Awit 98
Paghahasik ng Binhi ng Kaharian
Printed Edition
1. Mga alipin ni Jehova,
Nag-alay puso’t kalul’wa.
Halina kayo sa gawain,
Sundin ang halimbawa niya.
Binhi’y ihasik nang may tapang sa
Mga pusong tumutugon.
Bungang papuri sa gawang matapat
At sa gawaing pagtitipon.
2. Binhing ’nihasik ay kakalat
Sa may pusong tulad-bato.
Sa simula ma’y tumugon siya,
Masisiwalat din puso.
Tinik at dawag
ay sasakal sa Pumili sa sanlibutan.
Mabuting binhi’y tumubo, nagbunga
Sa lupang dalisay, mainam.
3. Ang tagumpay ng ’yong gawain
Ay batay na rin sa iyo.
Kung sa kapwa ay may pag-ibig,
Puso ay maaantig mo.
Kung tutulong ka, ang pangamba ay
Kanilang maiiwasan.
Pag-aani mo ay may kagalakan,
Tatlumpu o kaya’y sandaan.
(Tingnan din ang Mat. 13:19-23; 22:37.)