AWIT 49
Pinasasaya ang Puso ni Jehova
Printed Edition
1. O Diyos, ang pangako namin,
Kalooban mo’y gagawin,
Dahil ang aming naisin,
Puso mo ay pasayahin.
2. Alipin mo’y naglalaan
Ng pagkain na kailangan
Upang kami’y palakasin
At kalooban mo’y sundin.
3. Espiritu mo’y ibigay,
Sa ’min ito ay gagabay;
Ang bunga’y ipakikita
Nang puso mo’y mapasaya.
(Tingnan din ang Mat. 24:45-47; Luc. 11:13; 22:42.)