Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/88 p. 1-2
  • Itaguyod ang Pantanging Gawain sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Itaguyod ang Pantanging Gawain sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • MGA PANTANGING OKASYON
  • 100-PORSIYENTONG PAKIKIBAHAGI
  • ITAGUYOD ANG PAGPAPAYUNIR
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 3/88 p. 1-2

Itaguyod ang Pantanging Gawain sa Abril

1 Sa Roma 12:11 si apostol Pablo ay nagpayo: “Huwag mga tamad sa pagsusumikap. Maging maningas sa espiritu. Maglingkod kay Jehova.” Bagaman ang payong ito ay kumakapit sa lahat ng panahon, gayumpaman, sa mga buwang ito ng tag-araw may pantanging pagkakapit ito habang pinagsisikapan nating lahat na gawin ang kalooban ng Diyos “nang lubusan.”—1 Tes. 4:11.

MGA PANTANGING OKASYON

2 Magpapasimula ang Abril sa pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon, ang pinakamahalagang okasyon sa buong taon. Pagkatapos nito, sa Abril 10, ay ibibigay ang pantanging pahayag pangmadla sa paksang “Bakit Mabubuhay Ayon sa mga Pamantayan ng Bibliya?” Maging alisto tayong lahat sa pag-aanyaya ng mga interesado sa mga pantanging okasyong ito at mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya doon sa mga dumalo.

100-PORSIYENTONG PAKIKIBAHAGI

3 Iminumungkahi na sa una at ikalawang dulong sanlinggo ng Abril ay pagsikapan ng lahat na makabahagi sa ministeryo sa larangan. Ang unang Linggo ay Abril 3 kaya naman ang buong pamilya ay maaaring himuking makibahagi sa araw na iyon. Sa katapusan ng ikalawang linggo, sa Abril 10, iminumungkahi namin na ang lahat ng mamamahayag ay mag-ulat ng kanilang paglilingkod para sa unang 10 araw ng Abril. Ito’y magpapangyari na malaman ng mga matatanda kung sino pa ang hindi nakalalabas upang ang mga ito ay mabigyan ng kagyat na tulong bago matapos ang Abril. Ang mga payunir ay dapat na lubusang makipagtulungan sa mga matatanda sa pamamagitan ng pag-aalok ng personal na tulong sa mga di palagian sa buwang ito.

4 Karagdagan pa, kaypala’y marami ang maaaring kuwalipikadong maanyayahan sa ministeryo sa pantanging buwang ito, anupa’t pinasisigla namin ang lahat na sundin ang mainam na mga mungkahi sa artikulong nasa pahina 3 ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa “Pagtulong sa mga Bagong Mamamahayag.”

5 Walang alinlangan na sa pagsasagawa ng lahat ng kanilang bahagi, maaabot natin ang isang bagong peak ng mamamahayag sa Abril, na lampas pa sa bilang ng nakaraang Abril na 101,735.

ITAGUYOD ANG PAGPAPAYUNIR

6 Ang isa pang paraan upang itaguyod ang gawain sa Abril ay ang lubusang pakikibahagi bilang isang payunir hangga’t maaari. Noong Abril, 1987 nagkaroon ng kabuuang 35,424 sa gawaing payunir, at 21,567 sa mga ito ang auxiliary payunir. Hindi ba isang mainam na bagay kung ating maaabot ang 40,000 o higit pa ng mga nasa gawaing payunir sa Abril? Ito ay mangangahulugang humigit-kumulang sa 40% ng kabuuang mamamahayag sa bansa!

7 Ang Abril ay bakasyon para sa mga pumapasok sa paaralan at isang mainam na pagkakataon na makibahagi sa pagpapayunir. At para doon sa mga may buong panahong trabaho, ang Abril ay may limang Sabado, na nagbibigay ng karagdagang pagkakataon para ang marami ay makabahagi. Gayundin, naririyan ang pista opisyal ng sanlibutan sa unang bahagi ng Abril anupa’t sa panahong iyon ay walang pasok sa trabaho. Sa nalalabing mga araw ng Marso, pinasisigla ang mga matatanda na ipatalastas sa kongregasyon ang bilang ng mga nagpatala bilang auxiliary payunir sa ngayon.

8 Pagpalain nawa ni Jehova ang ating nagkakaisang pagsisikap na gawin ang kaniyang kalooban “nang lubusan” sa Abril upang makapagbigay ng higit na papuri sa kaniyang dakilang pangalan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share