Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Magiging Katayuan Ninyo sa Harap ng Luklukan ng Paghatol?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • nagkaroon si Jesus ng maharlikang awtoridad sa mga Kristiyano, maisusulat ni Pablo na “iniligtas tayo [ni Jehova] mula sa awtoridad ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig.”​—Colosas 1:13; 3:1.

      15, 16. (a) Bakit natin sinasabi na si Jesus ay hindi naging Hari ng Kaharian ng Diyos noong 33 C.E.? (b) Kailan nagsimula si Jesus ng pamamahala sa Kaharian ng Diyos?

      15 Subalit nang panahong iyon, hindi kumilos si Jesus bilang Hari at Hukom sa mga bansa. Siya’y nakaupo sa tabi ng Diyos, anupat naghihintay ng panahon upang kumilos bilang Hari ng Kaharian ng Diyos. Tungkol sa kaniya ay isinulat ni Pablo: “May kinalaman sa kanino sa mga anghel sinabi niya kailanman: ‘Umupo ka sa aking kanang kamay, hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa’?”​—Hebreo 1:13.

      16 Ang mga Saksi ni Jehova ay naglathala ng maraming ebidensiya na ang panahon ng paghihintay ni Jesus ay natapos noong 1914, nang siya’y naging tagapamahala ng Kaharian ng Diyos sa di-nakikitang mga langit. Ganito ang sabi ng Apocalipsis 11:15, 18: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging ang kaharian ng ating Panginoon at ng kaniyang Kristo, at siya ay mamamahala bilang hari magpakailan kailanman.” “Subalit ang mga bansa ay napoot, at ang iyong sariling poot ay dumating.” Oo, ang mga bansa ay nagpahayag ng poot sa isa’t isa noong Digmaang Pandaigdig I. (Lucas 21:24) Ang mga digmaan, lindol, salot, kakapusan sa pagkain, at ang mga katulad nito, na nasasaksihan natin sapol noong 1914 ay nagpapatunay na si Jesus ay namamahala na ngayon sa Kaharian ng Diyos, at malapit na ang ganap na katapusan ng sanlibutan.​—Mateo 24:3-14.

      17. Anong mahahalagang punto ang natiyak na natin?

      17 Bilang maikling repaso: Masasabi na ang Diyos ay nakaupo sa trono bilang Hari, ngunit sa isang diwa siya ay makauupo sa kaniyang trono upang humatol. Noong 33 C.E., si Jesus ay umupo sa kanang kamay ng Diyos, at siya ngayon ay Hari ng Kaharian. Ngunit si Jesus kaya, na ngayo’y namamahala bilang Hari, ay naglilingkod din bilang Hukom? At bakit tayo dapat na mabahala rito, lalo na sa panahong ito?

      18. Anong patotoo mayroon na si Jesus ay magiging Hukom din?

      18 Si Jehova, na may karapatang humirang ng mga hukom, ay pumili kay Jesus bilang isang Hukom na nakaaabot sa Kaniyang mga pamantayan. Ipinakita ito ni Jesus nang bumabanggit tungkol sa mga tao na nagiging buháy sa espirituwal na paraan: “Ang Ama ay hindi humahatol sa kaninuman, kundi kaniyang ipinagkatiwala ang lahat ng paghatol sa Anak.” (Juan 5:22) Gayunman, ang hudisyal na tungkulin ni Jesus ay higit pa sa ganiyang uri ng paghatol, sapagkat siya ay hukom ng mga buháy at ng mga patay. (Gawa 10:42; 2 Timoteo 4:1) Minsa’y ipinahayag ni Pablo: “Nagtakda [ang Diyos] ng isang araw kung kailan nilalayon niyang hatulan ang tinatahanang lupa sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaking [si Jesus na] kaniyang inatasan, at naglaan siya ng garantiya sa lahat ng mga tao sa bagay na binuhay niya siyang muli.”​—Gawa 17:31; Awit 72:2-7.

      19. Bakit wastong banggitin na si Jesus ay nakaupo bilang Hukom?

      19 Samakatuwid ba’y may katuwiran tayo sa panghihinuha na si Jesus ay umupo sa isang maluwalhating trono sa espesipikong tungkulin ng Hukom? Oo. Sinabi ni Jesus sa mga apostol: “Sa muling-paglalang, kapag ang Anak ng tao ay umupo sa kaniyang maluwalhating trono, kayo na sumunod sa akin ay uupo rin mismo sa labindalawang trono, na humahatol sa labindalawang tribo ng Israel.” (Mateo 19:28) Bagaman si Jesus ay Hari ngayon ng Kaharian, sa kaniyang karagdagang gawain na binabanggit sa Mateo 19:28 ay kasali ang pag-upo sa trono upang humatol sa panahon ng Milenyo. Sa panahong iyon ay hahatol siya sa buong sangkatauhan, sa matuwid at sa di-matuwid. (Gawa 24:15) Makatutulong na isaisip ito habang ibinabaling natin ang ating pansin sa isa sa mga talinghaga ni Jesus na may kaugnayan sa ating panahon at sa ating buhay.

      Ano ang Sinasabi ng Talinghaga?

      20, 21. Ano ang itinanong ng mga apostol ni Jesus na may kinalaman sa ating panahon, anupat umaakay sa anong tanong?

      20 Di pa natatagalan bago mamatay si Jesus, tinanong siya ng kaniyang mga apostol: “Kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?” (Mateo 24:3) Inihula ni Jesus ang mahahalagang pangyayari sa lupa bago ‘dumating ang wakas.’ Sandali pa bago ang wakas na iyan, “makikita [ng mga bansa] ang Anak ng tao na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”​—Mateo 24:14, 29, 30.

      21 Subalit kumusta kaya ang mga tao sa mga bansang iyon kapag dumating ang Anak ng tao sa kaniyang kaluwalhatian? Alamin natin buhat sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing, na nagsisimula sa mga salitang: “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa kaniyang kaluwalhatian, at ang lahat ng mga anghel na kasama niya, kung magkagayon siya ay uupo sa kaniyang maluwalhating trono. At ang lahat ng mga bansa ay titipunin sa harap niya.”​—Mateo 25:31, 32.

      22, 23. Anong mga punto ang nagpapakita na ang katuparan ng talinghaga ng mga tupa at mga kambing ay hindi nagpasimula noong 1914?

      22 Kumakapit ba ang talinghagang ito nang umupo si Jesus sa maharlikang kapangyarihan noong 1914, gaya nang matagal na nating pagkaunawa? Buweno, bumabanggit ang Mateo 25:34 tungkol sa kaniya bilang Hari, kaya makatuwiran na ang talinghaga ay may katuparan sapol nang si Jesus ay maging Hari noong 1914. Subalit anong paghatol ang ginawa niya kaagad buhat noon? Hindi iyon ang paghatol sa “lahat ng mga bansa.” Sa halip, ibinaling niya ang kaniyang pansin sa mga nag-aangking bumubuo ng “bahay ng Diyos.” (1 Pedro 4:17) Kasuwato ng Malakias 3:1-3, si Jesus, bilang mensahero ni Jehova, ay nagsagawa ng hudisyal na pagsisiyasat sa pinahirang mga Kristiyano na nalalabi sa lupa. Iyon ay panahon din para sa hudisyal na paghatol sa Sangkakristiyanuhan, na huwad na nag-aangking “bahay ng Diyos.”c (Apocalipsis 17:1, 2; 18:4-8) Gayunma’y walang anumang ipinahihiwatig na noong panahong iyon, o mula noon, si Jesus ay umupo upang sa wakas ay hatulan ang mga tao sa lahat ng mga bansa bilang mga tupa o mga kambing.

      23 Kung susuriin natin ang gawain ni Jesus sa talinghaga, makikita natin siya na sa wakas ay humahatol sa lahat ng mga bansa. Hindi ipinakikita ng talinghaga na ang gayong paghatol ay magpapatuloy sa isang mahabang yugto ng maraming taon, na waring bawat taong namamatay nitong nakaraang mga dekada ay hinatulang karapat-dapat sa walang-hanggang kamatayan o walang-hanggang buhay. Lumilitaw na ang karamihan ng namatay sa nakaraang mga dekada ay nagtungo sa karaniwang libingan ng sangkatauhan. (Apocalipsis 6:8; 20:13) Subalit inilalarawan ng talinghaga ang panahon na hinahatulan ni Jesus ang mga tao ng “lahat ng mga bansa” na noo’y nabubuhay at nakaharap sa paglalapat ng kaniyang hudisyal na hatol.

      24. Kailan matutupad ang talinghaga ng mga tupa at mga kambing?

      24 Sa ibang pananalita, ang talinghaga ay tumutukoy sa hinaharap na ang Anak ng tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian. Siya’y uupo upang hatulan ang mga taong nabubuhay sa panahong iyon. Ang kaniyang paghatol ay salig sa kung papaano nila ipinakikilala ang kanilang sarili. Sa panahong iyon “ang kaibahan ng isa na matuwid sa isa na balakyot” ay maliwanag na natiyak na. (Malakias 3:18) Ang aktuwal na paghahayag at paglalapat ng hatol ay isasagawa sa isang limitadong panahon. Gagawa si Jesus ng matuwid na mga pasiya salig sa napatunayan tungkol sa mga indibiduwal.​—Tingnan din ang 2 Corinto 5:10.

      25. Ano ang inilalarawan ng Mateo 25:31 sa pagbanggit tungkol sa Anak ng tao na nakaupo sa isang maluwalhating trono?

      25 Kung gayon, nangangahulugan ito na ang ‘pag-upo ni Jesus sa kaniyang maluwalhating trono’ para sa paghatol, na binanggit sa Mateo 25:31, ay kumakapit sa isang panahon sa hinaharap na ang makapangyarihang Haring ito ay uupo upang ipahayag at ilapat ang paghatol sa mga bansa. Oo, ang eksena sa paghatol na kinasasangkutan ni Jesus sa Mateo 25:31-33, 46 ay maihahambing sa eksena sa Daniel kabanata 7, kung saan ang namamahalang Hari, ang Sinauna ng mga Araw, ay umupo upang ganapin ang kaniyang tungkulin bilang Hukom.

      26. Ano ang lumilitaw na bagong paliwanag tungkol sa talinghaga?

      26 Ang ganitong pagkaunawa sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing ay nagpapakita na ang paghatol sa mga tupa at mga kambing ay sa hinaharap pa. Magaganap iyon pagkatapos na sumiklab ang “kapighatian” na binanggit sa Mateo 24:29, 30 at ang Anak ng tao ay ‘dumating sa kaniyang kaluwalhatian.’ (Ihambing ang Marcos 13:24-26.) Kung magkagayon, habang nasa kawakasan na nito ang buong balakyot na sistema, si Jesus ay hahatol, magpapataw at maglalapat ng kahatulan.​—Juan 5:30; 2 Tesalonica 1:7-10.

      27. Ano ang dapat na interesado tayong malaman tungkol sa huling talinghaga ni Jesus?

      27 Nililiwanag nito ang pagkaunawa natin sa panahon ng katuparan ng talinghaga ni Jesus, na nagpapakita kung kailan hahatulan ang mga tupa at mga kambing. Ngunit papaano ito nakaaapekto sa atin na masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian? (Mateo 24:14) Ginagawa ba nitong di-gaanong makabuluhan ang ating gawain, o nagbibigay ito ng mas mabigat na pananagutan? Tingnan natin sa susunod na artikulo kung papaano tayo nagiging apektado.

  • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?
    Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
    • Ano ang Kinabukasan sa mga Tupa at mga Kambing?

      “Pagbubukud-bukurin niya ang mga tao mula sa isa’t isa, kung paanong pinagbubukud-bukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing.”​—MATEO 25:32.

      1, 2. Bakit tayo dapat maging interesado sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing?

      TIYAK na si Jesu-Kristo ang pinakadakilang Guro sa lupa. (Juan 7:46) Ang isa sa mga paraan ng pagtuturo niya ay ang paggamit ng mga talinghaga, o ilustrasyon. (Mateo 13:34, 35) Ang mga ito ay payak ngunit mabibisa sa paghahatid ng malalalim na espirituwal at makahulang katotohanan.

      2 Sa talinghaga ng mga tupa at mga kambing, tinukoy ni Jesus ang isang panahon na siya ay kikilos sa isang pantanging tungkulin: “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa kaniyang kaluwalhatian, at . . .” (Mateo 25:31) Dapat tayong maging interesado rito sapagkat ito ang ilustrasyon na doo’y tinapos ni Jesus ang kaniyang sagot sa tanong na: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?” (Mateo 24:3) Subalit ano ang kahulugan nito para sa atin?

      3. Sa unang bahagi ng kaniyang diskurso, ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kaagad-agad pagkatapos na magsimula ang malaking kapighatian?

      3 Inihula ni Jesus ang kapansin-pansing mga pangyayari na magaganap “kaagad-agad pagkatapos” na sumiklab ang malaking kapighatian, mga pangyayaring hinihintay natin. Sinabi niya na kung magkagayon “ang tanda ng Anak ng tao” ay lilitaw. Ito ay lubhang makaaapekto sa “lahat ng mga tribo sa lupa” na “makikita . . . ang Anak ng tao na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share