Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Lumago Kayo sa Kaalaman
    Ang Bantayan—1993 | Agosto 15
    • Diyos at sa kaniyang Anak. Iyan ay makatuwiran, yamang ang Maylikha, si Jehova, ang pinanggagalingan ng tunay na kaalaman. Nakikita ng isang may takot sa Diyos ang mga bagay-bagay sa tamang pangmalas at makagagawa ng makatuwirang pagpapasiya.​—Kawikaan 1:7.

      6 Pagkatapos ay nagpayo si Pedro: “Ilakip sa inyong pananampalataya ang kagalingan, sa inyong kagalingan ang kaalaman, sa inyong kaalaman ang pagpipigil-sa-sarili, sa inyong pagpipigil-sa-sarili ang pagtitiis, sa inyong pagtitiis ang banal na debosyon, sa inyong banal na debosyon ang pagmamahal sa kapatid, sa inyong pagmamahal sa kapatid ang pag-ibig. Sapagkat kung nasa inyo ang mga bagay na ito at nag-uumapaw, kayo’y hindi magiging tamad o walang bunga tungkol sa tumpak na kaalaman sa ating Panginoong Jesu-Kristo.” (2 Pedro 1:5-8)b Sa susunod na kabanata, mababasa natin na ang pagtatamo ng kaalaman ay tumutulong sa mga tao na makaiwas sa mga karumihan ng sanlibutan. (2 Pedro 2:20) Sa gayon ay nilinaw ni Pedro na yaong nagiging mga Kristiyano ay nangangailangan ng kaalaman, kagaya ng mga naglilingkod na kay Jehova. Ikaw ba ay nasa isa sa mga kauriang ito?

      Matutuhan, Ulitin, Gamitin

      7. Sa papaano nagkamit ang marami ng tumpak na kaalaman sa saligang mga katotohanan ng Bibliya?

      7 Marahil ay nakikipag-aral ka ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova sapagkat iyong nakilala ang taginting ng katotohanan sa kanilang mensahe. Minsan isang linggo, sa loob ng isang oras humigit kumulang, inyong isinasaalang-alang ang isang paksa sa Bibliya sa pamamagitan ng isang aklat na pantulong na gaya ng Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Magaling! Maraming nakipag-aral sa mga Saksi ni Jehova ang nagkamit ng tumpak na kaalaman. Datapuwat, ano ang maaari mong gawin upang maragdagan ang dami ng iyong natututuhan? Narito ang ilang mungkahi.c

      8. Samantalang naghahanda para sa pag-aaral, ano ang magagawa ng isang estudyante upang matuto nang higit pa?

      8 Sa simula pa, samantalang naghahanda para sa iyong pag-aaral, siyasatin mo ang materyal na pag-aaralan. Nangangahulugan iyan na titingnan mo ang titulo ng kabanata, ang mga subtitulo, at anumang mga larawan na ginamit bilang ilustrasyon ng materyal. Pagkatapos, habang bumabasa ka ng isang parapo o seksiyon ng publikasyon, hanapin ang pinakasusing mga idea at ang umaalalay na mga kasulatan, na sinasalungguhitan o itinatampok ang mga ito. Upang alamin kung natutuhan mo ang tinalakay na mga katotohanan, tingnan kung masasagot mo ang mga tanong sa iba’t ibang parapo. Sa paggawa mo nito, sikaping masagot ang mga tanong sa iyong sariling mga salita. Sa wakas, repasuhin ang leksiyon, na sinisikap na maalaala ang pangunahing mga punto at umaalalay na mga argumento.

      9. Papaano tutulong sa isa upang matuto ang pagkakapit ng mga mungkahi tungkol sa pag-aaral?

      9 Maaasahan mong susulong ka sa kaalaman kung ikakapit mo ang mga mungkahing ito. Bakit nga? Ang isang dahilan ay pag-aaralan mo ang materyal na taglay ang taimtim na hangaring matuto, na inihahanda ang lupa, wika nga. Sa pamamagitan ng pagkaunawa sa kabuuan at pagkatapos ay paghanap sa pangunahing mga punto at mga hanay ng pangangatuwiran, makikita mo kung papaano ang mga detalye ay kaugnay ng tema o ng konklusyon. Isang pangkatapusang repaso ang tutulong sa iyo na tandaan ang iyong napag-aralan. Ano ang tutulong sa iyo na makaalaala sa bandang huli, sa oras ng inyong pag-aaral sa Bibliya?

      10. (a) Bakit ang pag-uulit lamang ng impormasyon o bagong kaalaman ay nagdudulot ng limitadong kapakinabangan? (b) Ano ang nasasangkot sa “graduated interval recall”? (c) Papaano nakinabang sa pag-uulit ang mga anak ng mga Israelita?

      10 Ang mga eksperto sa larangan ng edukasyon ay may kabatiran sa kahalagahan ng napapanahon at may layuning pag-uulit. Ito ay hindi lamang ang walang kabuluhang pagpapaulit-ulit ng mga salita, na maaaring sinubukan mong gawin sa paaralan samantalang natututo ng ilang pangalan, katotohanan, o idea sa pamamagitan ng pagmememorya. Subalit, hindi ba madali mong nakalimutan ang iyong binigkas, anupat dagling pumanaw sa memorya? Bakit? Ang basta walang saysay na pag-uulit sa isang bagong salita o katotohanan ay maaaring nakababagot, at panandalian ang mga resulta. Ano ang makapagpapabago niyan? Ang tunay na pagnanais mo na matuto ang tutulong. Ang isa pang pinakasusi ay ang may layuning pag-uulit. Mga ilang minuto pagkatapos na matutuhan mo ang isang punto, bago ito pumanaw sa memorya, sikaping pigain mula sa iyong sarili ang iyong natutuhan. Ito’y tinawag na “graduated interval recall.” (Ang pagtatanda ng bagong mga bagay sa pahaba nang pahabang mga pagitan.) Kung sinasariwa mo sa iyong memorya bago makalimutan, iyon ay mas matagal mong matatandaan. Sa Israel, ang mga utos ng Diyos ay kailangang itanim ng mga ama sa isip ng kanilang mga anak. (Deuteronomio 6:6, 7) Ang ibig sabihin ng “itanim” ay ituro sa pamamagitan ng pag-uulit. Malamang, ang una munang ginawa ng marami sa mga amang iyon ay iharap ang mga batas sa kanilang mga anak; pagkatapos, kanilang inulit ang impormasyon; at saka nagtanong sila sa kanilang mga anak tungkol sa natutuhan.

      11. Sa isang pag-aaral sa Bibliya ano ang maaaring gawin upang mas marami ang matutuhan?

      11 Kung inaaralan ka ng Bibliya ng isang Saksi, marahil ay matutulungan ka niya na matuto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng progresibong mga sumaryo sa mga pagitan sa panahon na idinaraos ang pag-aaral. Ito ay hindi pambata. Isa itong pamamaraan na nagpapahusay sa pagkatuto, kaya masayang makibahagi ka sa pana-panahong mga pagrerepaso. Pagkatapos, sa katapusan ng pag-aaral, makibahagi ka sa isang pangkatapusang repaso na sinasagot mo buhat sa memorya. Sa iyong sariling pananalita, marahil ay maipaliliwanag mo ang mga punto gaya ng kung nagtuturo ka sa iba. (1 Pedro 3:15) Tutulong ito upang ang iyong natutuhan ay maging bahagi ng iyong memorya sa loob ng mahabang panahon.​—Ihambing ang Awit 119:1, 2, 125; 2 Pedro 3:1.

      12. Ano ang magagawa ng isang estudyante mismo upang mapasulong ang kaniyang memorya?

      12 Ang isa pang makatutulong sa iyo, sa loob ng isa o dalawang araw, ay ang sabihin sa iba ang iyong natutuhan, maaaring sa isang kamag-aral, isang kamanggagawa, o isang kapitbahay. Maaari mong banggitin ang paksa at pagkatapos ay sabihin na gusto mo lamang malaman kung naisasaulo mo ang pangunahing mga linya ng pangangatuwiran o ang umaalalay na mga teksto buhat sa Bibliya. Baka iyan ang magpaningas sa interes ng iyong kausap. Kahit na kung hindi magkagayon, ang mismong pamamaraan ng iyong pag-ulit sa bagong impormasyon pagkaraan ng pagitan na isa o dalawang araw ang magpapatatag niyaon sa iyong memorya. Kung magkagayo’y talagang matututuhan mo iyon, na ginagawa ang ipinapayo ng 2 Pedro 3:18.

      Aktibong Pagkatuto

      13, 14. Bakit higit pa ang ibig natin kaysa pagkakamit lamang at pagtatanda ng impormasyon?

      13 Ang pagkatuto ay hindi lamang pagkuha ng impormasyon o kakayahan na maalaala ang impormasyon. Ang mga taong relihiyoso noong kaarawan ni Jesus ay ganiyan din ang ginawa sa pamamagitan ng kanilang paulit-ulit na mga panalangin. (Mateo 6:5-7) Subalit papaano sila naapektuhan ng impormasyon? Sila ba’y nagsisibol ng matuwid na mga bunga? Hindi. (Mateo 7:15-17; Lucas 3:7, 8) Ang isang bahagi ng suliranin ay dahil sa hindi nakatagos ang kaalaman sa kanilang puso, at nakaapekto para sa kanilang ikabubuti.

      14 Ayon kay Pedro, sa mga Kristiyano ay dapat na maging iba, noon at ngayon. Ipinayo niya sa atin na ilakip sa ating pananampalataya ang kaalaman na tutulong sa atin upang maiwasan ang pagiging di-aktibo o walang-bunga. (2 Pedro 1:5, 8) Upang magkatotoo ito sa atin, kailangang maging hangarin natin na lumago sa atin ang kaalamang iyon at ibig nating iyon ay makaapekto nang malalim sa atin, anupat naaabot hanggang ang ating kaloob-looban. Baka hindi laging mangyari iyan.

      15. Ano ang naging suliranin ng ilang Kristiyanong Hebreo?

      15 Noong kaarawan ni Pablo ang mga Kristiyanong Hebreo ay nagkaroon ng suliranin sa bagay na ito. Palibhasa’y mga Judio, nagkaroon sila ng kaunting kaalaman sa Kasulatan. Kilala nila si Jehova at ang ilan sa kaniyang mga kahilingan. Nang malaunan idinagdag nila ang kaalaman tungkol sa Mesiyas, sila’y sumampalataya, at nabautismuhan bilang mga Kristiyano. (Gawa 2:22, 37-41; 8:26-36) Sa paglipas ng mga buwan at mga taon, sila’y tiyak na nakadalo na sa mga pulong ng mga Kristiyano, na doon ay maaari silang makibahagi sa pagbasa ng mga kasulatan at sa pagkokomento. Gayunman, ang ilan ay hindi lumago sa kaalaman. Sumulat si Pablo: “Bagaman nararapat na sanang kayo’y maging mga guro dahil sa katagalan, ngayo’y kailangan na namang turuan kayo buhat sa pasimula ng mga panimulang aralin ng banal na salita ng Diyos; at kayo’y naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, hindi ng pagkaing matigas.” (Hebreo 5:12) Papaano ba nangyari iyan? Iyan kaya ay mangyari rin sa atin?

      16. Ano ba ang permafrost, at papaano naaapektuhan nito ang mga halaman?

      16 Bilang ilustrasyon, isaalang-alang ang permafrost, ang laging nagyeyelong lugar sa Arctic at sa iba pang mga rehiyon na kung saan ang katamtamang temperatura ay mas mababa sa pagyeyelo. Ang lupa, mga batuhan, at tubig sa lupa ay nagyeyelo hanggang sa maging isang buo at matigas na tipak, kung minsan sa lalim na 900 metro. Kung tag-araw, maaaring matunaw ang yelo sa nakapaibabaw na lupa (tinatawag na aktibong suson). Gayunman, ang manipis na suson na ito ng lupang natunawan ng yelo ay karaniwan nang maputik sapagkat ang halumigmig ay hindi makaabot sa permafrost sa ibaba. Ang mga halaman na tumutubo sa manipis na suson sa ibabaw ay kalimitan maliliit o bansot; ang kanilang mga ugat ay hindi makatagos sa permafrost. ‘Ano,’ marahil ay itatanong mo, ‘ang kinalaman ng permafrost sa kung ako ba ay lumalago sa kaalaman sa katotohanan ng Bibliya?’

      17, 18. Papaano magagamit ang permafrost at ang aktibong suson nito upang ipaghalimbawa ang nangyari sa ilang Kristiyanong Hebreo?

      17 Ang permafrost ay mainam na lumalarawan sa katayuan ng isang tao na ang pag-iisip ay hindi aktibong kumukuha, nagtatanda, at gumagamit ng tumpak na kaalaman. (Ihambing ang Mateo 13:5, 20, 21.) Malamang na ang taong iyon ay may kakayahan ng isip na matuto ng sari-saring paksa, kasali na ang katotohanan ng Bibliya. Kaniyang pinag-aralan “ang mga panimulang aralin ng banal na mga kapahayagan ng Diyos” at maaaring naging kuwalipikado na pabautismo, gaya ng mga Kristiyanong Hebreong iyon. Subalit, maaaring hindi siya “sumulong sa pagkamaygulang,” sa mga bagay na higit pa “sa pangunahing aral tungkol sa Kristo.”​—Hebreo 5:12; 6:1.

      18 Ilarawan sa isip ang ilan sa mga Kristiyanong iyon sa mga pulong noon. Naroroon sila at gising, subalit ang kanila bang mga isip ay nangatuto? Sila ba’y aktibo at patuloy na lumalago sa kaalaman? Marahil ay hindi. Para sa mga di-maygulang, ang pagkasangkot sa mga pulong ay hanggang doon lamang sa manipis na aktibong suson, wika nga, samantalang ang ilalim ay namuong yelo. Ang mga ugat ng lalong matitigas o malalalim na katotohanan ay hindi makatagos sa lugar na ito ng permafrost ng pag-iisip.​—Ihambing ang Isaias 40:24.

      19. Papaano maaaring mapatulad sa mga Kristiyanong Hebreo ang isang may-karanasang Kristiyano sa ngayon?

      19 Ganiyan din kung tungkol sa isang Kristiyano sa ngayon. Bagaman naroroon sa mga pulong ay baka hindi niya gamitin ang mga pagkakataong iyon upang siya’y lumago sa kaalaman. Kumusta naman ang tungkol sa aktibong pakikibahagi sa mga pulong? Para sa isang baguhan o kabataan na magboluntaryong bumasa ng isang teksto sa kasulatan o magkomento na ginagamit ang mga salita sa parapo, baka mangailangan ito ng malaking pagsisikap, nagbabadya ng isang mainam at kapuri-puring paggamit ng kaniyang kakayahan. Subalit ipinakita ni Pablo na kung tungkol sa iba, dahilan sa kahabaan na ng panahon na sila’y mga Kristiyano, dapat sana ay nalampasan na nila ang pang-unang baytang na iyan ng pakikibahagi kung ibig nilang patuloy na lumago sa kaalaman.​—Hebreo 5:14.

      20. Anong pagsusuri-sa-sarili ang dapat gawin ng bawat isa sa atin?

      20 Kung ang isang may-karanasang Kristiyano ay hanggang doon na lamang sa pagbasa ng isang talata sa Bibliya o pagbibigay ng isang simpleng komento tuwiran buhat sa parapo, malamang na iyon ay galing lamang sa nakapaibabaw na “aktibong suson” ng kaniyang isip. Maaaring matapos ang napakaraming pulong subalit nananatili pa ring nasa nagyelong katayuan ang potensiyal ng kaniyang pag-iisip, kung ipagpapatuloy ang ating ilustrasyon ng permafrost. Itanong natin sa ating sarili: ‘Ganiyan kaya ako? Pinayagan ko kayang isang uri ng permafrost ng pag-iisip ang mabuo sa akin? Gaano ako kalisto at kainteresado na matuto?’ Kung tayo man ay hindi nasisiyahan sa ating taimtim na mga kasagutan, maaari tayong magsimula ngayon ng pagkuha ng mga hakbang upang lumago sa kaalaman.

      21. Anong mga hakbang na tinalakay sa pasimula ang magagamit mo sa paghahanda para sa mga pulong o pagdalo sa mga ito?

      21 Maikakapit ng bawat isa sa atin ang mga mungkahi sa parapo 8. Gaano mang katagal nakaugnay tayo sa kongregasyon, makapagpapasiya tayo na sumulong tungo sa pagkamaygulang at sa higit na kaalaman. Para sa ilan iyan ay mangangahulugan ng lalong puspusang paghahanda para sa mga pulong, marahil muling pagsasagawa ng mga ugaling sinunod maraming taon na ngayon ngunit unti-unting nakalimutan. Sa iyong paghahanda, tiyakin ang pangunahing mga punto at unawain ang di-pamilyar na mga kasulatan na ginagamit sa pagbuo ng mga pangangatuwiran. Hanapin ang anumang bagong anggulo o aspekto sa materyal na pinag-aaralan. Gayundin, sa panahon ng pulong, sikaping ikapit sa iyong sarili ang mga mungkahing binanggit sa mga parapo 10 at 11. Pagsikapang maging listo ang pag-iisip, na para bang pinamamalaging nasa mainit na temperatura ang iyong isip. Iyan ay hahadlang sa pagbuo ng “permafrost”; ang palaisip na pagsisikap na ito ay tutunaw din sa anumang “namuong” kalagayan na umiral noong una.​—Kawikaan 8:12, 32-34.

      Kaalaman, Isang Tulong Tungo sa Pagkamabunga

      22. Papaano tayo makikinabang kung tayo’y magsisikap na palaguin ang ating kaalaman?

      22 Papaano makikinabang ang bawat isa sa atin kung magsisikap tayo sa bagay na ito na paglago sa di-sana-nararapat na awa at kaalaman sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo? Sa ating kusang pagsisikap na panatilihing listo ang ating pag-iisip, handang kumuha ng kaalaman, ang mga binhi ng bago at lalong malalim na mga katotohanan ng Bibliya ay mag-uugat nang malalim, at ang ating kaunawaan ay lalago at magiging permanente. Iyon ay kahalintulad ng sinabi ni Jesus sa isang naiibang ilustrasyon tungkol sa mga puso. (Lucas 8:5-12) Ang mga binhing nalaglag sa mabuting lupa ay tutubo nang may matitibay na ugat na susuhay sa mga pananim na nagbibigay ng ani at namumunga.​—Mateo 13:8, 23.

      23. Ano ang maaaring maging mga resulta kung ating isasapuso ang 2 Pedro 3:18? (Colosas 1:9-12)

      23 Ang ilustrasyon ni Jesus ay may kaunting pagkakaiba, subalit ang mabubuting resulta ay nakakatulad ng ipinangako ni Pedro: “Kaya nga sa dahilang ito, sa pamamagitan ng inyong pagbibigay naman ng lahat ng masigasig na pagsisikap, ilakip sa inyong pananampalataya ang kagalingan, sa inyong kagalingan ang kaalaman . . . Sapagkat kung nasa inyo ang mga bagay na ito at nag-uumapaw, kayo’y hindi magiging tamad o walang bunga tungkol sa tumpak na kaalaman sa ating Panginoong Jesu-Kristo.” (2 Pedro 1:5-8) Oo, ang ating paglago sa kaalaman ay tutulong sa atin na maging mabunga. Masusumpungan natin na ang pagkuha ng higit pang kaalaman ay magiging lalong kalugud-lugod. (Kawikaan 2:2-5) Ang iyong natutuhan ay madali mong matatandaan at magagamit habang tinuturuan ang iba na maging mga alagad. Kaya sa ganito ring paraan, ikaw ay magiging lalong mabunga at magdadala ng kaluwalhatian sa Diyos at sa kaniyang Anak. Tinapos ni Pedro ang kaniyang ikalawang liham: “Patuloy na magsilago kayo sa di-sana-nararapat na awa at sa kaalaman sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at sa araw na walang-hanggan.”​—2 Pedro 3:18.

  • Hayaang Umiral at Mag-umapaw ang Iyong Pagpipigil-sa-sarili
    Ang Bantayan—1993 | Agosto 15
    • Hayaang Umiral at Mag-umapaw ang Iyong Pagpipigil-sa-sarili

      “Ilakip sa inyong pananampalataya . . . ang pagpipigil-sa-sarili.”​—2 PEDRO 1:5, 6.

      1. Sa anong pambihirang kalagayan makapagpapatotoo ang isang Kristiyano?

      SINABI ni Jesus: “Kayo’y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila.” (Mateo 10:18) Kung ikaw ay tinawag sa harap ng isang gobernador, isang hukom, o isang pangulo, ano ba ang ipahahayag mo? Marahil una ay tungkol sa kung bakit ka naroroon, ang bintang laban sa iyo. Ang espiritu ng Diyos ang tutulong sa iyo na gawin iyon. (Lucas 12:11, 12) Subalit maguguniguni mo ba ang pagpapahayag tungkol sa pagpipigil-sa-sarili? Itinuturing mo ba iyan na isang mahalagang bahagi ng ating mensaheng Kristiyano?

      2, 3. (a) Papaano nangyari na si Pablo ay nakapagpatotoo kay Felix at Drusilla? (b) Bakit ang pagpipigil-sa-sarili ay isang angkop na paksang ipahayag ni Pablo sa kalagayang iyon?

      2 Isaalang-alang ang isang halimbawa ng isang tunay na pangyayari. Isa sa mga saksi ni Jehova ang inaresto at nilitis. Nang bigyan ng pagkakataon na magsalita, ibig niyang ipaliwanag ang kaniyang mga paniniwala bilang isang Kristiyano, bilang patotoo. Suriin mo ang ulat at makikita mo na siya ay nagbigay ng patotoo ng isang manananggol “tungkol sa katuwiran at pagpipigil-sa-sarili at sa paghuhukom na darating.” Tinutukoy namin ang isang karanasan ni apostol Pablo sa Cesaria. Nagkaroon ng unang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share