-
“Gumawa ng Mabuti sa Lahat”Ministeryo sa Kaharian—1987 | Abril
-
-
pampatibay-loob. (Gal. 6:10) Maging ang mga maliliit na anak ay nalulugod kapag binibigyan ng atensiyon ng mga nakatatanda. Ang mga bata na wala sa katotohanan ang mga magulang ay lalo nang nangangailangan ng ating pampatibay-loob.—Sant. 1:27.
PASIGLAHIN ANG PAGPAPAYUNIR
5 Yaong mga nagsisikap na mabuti sa ministeryo, lakip na ang mga payunir, ay nakikinabang nang malaki kapag ipinahahayag natin ang pagpapahalaga sa kanilang mainam na halimbawa at personal na mga pagsasakripisyo.
6 Kapag naisasaayos ng mga matatanda at ministeryal na lingkod ang kanilang kalagayan upang makapag-auxiliary payunir sa mga pantanging buwan o kaya’y maging mga regular payunir, ang mga kapakinabangan ay tinatamasa ng buong kongregasyon. (2 Cor. 9:2) Kung kayo ay isang matanda o ministeryal na lingkod, maaari bang gumawa ng mga pagbabago sa inyong eskedyul upang kayo ay makapag-auxiliary payunir sa Mayo, na may limang dulo ng sanlinggo? Kung gayon, mararanasan ninyo ang maraming pagpapala at magpapangyaring kayo ay “gumawa ng mabuti sa lahat.” Habang hinahanap natin ang mga paraan upang tulungan at patibayin ang iba, idaragdag ni Jehova ang kaniyang pagpapala.
-
-
Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aktat na ReasoningMinisteryo sa Kaharian—1987 | Abril
-
-
Paghaharap ng Mabuting Balita—Na Ginagamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aktat na Reasoning
1 Mahigit na sa isang taon mula nang ating matanggap ang aklat na Reasoning From the Scriptures sa ating “Nag-iingat ng Katapatan” na Kombensiyon. Higit na pamilyar na ba tayo sa mga tampok na bahagi ng aklat? Dinadala ba natin ito sa paglilingkod sa larangan, ginagamit ito sa lahat ng pagkakataon, at sinasanay ang mga baguhan at walang karanasan sa paggamit nito?
2 Upang sumulong ang ating mabisang paggamit ng mainam na publikasyong ito, kapakipakinabang na repasuhin ang ilang bahagi ng aklat at isaalang-alang kung papaano magagamit ang mga ito. Pakisuyong pansinin ang seksiyong “How to Use Reasoning From the Scriptures” (p. 7). Ang unang tatlong parapo ay naglalaman ng nagpapasiglang materyal na nagpapaalaala sa atin na mangatuwiran sa mga tao na may taimtim na mga katanungan o doon sa mga nagnanais makinig sa naiibang punto-devista. (Gawa 17:2, 3) Ang nalalabing mga parapo sa seksiyong ito ay naglalaman ng nakatutulong na baytang-baytang na balangkas kung papaano gagamitin ang aklat sa malaking kapakinabangan.
PAGHARAP SA MGA PAGTUTOL
3 Halimbawa, kung sabihin ng maybahay, “Ako’y naniniwala na may kabutihan ang lahat ng relihiyon.” Sa halip na gamitin ang punto o kasulatan na malimit ninyong gamitin noong una, nagiging higit na mataktika at higit na mabisa na sabihin sa maybahay na nais ninyong ipakita sa kaniya ang isang kapanapanabik na bagay na taglay ninyo hinggil sa paksang ito. Kunin ang aklat na Reasoning sa inyong bag at buksan ito sa pangunahing paksang “Religion” sa pahina 322. Habang mabilis ninyong tinitingnan ang mga tanong na nakasulat sa malalaking titik, mapapansin ninyo ang katanungan sa pahina 323, “Is it true that there is good in all religions?” na siyang malapit sa sinabi ng maybahay. Maaari kayong bumasa ng ilang komento mula mismo sa aklat.
4 Maaari ding bumaling muna kayo sa katapusan ng paksang “Religion” (p. 330). Doon ay masusumpungan ninyo ang mahalagang bahaging “If Someone Says—.” Ang komento sa pahina 331 na, “All religions are good; you have yours, and I have mine,” ay malapit sa sinabi ng inyong maybahay. Pagkatapos ay maaari ninyong basahin ang mga angkop na punto sa ilalim nito.
5 Ang aklat na Reasoning ay tutulong din sa inyo na matutuhan kung papaano pasisimulan ang pag-uusap. Bawa’t linggo bago kayo magtungo sa paglilingkod sa larangan, sikaping repasuhin ang isa o dalawang punto mula sa seksiyong “Introductions for Use in the Field Ministry” (p. 9). Gumamit ng iba’t ibang pambungad na ito sa paglilingkod sa larangan. Ibagay ito alinsunod sa Paksang Mapag-uusapan at sa teritoryong gagawin. Sa maikling yugto ng panahon ay masusumpungan ninyong lalo kayong bihasa at mabisa sa pagpapasimula ng mga pag-uusap.
6 Nabalisa ba kayo nang gumamit ang maybahay ng kasulatan at gumawa ng maling pagkakapit niyaon? Tandaan, ang aklat na Reasoning ay makatutulong sa inyo sa bagay na ito sa pahina 445 na, “Scriptures Often Misapplied.” Doon ay ibinigay ang mga pahina ng reperensiya para sa nagpapaliwanag na komento sa 85 mga kasulatan na karaniwang ikinakapit nang mali.
7 Kapag ang mga tinuturuan natin ay nagharap ng mga katanungan sa Bibliya, matutulungan natin silang hanapin ang kasagutan sa tulong ng aklat na Reasoning. Kaya kung tayo ay makapaglalagay ng kopya sa bawa’t isa, matutulungan natin silang masangkapan upang sagutin ang kanilang sariling katanungan at ang mga maaaring itanong ng kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak. Pinasasalamatan natin si Jehova sa mainam na kayamanang ito na maaaring magdulot ng matinding epekto sa ating gawain sa ministeryo sa larangan. Gamitin nawa natin ito nang lubusan sa ikapupuri ng kaniyang maluwalhating pangalan.—Awit 66:2, 8.
-
-
Teokratikong mga BalitaMinisteryo sa Kaharian—1987 | Abril
-
-
Teokratikong mga Balita
◆ Ang kabuuang dumalo sa ating 27 “Banal na Kapayapaan” na mga Pandistritong Kombensiyon ay siyang pinakamataas sa lahat ng panahon na 222,746, at 3,040 ang nabautismuhan.
◆ Ang Austria ay nakaabot sa isang bagong peak na 16,569 mga mamamahayag. Mga bagong peak na 8,719 na mga pag-aaral sa Bibliya at 607 na mga regular payunir ang iniulat din.
◆ Ang Colombia ay nagkaroon ng mga bagong peak na 29,786 na mga mamamahayag at 47,652 mga pag-aaral sa Bibliya. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagkaaberids ng 12.6 na oras sa paglilingkod sa larangan.
◆ Ang isla ng Saipan ay naliligayahang mag-ulat ng Isang bagong peak na 43 mga mamamahayag, 34-porsiyentong pagsulong kaysa aberids nang nakaraang taon.
◆ Ang Tanzania ay nag-ulat ng isang bagong peak na 2,515 mga mamamahayag. Sa gayunding buwan mahigit sa 17 porsiyento ng mga mamamahayag ay mga payunir.
◆ Ang Uruguay ay nag-ulat ng kanilang unang peak ng mga mamamahayag sa taóng ito ng paglilingkod na may 5,949 sa larangan. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 12.6 na oras sa paglilingkod sa larangan.
◆ Ang Kenya ay nag-ulat ng isang bagong peak ng mga mamamahayag na 3,900.
-