugalian na.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share