Awit 22
“Si Jehova ang Aking Pastol”
(Awit 23)
1. Aking Pastol si Jehova;
Bakit pa matatakot?
Siyang sa tupa ay kumukupkop
Wala siyang nalilimot.
Sa batis ako’y inakay,
Kalul’wa ko’y binuhay.
Dahil sa kaniyang pangalan,
Hakbang ko’y may patnubay.
Dahil sa kaniyang pangalan,
Hakbang ko’y may patnubay.
2. At sa libis ng karimlan,
Takot ’di alintana.
Dakilang Pastol ay kapiling;
Wala akong pangamba.
Ulo ko’y pinapahiran;
Kopa ko’y sinisidlan.
Sa bahay niya ako’y tatahan,
Magpakailan pa man.
Sa bahay niya ako’y tatahan,
Magpakailan pa man.
3. Pastol ko ay maibigin!
Papuri’y aawitin.
Pag-aalaga niyang magiliw
Sa tupa’y sasabihin.
Utos niya’y aking tutupdin,
Daan niya ay susundin.
Pribilehiyong siya’y paglingkuran,
Araw-araw gagawin.
Pribilehiyong siya’y paglingkuran,
Araw-araw gagawin.
(Tingnan din ang Awit 28:9; 80:1.)