-
Paghaharap ng Mabuting Balita—Gumamit ng mga Mabibisang PambungadMinisteryo sa Kaharian—1988 | Enero
-
-
Paghaharap ng Mabuting Balita—Gumamit ng mga Mabibisang Pambungad
1 Malaking kabutihan ang maisasagawa sa ating ministeryo kung tayo ay naghanda ng mabibisang pambungad. Kung hindi natin nakukuha ang atensiyon ng maybahay sa pasimula, maaaring hindi natin makuha ang sapat na interes upang makadalaw-muli taglay ang tunguhing magtatag ng isang pag-aaral sa Bibliya. Papaano natin magagawang higit na mabisa ang ating mga pambungad?
LAYUNIN NG MGA PAMBUNGAD
2 Bilang pagpapasimula, dapat na taglayin nating maliwanag sa kaisipan ang layunin ng mga pambungad. Ang Giya sa Paaralan ay nagsasabi: “Ang introduksiyon . . . ay dapat makapukaw ng interes sa paksa. Ito’y dapat na makapigil sa atensiyon ng tagapakinig at mahanda sila na pakinggan ang susunod.” Dagdag pa ng aklat: “Isa sa pinakamagaling na paraan para mapukaw ang interes . . . ay ang isangkot ang inyong tagapakinig.” (Tingnan ang pahina 112, par. 1, 2.) Papaano natin magagawa ito sa ministeryo?
3 Ang mga pambungad na masusumpungan sa mga pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran ay inihanda taglay sa kaisipan ang nasa itaas. Suriin ang mga ito. Pansinin kung papaano nabibihag nito ang interes at naaakay ang pansin ng mga maybahay sa mga paksang pinag-uusapan. Ang isang kapatid na babae ang nagsabi na sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pambungad, ang kaniyang paglilingkod sa larangan ay lalong naging kasiyasiya at siya’y naging higit na gising sa pakikipag-usap sa mga tao. Hinggil sa mga mungkahi sa aklat na Nangangatuwiran, sinabi niya: “Talagang mabisa ang mga ito.”
4 Anong mga pambungad ang nasumpungan ninyong mabisa para sa kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan? Sinubukan na ba ninyo ang mga nakatala sa ilalim ng “Bibliya/Diyos” sa pahina 10 ng aklat na Nangangatuwiran? Maaaring gamitin ang isa sa mga ito gaya ng sumusunod: “Mabuti at inabutan ko kayo sa bahay. Gusto kong ibahagi sa aking mga kapitbahay ang isang mainam na punto mula sa Bibliya. Napag-isip-isip na ba ninyo kung ano ang gumagawa sa relihiyon na tunay na mahalaga sa Diyos?” Ang isa pang pambungad ay maaaring ganito: “Pinasisigla namin ang mga tao na basahin ang kanilang Bibliya. Marami ang natutuwa sa mga sagot na ibinibigay nito sa mahahalagang tanong. Bilang halimbawa, pansinin kung paano ipinakikita sa 2 Timoteo 3:1, 2, at 2Tim 3:5 kung bakit hindi kinalulugdan ng Diyos ang ilang pagsamba ng mga relihiyosong tao.”
5 Maaaring naisin ninyong gumamit ng iba pang mga pambungad bilang karagdagan doon sa nasa aklat na Nangangatuwiran. Gayumpaman, makikita ninyong pinakamabuti na ang sundin ang huwaran na mga pambungad na nasa aklat na Nangangatuwiran. Ang mga ito ay naghaharap ng mga isyu na ikinababahala ng mga tao. Isinasangkot nito sa usapan ang maybahay. Ang mga ito ay maikli at tuwiran sa punto. Kaya malaki ang kapakinabangan sa maingat na pagsusuri sa mga pambungad na nasa aklat na Nangangatuwiran kahit na kung minsan ay nangangailangan ng mga pambungad sa inyong teritoryo na hindi masusumpungan sa aklat.
6 Sa kabilang panig, binabasa ng ilan ang angkop na mga pambungad nang tuwiran mula sa kanilang aklat na Nangangatuwiran kapag nakikipag-usap sa mga tao, lalo na doon sa mga waring abala. Ito ay nakatutulong sa kanila na maging matatas at tuwiran sa punto, at makuha ang pansin ng maybahay. Kadalasan sila ay pinapapasok upang maipagpatuloy ang pag-uusap.
7 Nais nating ingatan sa kaisipan kung gaano kahalaga ang ating mga pambungad na pangungusap sa ministeryo sa larangan. Malaki ang nasasangkot sa pagiging mabisa nito. Tulad ni Solomon, dapat din nating lubusang saliksikin ang mga kasiyasiyang salita samantalang tayo ay naghahanda sa paggamit ng mabibisang pambungad sa ating gawain sa bahay-bahay. Ang aklat na Nangangatuwiran ay tutulong sa atin sa pagsasaliksik na ito.—Ecles. 12:9, 10.
-
-
Pag-aaral ng Kongregasyon sa AklatMinisteryo sa Kaharian—1988 | Enero
-
-
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat
Eskedyul para sa pag-aaral ng kongregasyon sa aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan?:
Ene. 11-17 Kab. 4, par. 6-24
Ene. 18-24 Kab. 5, par. 1-15
Ene. 25-31 Kab. 5, par. 16–Kab. 6, par. 7
Peb. 1-7 Kab. 6, par. 8-24
-
-
Teokratikong mga BalitaMinisteryo sa Kaharian—1988 | Enero
-
-
Teokratikong mga Balita
◆ Ang pandistritong kombensiyon sa Aruba ay dinaluhan ng 960, at 21 ang nabautismuhan.
◆ Dalawang pandistritong kombensiyon ang dinaluhan sa Bahamas ng 2,334, at 34 ang nabautismuhan.
◆ Ang Bolivia ay nag-ulat ng mga peak na 5,401 mga mamamahayag at 9,009 mga pag-aaral sa Bibliya. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagka-aberids ng 13.6 oras sa ministeryo sa larangan.
-
-
TanongMinisteryo sa Kaharian—1988 | Enero
-
-
Tanong
● Bakit dapat tayong makipag-aral sa dalawang publikasyon sa mga baguhan, kahit na sila’y nabautismuhan na bago pa matapos ang dalawang aklat?
Habang tayo ay nagtuturo ng katotohanan sa mga baguhan, ang ilan ay mas madaling maunawaan at tanggapin ito kaysa iba. Ang ilan ay maaaring maging kuwalipikado sa bautismo sa maikling yugto ng panahon. Gayumpaman, mahalaga na ang lahat ng kumikilala kay Jehova ay “mapuspos ng wastong kaalaman ng kaniyang kalooban sa lahat ng karunungan at espirituwal na kaunawaan, upang lumakad nang karapatdapat kay Jehova sa buong ikalulugod niya.” (Col. 1:9, 10) Sa pamamagitan ng kumpletong pag-aaral sa mga aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba o Tunay na Kapayapaan, matutulungan ang mga baguhan na gawin ito.
Sa pamamagitan ng pag-aaral muna sa isang aklat hinggil sa mga saligang aral, na sinusundan ng isang aklat na sumasaklaw sa mga katangiang Kristiyano, magkakaroon ang estudiyante ng malawak na kaalaman. Matututuhan din niya ang mga simulain na sumasaklaw sa personal na asal at pagsamba na mahalaga sa pagiging isang tunay na Kristiyano ng isang tao. Ang bawa’t isa na pumapasok sa organisasyon ni Jehova ay kailangang maging ganap sa kapangyarihan ng kaunawaan.—1 Cor. 14:20.
Karagdagan pa, ang karanasan ay nagpapakita na ang pagtulong ng isang maygulang na guro ay kailangan. Bagaman ang pagbabasa ng mga publikasyon nang personal at pagdalo sa mga pulong ay mahalaga, hindi nito mailuluwal sa tuwi-tuwi na ang “karunungan at espirituwal na kaunawaan” na kailangan para paglingkuran si Jehova sa kalugod-lugod na paraan. Ang isang personal na pag-aaral sa Bibliya kasama ng isang guro ay mahalaga. (Gawa 8:30, 31) Ang isa na nagdaraos ng pag-aaral ay maaaring mag-ulat ng oras, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya hanggang sa matapos ang ikalawang aklat, kahit nabautismuhan na ang estudiyante.
-