Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/86 p. 4
  • Ang Ating mga Tunguhin sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ating mga Tunguhin sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 1/86 p. 4

Ang Ating mga Tunguhin sa Abril

Isang kagalakang iulat ang aberids na 78,867 mga mamamahayag sa 1985 taon ng paglilingkod! Ito ay 13 porsiyentong pagsulong, o 8,998 ang kahigitan kaysa 1984! Ang ating peak sa Abril ay 83,670. Ano ang idudulot sa atin ng Abril sa taong ito?

Ang Analysis Report mula sa bawa’t kongregasyon ay nagpapakita na, noong Agosto 31, 1985, may 89,263 mga aktibong mamamahayag sa listahan sa buong Pilipinas. Kung ang lahat ng ito ay makapag-uulat sa Abril lakip na ang ilang baguhan na mag-uulat sa unang pagkakataon, maaari tayong makapag-ulat ng 90,000 mga mamamahayag. Sumasang-ayon ba kayo na ito ay isang makatuwirang tunguhin? Ang ulat ay nagpapakita na 85% ng mga mamamahayag sa bansa ay palagiang nag-uulat bawa’t buwan. Hindi ba mainam kung ang lahat ng aktibong mamamahayag ay makapag-uulat bawa’t buwan?

Sa Abril, 1985 tayo ay nag-ulat ng 18,942 mga auxiliary payunir. Walang pagsalang sa taong ito ay malalampasan natin ang 20,000. Bakit hindi magpasimulang magplano na ngayon upang maging auxiliary payunir sa loob ng ilang buwan sa tag-araw na ito? Sa pamamagitan nang maagang pagpapasimula makatitiyak kayo ng tagumpay sa ano mang pinaplano ninyong isagawa. Gawin natin ang Abril na pinakamabuting buwan sa pagkakataong ito, upang magdulot ng higit na papuri kay Jehova at higit na kagalakan sa ating sarili at sa ating sambahayan!—Gawa 20:35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share