Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
    • Gaya ng inihula ni Jesus, makikita sa kaniyang “pagkanaririto” bilang makalangit na Hari ang kapansin-pansing mga pangyayari sa daigdig​—digmaan, taggutom, lindol, at salot. (Mateo 24:3-8; Lucas 21:11) Ang gayong mga pangyayari ay matibay na ebidensiya ng katotohanan na 1914 nga ang hudyat ng pagsilang ng makalangit na Kaharian ng Diyos at ng pasimula ng “mga huling araw” ng kasalukuyang masamang sistemang ito ng mga bagay.​—2 Timoteo 3:1-5.

      Chart: Ang pitong panahon, o mga panahon ng mga Gentil, na kinalkula mula pagbagsak ng Jerusalem hanggang matapos ang 2,520 taon noong Oktubre 1914
  • Sino si Miguel na Arkanghel?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
    • APENDISE

      Sino si Miguel na Arkanghel?

      BIHIRANG mabanggit sa Bibliya ang espiritung nilalang na tinatawag na Miguel. Subalit kapag tinutukoy siya, aktibo siya at laging may ginagawa. Sa aklat ng Daniel, nakikipagbaka si Miguel sa masasamang anghel; sa liham ni Judas, nakikipagtalo siya kay Satanas; at sa Apocalipsis, nakikipagdigma siya sa Diyablo at sa mga demonyo nito. Sa pagtatanggol sa pamamahala ni Jehova at paglaban sa mga kaaway ng Diyos, tinutupad ni Miguel ang kahulugan ng kaniyang pangalan​—“Sino ang Kagaya ng Diyos?” Pero sino ba si Miguel?

      Kung minsan, nakikilala ang mga indibiduwal hindi lamang sa iisang pangalan. Halimbawa, ang patriyarkang si Jacob ay nakilala rin bilang Israel, at si apostol Pedro, bilang Simon. (Genesis 49:1, 2; Mateo 10:2) Sa katulad na paraan, ipinakikita ng Bibliya na ang Miguel ay isa pang pangalan ni Jesu-Kristo, bago at pagkatapos niyang mabuhay sa lupa. Isaalang-alang natin ang maka-Kasulatang mga dahilan ng gayong konklusyon.

      Arkanghel. Tinutukoy ng Salita ng Diyos si Miguel na “arkanghel.” (Judas 9) Ang terminong ito ay nangangahulugang “punong anghel.” Ang salitang “arkanghel” ay lumilitaw sa Bibliya sa anyong pang-isahan lamang at hindi kailanman sa anyong pangmaramihan. Ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang gayong anghel. Karagdagan pa, nauugnay si Jesus sa posisyon ng arkanghel. Hinggil sa binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo, sinasabi ng 1 Tesalonica 4:16: “Ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel.” Kaya inilalarawan ang tinig ni Jesus bilang yaong sa arkanghel. Kung gayon, ipinahihiwatig ng kasulatang ito na si Jesus mismo ang arkanghel na si Miguel.

      Pinuno ng Hukbo. Sinasabi ng Bibliya na si “Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon . . . at [sa] mga anghel nito.” (Apocalipsis 12:7) Samakatuwid, si Miguel ang Pinuno ng hukbo ng tapat na mga anghel. Inilalarawan din ng Apocalipsis si Jesus bilang Pinuno ng hukbo ng tapat na mga anghel. (Apocalipsis 19:14-16) Espesipikong binanggit ni apostol Pablo ang “Panginoong Jesus” at ang “kaniyang makapangyarihang mga anghel.” (2 Tesalonica 1:7) Kaya tinutukoy ng Bibliya kapuwa si Miguel at ang “kaniyang mga anghel” at si Jesus at ang “kaniyang mga anghel.” (Mateo 13:41; 16:27; 24:31; 1 Pedro 3:22) Yamang walang anumang ipinahihiwatig ang Salita ng Diyos na may dalawang hukbo ng tapat na mga anghel sa langit​—isa na pinamumunuan ni Miguel at isa na pinamumunuan ni Jesus—​lohikal lamang na isipin na si Miguel ay walang iba kundi si Jesu-Kristo sa kaniyang makalangit na papel.a

      a Masusumpungan ang higit pang impormasyon na nagpapakitang ang pangalang Miguel ay kumakapit sa Anak ng Diyos sa Tomo 2, pahina 393-4, ng Insight on the Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

  • Pagkilala sa “Babilonyang Dakila”
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
    • APENDISE

      Pagkilala sa “Babilonyang Dakila”

      NAGLALAMAN ang aklat ng Apocalipsis ng mga kapahayagan na hindi dapat unawain sa literal na paraan. (Apocalipsis 1:1) Halimbawa, binabanggit nito ang isang babae na may pangalang “Babilonyang Dakila” na nakasulat sa kaniyang noo. Sinasabing nakaupo ang babaing ito sa “mga pulutong at mga bansa.” (Apocalipsis 17:1, 5, 15) Yamang walang literal na babae ang makagagawa nito, tiyak na makasagisag ang Babilonyang Dakila. Kaya ano ang inilalarawan ng makasagisag na patutot na ito?

      Sa Apocalipsis 17:18, inilarawan ang makasagisag na babae ring iyon bilang “ang dakilang lunsod na may kaharian sa mga hari sa lupa.” Ang terminong “lunsod” ay nagpapahiwatig ng isang organisadong grupo ng mga tao. Yamang may kontrol ang “dakilang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share