Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang mabangis na hayop na may pitong ulo sa Apocalipsis 13?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • Mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay, na umaahon mula sa dagat. Ang anyo nito ay gaya ng isang leopardo, na may paa ng isang oso, bibig ng isang leon, at sa mga sungay nito ay may sampung diadema.

      Ano ang Mabangis na Hayop na May Pitong Ulo sa Apocalipsis Kabanata 13?

      Ang sagot ng Bibliya

      Ang mabangis na hayop na may pitong ulo na ipinakilala sa Apocalipsis 13:1 ay lumalarawan sa pandaigdig na politikal na sistema.

  • Ano ang mabangis na hayop na may pitong ulo sa Apocalipsis 13?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
      • Ito ay umaahon “mula sa dagat,” ibig sabihin, mula sa magulong sangkatauhan kung saan nanggagaling ang mga gobyerno ng tao.​—Apocalipsis 13:1; Isaias 17:12, 13.

  • Ano ang mabangis na hayop na may pitong ulo sa Apocalipsis 13?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • “Sampung sungay at pitong ulo”

      May ilang numero sa Bibliya na ginagamit sa makasagisag na paraan. Halimbawa, ang sampu at ang pito ay lumalarawan sa pagiging kumpleto. Ang susi para maunawaan ang espesipikong kahulugan ng “sampung sungay at pitong ulo” ng hayop sa Apocalipsis kabanata 13 ay ang “larawan ng mabangis na hayop” na tinukoy nang dakong huli sa Apocalipsis​—isang hayop na matingkad na pula na may pitong ulo at sampung sungay. (Apocalipsis 13:1, 14, 15; 17:3) Sinasabi ng Bibliya na ang pitong ulo ng kulay-pulang hayop na ito ay lumalarawan sa “pitong hari,” o gobyerno.​—Apocalipsis 17:9, 10.

      Gayundin, ang pitong ulo ng hayop sa Apocalipsis 13:1 ay kumakatawan sa pitong gobyerno: ang pangunahing politikal na mga kapangyarihan na nangibabaw sa kasaysayan at nanguna sa pang-aapi sa bayan ng Diyos​—Ehipto, Asirya, Babilonya, Medo-Persia, Gresya, Roma, at Anglo-Amerika. Ang sampung sungay (karaniwan nang sumasagisag sa mga gobyerno) ay kumakatawan sa lahat ng nagsasariling estado, maliliit at malalaki. Kaya ang diadema, o korona (sumasagisag sa awtoridad at kapangyarihan), sa bawat sungay ay nagpapakita na namamahala rin ang bawat bansa kasabay ng pangunahing politikal na kapangyarihan sa panahong iyon.

  • Ano ang Ibig Sabihin ng 666?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    • Ayon sa huling aklat ng Bibliya, 666 ang bilang, o pangalan, ng mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na umaahon mula sa dagat. (Apocalipsis 13:1, 17, 18) Ang hayop na ito ay sumasagisag sa pandaigdig na politikal na sistema, na namamahala “sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.” (Apocalipsis 13:7) Ang pangalang 666 ay tumutukoy sa lubos na kabiguan ng politikal na sistema sa paningin ng Diyos. Paano?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share