-
Mga PatalastasMinisteryo sa Kaharian—1986 | Hunyo
-
-
Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Hunyo at Hulyo: Ang bagong aklat na True Peace and Security—How Can You Find It? sa ₱14.00. Agosto: Alinman sa 32-pahinang mga brochure sa abuloy na ₱4.20. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? sa ₱35.00.
● Ang Hunyo 12 at Hulyo 4 ay maaaring maging pista opisyal, kaya ang mga kongregasyon ay maaaring magsaayos ng pantanging gawain sa magasin sa mga araw na yaon.
● Mga Makukuhang Bagong Publikasyon:
True Peace and Security—How Can You Find It? (rebisado)—Cebuano, Tagalog
New World Translation of the Holy Scriptures—Edisyong malaki ang letra (tig-apat na tomo; kongregasyon at publiko: ₱600.00; payunir: ₱360.00) (indibiduwal na tomo: kongregasyon at publiko: ₱150.00; payunir: ₱90.00)—Ingles
Tomo #1 (Genesis-Second Samuel)
Tomo #2 (First Kings-Song of Solomon)
Tomo #3 (Isaiah-Malachi)
Tomo #4 (Matthew-Revelation)
Maaari nang magpadala ng mga pidido ang mga kongregasyon sa mga nabanggit sa itaas. Tandaan na ang Survey na ipinadala nang nakaraang taon para sa mga ito ay hindi isang order blank; kaya dapat na pumidido kayo ng inyong kailangan ngayon.
● Mayroon na Naman:
Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos—Cebuano, Iloko
-
-
Mga TanongMinisteryo sa Kaharian—1986 | Hunyo
-
-
Mga Tanong
● Papaano natin matutulungan ang ating mga estudiyante sa Bibliya na maging kuwalipikado sa bautismo bilang mga alagad ni Kristo?
Ito ay mabisang magagawa sa pamamagitan ng (1) pagsasagawa ng isang palagian at progresibong pantahanang pag-aaral sa Bibliya, (2) pagpapasigla ukol sa regular na pagdalo at pakikibahagi sa limang lingguhang mga pulong ng kongregasyon, at (3) kapag sila’y naging kuwalipikado ayon sa Kasulatan, karakaraka silang sanayin upang magkaroon ng makabuluhang bahagi sa ministeryo sa larangan.
Ang isang alagad ay isa na tumatanggap at aktibong nagsasagawa ng aral ng iba. Kung gayon, ang mga nababautismuhan ay dapat na hindi lamang nagtataglay ng saligang kaalaman sa katotohanan ng Bibliya kundi dapat na nagpapamalas sa pamamagitan ng kanilang landasin ng pamumuhay na sila ay sumasang-ayon sa matutuwid na mga pamantayan ni Jehova. Karagdagan pa, kinikilala nila ang nakikitang organisasyon ni Jehova at ang kapangyarihan ni Jesu-Kristo sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45-47; Gawa 1:8) Inihahanay nila ang kanilang sarili sa bayan ni Jehova sa pagsasagawa ng gawain na iniatas ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod. (Luk. 8:1; Mat. 24:14) Ang bautismo sa tubig ng mga alagad na ito ay isang panlabas na tanda ng kanilang pag-aalay sa Diyos na Jehova.—Ihambing ang Awit 40:8.
Dapat na ingatan sa kaisipan na gumagawa tayo ng mga alagad ni Jesu-Kristo at hindi ng ating sarili. Kung dahilan sa personal na mga kalagayan ay hindi nating matutulungan ang isang estudiyante ng Bibliya na gumawa ng kailangang pagsulong upang maging alagad, dapat tayong makipag-usap sa mga matatanda tungkol dito. Maaari silang makapagbigay ng praktikal na mungkahi na makatutulong sa espirituwal na pagsulong ng estudiyante kaayon ng mga salita ni Pablo sa 1 Corinto 3:5-9.
Ang pag-aaral sa Bibliya ay dapat na magpatuloy hanggang matapos ang dalawang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos, kahit kuwalipikado at nabautismuhan na ang estudiyante bago matapos ang dalawang aklat. Kung alinman sa mga aklat na ito ay wala pa sa inyong wika, ang iba pang katulad na publikasyon na naglalaman ng mga saligang turo ng Bibliya at nagpapaliwanag sa mga kahilingan ni Jehova para sa sangkatauhan ay maaaring gamitin.
-
-
Mabisang mga Pagtitipon Bago MaglingkodMinisteryo sa Kaharian—1986 | Hunyo
-
-
Mabisang mga Pagtitipon Bago Maglingkod
1 Ang sigasig sa paglilingkod sa larangan ay sumulong sa nakaraang mga taon. Sa isang bahagi, ito ay dahilan sa mas mabuting edukasyon ng bayan ng Diyos hinggil sa mabisang paghaharap ng mabuting balita. Ang nakapagtuturong mga pagtitipon bago maglingkod ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa edukasyong ito.
2 Ang mga pagtitipong ito ay dapat na maghanda sa isipan at puso ng mga kapatid para sa gawain na dapat nilang isakatuparan. Pinahahalagahan nila ang mga pulong na nagtatampok sa mabubuti at praktikal na mga punto at mungkahi na tutulong sa kanila na maging mabisa sa gawaing pangangaral.
3 Ang isa na inatasan na mangasiwa sa pagtitipong ito ay dapat na mag-isip nang patiuna kung ano ang kaniyang gagawin upang ito ay maging kapanapanabik at nakapagtuturo. Ang pang-araw-araw na teksto ay maaaring talakayin, lalo na’t ito ay angkop sa gawain sa larangan. Ang mga punto mula sa Mga Pagtitipon Bago Maglingkod ay dapat na gamitin. May mga pagkakataon na maaari nating isaalang-alang ang mga punto mula sa Reasoning From the Scriptures. Ang pagtitipon bago maglingkod ay dapat na maging maikli na hindi lalampas sa 15 minuto.
4 Papaano kayo makatutulong upang maging kapakipakinabang ang pagtitipong ito? Sa pamamagitan ng pagrerepaso sa materyal nang patiuna at pag-iisip sa mga punto na makatutulong sa iba. Kung kayo ay nagtagumpay sa pagkakapit sa mga mungkahi na tinalakay, makapagbibigay kayo ng nakatutulong na komento.
5 Bago magtapos sa panalangin, dapat na organisahin ng nangangasiwa ang grupo sa paglilingkod, na tinitiyak na sila’y may sapat na teritoryo sa panahong sila’y nasa ministeryo.
6 Ang mahusay na plano para sa pagtitipon bago maglingkod ay malaking tulong upang tayo ay maorganisa at makapagharap ng pabalita nang higit na mabisa.
-
-
Pag-ibig sa Pambuong Daigdig na KapatiranMinisteryo sa Kaharian—1986 | Hunyo
-
-
Pag-ibig sa Pambuong Daigdig na Kapatiran
1 “Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mangag-ibigan sa isa’t isa; na kung paanong inibig ko kayo, ay mangag-ibigan naman kayo sa isa’t isa.” (Juan 13:34) Sa ika-20 siglong ito kailangan na magpakita rin tayo ng gayon ding pag-ibig kagaya nang unang bigkasin ni Jesus ang mga salitang ito. Gaano kaangkop kung gayon, na ang napiling tema para sa mga pansirkitong asamblea na magpapasimula sa Hulyo, 1986 ay “Pag-ibig sa Pambuong Daigdig na Kapatiran.”
2 Ang programa ay dinisenyo upang talakayin ang maraming pitak ng pag-ibig na ito na nagbubuklod sa bayan ng Diyos sa pagkakaisa at pagtatapat. Samantalang ang sanlibutan ni Satanas ay nagpapamalas ng pagkapoot sa gitna ng mga bansa, mga bayan, wika at kultura, ang bayan ni Jehova ay nagpapamalas ng pag-ibig sa pambuong daigdig na sambahayan ng pananampalataya.
3 Ang ating tunguhin ay ang masumpungan tayo ni Jehova sa isang sinang-ayunang kalagayan, bilang nagkakaisang kapatiran sa buong daigdig. (2 Ped. 3:13, 14) Tayong lahat ay gumawa ng plano ngayon upang makadalo sa dalawang araw.
-