Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 17, 18. (a) Anong makalangit na pagtugon ang iniuulat ni Juan nang ihagis si Satanas mula sa langit? (b) Saan malamang nagbuhat ang malakas na tinig na naririnig ni Juan?

      17 Iniuulat ni Juan ang nakagagalak na pagtugon ng langit sa matinding pagbagsak na ito ni Satanas: “At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsabi: ‘Ngayon ay naganap na ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang awtoridad ng kaniyang Kristo, sapagkat ang tagapag-akusa sa ating mga kapatid ay naihagis na, na siyang umaakusa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos! At kanilang dinaig siya dahil sa dugo ng Kordero at dahil sa salita ng kanilang pagpapatotoo, at hindi nila inibig ang kanilang mga kaluluwa maging sa harap ng kamatayan. Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na tumatahan diyan!’”​—Apocalipsis 12:10-12a.

  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 20. Paano dinaraig ng mga tapat na Kristiyano si Satanas?

      20 Ang mga pinahirang Kristiyano, na ibinibilang na matuwid “dahil sa dugo ng Kordero,” ay patuloy na nagpapatotoo sa Diyos at kay Jesu-Kristo sa kabila ng mga pag-uusig. Sa loob ng mahigit 120 taon, itinatawag-pansin ng uring Juan ang dakilang mga isyu na nasasangkot sa pagtatapos ng Panahong Gentil noong 1914. (Lucas 21:24, King James Version) At matapat na naglilingkod ngayon kasama nila ang malaking pulutong. Isa man sa mga ito ay ‘hindi natatakot sa pumapatay ng katawan ngunit hindi makapapatay ng kaluluwa,’ gaya ng paulit-ulit na pinatunayan ng totoong-buhay na mga karanasan ng mga Saksi ni Jehova sa ating panahon. Sa salita man at wastong paggawing Kristiyano, dinaig nila si Satanas, at pinatutunayan sa bawat pagkakataon na sinungaling siya. (Mateo 10:28; Kawikaan 27:11; Apocalipsis 7:9) Tiyak na napakalaki ng kagalakan ng mga pinahirang Kristiyano sa pagbuhay-muli sa kanila tungo sa langit, yamang wala na roon si Satanas upang akusahan ang kanilang mga kapatid! Kaya tunay ngang panahon na para sa lahat ng hukbo ng mga anghel na tumugon nang may kagalakan sa panawagang: “Matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na tumatahan diyan!”

      Kaabahan Mula sa Kalaban!

      21. Paano dinulutan ni Satanas ng kaabahan ang lupa at ang dagat?

      21 Galit na galit dahil sa ikatlong kaabahan, desidido ngayon si Satanas na pahirapan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng sarili niyang uri ng kaabahan. Kaya: “Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang Diyablo ay bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.” (Apocalipsis 12:12b) Ang pagpapalayas kay Satanas mula sa langit ay talaga namang nagdulot ng kaabahan sa literal na lupa, na ipinapahamak ngayon ng sakim na mga taong kontrolado niya. (Deuteronomio 32:5) Higit pa rito, ang patakaran ni Satanas na ‘mamahala o magpahamak’ ay nagdudulot ng kaabahan sa makasagisag na lupa, ang kaayusan ng lipunan ng tao, at pati na sa makasagisag na dagat, ang maligalig na sangkatauhan mismo. Sa nakalipas na dalawang digmaang pandaigdig, nakita ang poot ni Satanas sa poot ng mga bansang kontrolado niya, at nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang ganitong mga bugso ng makademonyong pagngangalit​—ngunit hindi na ito magtatagal! (Marcos 13:7, 8) Gaano man kakila-kilabot ang mga pakana ng Diyablo, wala pa ito sa kalingkingan ng kalunus-lunos na epekto ng ikatlong kaabahan​—ang pagkilos mismo ng Kaharian ng Diyos​—kapag ito ay humampas na sa nakikitang organisasyon ni Satanas!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share