AWIT 142
Manalig sa Ating Pag-asa
Printed Edition
1. Sangkatauhan ay nasa kadiliman;
Pagsisikap ay walang kabuluhan.
Kaligtasan ’di nila mailaan,
Dahil lahat makasalanan.
(KORO)
O kay saya, Kaharia’y heto na!
Anak niya ang papawi sa pangamba.
Magwawakas na ang kasamaan;
Pag-asang ito’y mapananaligan.
2. Araw ni Jehova ay dumarating na;
Pagtitiis nati’y matatapos na.
Lahat ng nilikha’y palalayain.
Diyos na Jehova ay purihin.
(KORO)
O kay saya, Kaharia’y heto na!
Anak niya ang papawi sa pangamba.
Magwawakas na ang kasamaan;
Pag-asang ito’y mapananaligan.
(Tingnan din ang Awit 27:14; Ecles. 1:14; Joel 2:1; Hab. 1:2, 3; Roma 8:22.)