Ialok ang mga Matatandang Publikasyon sa Enero
1 Hinggil sa ating gawaing pagtuturo, sinabi ni Jesus: “Ang bawa’t tagapagturo sa madla na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang tao . . . na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.” (Mat. 13:52) Oo, bagaman nasisiyahan tayo sa pag-aalok ng mga bagong publikasyon sa mga tao, mayroon pa ring maraming maiinam na ‘kayamanan’ sa mga matatandang publikasyong inilaan ni Jehova. Sa Enero at Pebrero mayroon tayong pagkakataong ialok ang mga ito sa mga tao sa ating teritoryo, at hinihimok namin ang lahat na magkaroon ng isang ganap at masiglang pakikibahagi sa kampanyang ito.
ANG MGA PUBLIKASYONG ATING MAGAGAMIT
2 Ang mga publikasyong ating maiaalok sa mas mababang halaga ay itinala sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Nobyembre. Sa kasalukuyan tayo ay mayroong taglay na 57,000 mga matatandang aklat (kapuwa sa puti at newsprint na papel), at 60,000 matatandang bukleta. Sa Iloko lamang ay mayroon tayong 25,000 aklat na newsprint. Subali’t yamang mayroong humigit-kumulang sa 25,000 mga mamamahayag na nagsasalita ng Iloko, kung ang bawa’t isa ay makapaglalagay ng isa lamang sa mga aklat na ito, ang lahat ng ito ay maipamamahagi sa katapusan ng Pebrero! Gagawin ba ninyo bilang indibiduwal ang inyong bahagi? Wala na tayong aklat na newsprint sa Cebuano nguni’t mayroon pa tayong humigit-kumulang sa 8,000 aklat sa puting papel na maaaring ialok sa kalahating halaga. Sa Tagalog tayo ay walang aklat na maaaring gamitin, subali’t mayroon tayong 36,000 mga bukleta na maaaring ialok sa 75¢ ang bawa’t isa o 3 sa ₱2.25. Ang lahat ng mga bukletang ito ay nagtataglay ng mga inimprentang katanungan at napakabuti para sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.
3 Sa Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte, tayo’y partikular na interesado sa pamamahagi ng aklat na Good News to Make You Happy anupa’t nais nating pasiglahin ang mga kapatid sa mga lugar na ito na pumidido ng aklat na ito at gamitin ito sa larangan. Sa Bicol tayo ay mayroon pang suplay ng mga aklat na Katotohanan at Tunay na Kapayapaan na maaaring gamitin sa kampanya.
4 Kung ang inyong kongregasyon ay hindi pa nakakapidido mula sa Samahan, mayroon pang panahon na gawin ito. Hinihimok namin ang lahat ng mga payunir at mga mamamahayag na lubusang tangkilikin ang kampanyang ito. Bagaman ang mga ito ay mga matatandang publikasyon, ingatan sa kaisipan na ang mga ito ay nakatulong sa daan-daang libo tungo sa katotohanan anupa’t ito’y nagtataglay ng mga espirituwal na kayamanan na maaaring magdulot ng buhay para sa mga tatalima doon.