AWIT 133
Sambahin si Jehova Habang Nasa Kabataan
Printed Edition
1. Bilang kabataang lingkod ng Diyos,
Tayo’y minamahal niya nang lubos.
Ang lakas natin alay sa kaniya,
Buhay natin ay naging masaya.
2. Mga mapagmahal na magulang,
Sila’y dapat nating parangalan.
Pagsang-ayon ng Diyos makakamtan,
Bilang ating tunay na Kaibigan.
3. Alalahanin ating Maylikha
Habang tayo ay kabataan pa.
Kung lubusang maglilingkod kay Jah,
Puso niya’y laging mapapasaya.
(Tingnan din ang Awit 71:17; Panag. 3:27; Efe. 6:1-3.)