Awit 156
“Ibig Ko”
1. Ang pag-ibig naitanyag,
Nang si Kristo ay nahayag.
Nang sangkatauhan kanyang maturuan
Ng balitang Diyos ang nagbunyag.
Kay laki ng kanyang habag,
Ginamot bingi at bulag.
Atas ay kanyang inasikaso,
B’ong giliw sinambit: “Ibig ko.”
2. Tulong ang Diyos ay nagbigay,
Ng alipin bilang gabay.
Ating kagalakang siya ay makatuwang,
Nang dukha at api’y mabuhay!
Kanila ngang madarama
Kung mahal natin talaga.
Kung patulong ang ulila’t balo,
Masasabi mo bang: “Ibig ko”?
3. Kung ang Diyos ay ating mahal,
Dapat turo ay ikintal.
Sa mga may lumbay at nanlulupaypay;
Sa lahat ginhawa’y daratal.
Kung sila ay sumulong na
At naglingkod kay Jehova,
Tunay na may kagalakan tayo!
Pagka’t sabi natin: “Ibig ko.”