Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 8/1 p. 22
  • Mga Karanasan Buhat sa Tuvalu

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Karanasan Buhat sa Tuvalu
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • “Magsaya ang Maraming Pulo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Mga Palatandaan ng Panganib?
    Gumising!—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 8/1 p. 22

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Mga Karanasan Buhat sa Tuvalu

ANG mabuting balita ng Kaharian ay ipinangangaral sa magandang kapuluan ng Tuvalu, sa Timog Pasipiko, at nagbibigay ng mabuting patotoo kahit na sa mga taong nasa matataas na katungkulan. Isang kapatid na Australyano na kasama ang kaniyang maybahay ay naglilingkod bilang naglalakbay na tagapangasiwa sa Tuvalu ang naglalahad sa atin ng kaniyang karanasan:

“Ang aking maybahay at ako ay inanyayahan na dumalo sa isang pananghalian sa tahanan ng Punong Ministro ng Tuvalu. Ang okasyon ay ang pagdalaw ng Ministrong Panlabas ng Australia. Nang kami’y nanananghali na, kaming mag-asawa ay nagkaroon ng magandang pagkakataon na magpatotoo sa ministro ng Australia at sa kaniyang maybahay. Nang ipinakikilala kami, binanggit ng Punong Ministro ang kahanga-hangang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Tuvalu, lalo na yaong tungkol sa pagsasalin ng ating literatura sa wikang Tuvaluan. ‘Mayroon akong mga kopya ng lahat ng kanilang publikasyon sa aking aklatan, at ang mga ito ay ekselente!’ ang sabi niya. Ang ministro at ang kaniyang maybahay ay kapuwa interesado na makinig sa progreso ng ating gawain sa Tuvalu.

“Nang gumabi-gabi na, kami’y dumalo sa mga ilang lokal na panoorin ng mga sayaw na katutubo roon. Pagkatapos ang Gobernador Heneral ng Tuvalu ay lumapit sa amin at binanggit niya na may mga ilang Saksi na nakadalaw sa kaniyang tahanan noong sinundang linggo at sila’y nag-iwan ng mga sipi ng mga magasing Bantayan at Gumising! Kaniyang napansin sa likurang pabalat ng isa sa mga magasin ang isang anunsiyo tungkol sa New World Translation of the Holy Scriptures at ibig niyang maalaman kung papaano siya makakakuha ng isang sipi doon sa kanilang lugar. Sinabi namin na malulugod kaming dalhan siya ng isang kopya. Nang sumunod na araw ng Linggo, ako’y naparoon sa kaniyang tahanan dala ko na ang Bibliya, at kami’y nagkaroon ng magandang usapan sa loob ng mga isang oras. Binanggit niya kung gaano kalaki ang pagpapahalaga niya sa ating gawain at mga publikasyon. Ang totoo, nang kami’y dumating sa kaniyang tahanan, binabasa na ng kaniyang maybahay ang aklat na Mabuhay Magpakailanman sa wikang Tuvaluan. Kaya’t kami’y natutuwa na makapagpatotoo sa mga ilan ‘na nasa mataas na katungkulan.’”​—1 Timoteo 2:1-4.

Sa isa pang okasyon ang Punong Ministro ng Tuvalu ay dumalaw sa Solomon Islands. Ang pamayanan ng mga Tuvaluan na naninirahan doon ay naghanda ng isang kapistahan sa karangalan niya. Kabilang sa mga inanyayahan sa kapistahan ay isang sister, na nag-ulat ng ganitong karanasan:

“Sa pagtatapos ng kapistahan, ang Punong Ministro ay nagbigay ng pagkakataon na magharap ng mga tanong tungkol sa pinakahuling mga pangyayari sa Tuvalu. Ang isang tanong ay, ‘Mayroon bang anumang bagong relihiyon sa Tuvalu?’ Tumugon ang Punong Ministro na ‘mayroong mga ilang bagong relihiyon na pinayagang matatag sa Tuvalu subalit mayroon lamang iisang mabuti.’ Nang tanungin kung alin iyon, siya’y tumugon, ‘Mga Saksi ni Jehova.’

“Naging sorpresa sa bawat isa roon ang kaniyang sagot, at ang tanong na bumangon naman ay kung bakit ang mga Saksi ni Jehova ang ‘tanging mabuting relihiyon.’ Sinabi niya: ‘Sapagkat ang ating mga pastor ay maghapong nakaupo sa tahanan at nagpapatunog lamang ng kampana kung mga araw ng Linggo upang tayo’y pumaroon at makinig sa kanila. Subalit ang mga Saksi ni Jehova ay aktuwal na nagpupunta sa inyo, at kahit na ikaw ay hindi nagsisimba, kanilang tinuturuan ka tungkol sa Bibliya sa iyong sariling tahanan.’”

Samakatuwid, bagama’t ang iba ay pumipintas sa ating ministeryo sa bahay-bahay, maliwanag naman na ang mga iba ay nagpapahalaga sa pagdadala natin ng pabalita sa kanila mismong mga tahanan.​—Gawa 5:42.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share