Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apocalipsis—Ang Kahulugan Nito Para sa mga Kaaway ng Diyos
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Mayo
    • IPINAKILALA ANG MGA KAAWAY NG DIYOS

      Ang mabangis na hayop na may pitong ulo sa Apocalipsis, na umahon sa dagat ng sangkatauhan. Mayroon itong 10 sungay at 10 diadema sa ulo nito at tulad ito ng leopardo, may paa na gaya ng sa oso, at bibig na gaya ng bibig ng leon.

      MABANGIS NA HAYOP NA MAY PITONG ULO

      “Umaahon [ito] mula sa dagat” at mayroon itong 7 ulo, 10 sungay, at 10 diadema. (Apoc. 13:1-4) Lumalarawan ito sa lahat ng gobyerno ng tao na namahala sa buong kasaysayan. Ang pitong ulo ay lumalarawan sa pitong kapangyarihang pandaigdig na may malaking epekto sa bayan ng Diyos (Tingnan ang parapo 6-8)

      6. Saan tumutukoy ang mabangis na hayop na may pitong ulo na binanggit sa Apocalipsis 13:1-4?

      6 Saan tumutukoy ang mabangis na hayop na may pitong ulo? (Basahin ang Apocalipsis 13:1-4.) Nakita natin na ang mabangis na hayop na ito ay tulad ng leopardo, pero ang mga paa nito ay gaya ng sa oso, at ang bibig nito ay gaya ng bibig ng leon, at mayroon itong 10 sungay. Ganiyan din inilarawan ang apat na hayop na binanggit sa Daniel kabanata 7. Pero sa aklat ng Apocalipsis, ang mga paglalarawang iyan ay makikita sa iisang hayop, hindi sa apat na magkakaibang hayop. Ang mabangis na hayop na ito ay hindi lumalarawan sa iisang gobyerno lang o kapangyarihang pandaigdig. Sinasabi na namamahala ito “sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.” Tiyak na nakahihigit ito kaysa sa gobyerno ng isang bansa. (Apoc. 13:7) Kaya lumalarawan ang mabangis na hayop na ito sa lahat ng gobyerno ng tao na namahala sa buong kasaysayan.b—Ecles. 8:9.

  • Apocalipsis—Ang Kahulugan Nito Para sa mga Kaaway ng Diyos
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Mayo
    • b Ang “10 sungay” ng mabangis na hayop na may 7 ulo ay patunay rin na lumalarawan ito sa lahat ng gobyerno ng tao. Madalas na ginagamit sa Bibliya ang bilang na 10 para ipakita ang pagiging kumpleto.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share