-
Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Matatandang mga PublikasyonMinisteryo sa Kaharian—1989 | Pebrero
-
-
Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Matatandang mga Publikasyon
1 Ang paggawa ng desisyon na sumamba sa Diyos ay napakahalaga. Ito ay nangangahulugan ng ating buhay. Kaya, ang pagkakaroon ng kaalaman at karunungan upang ikapit ito ay isang kapakipakinabang na tunguhin.—Kaw. 23:23; Juan 17:3.
2 Upang magkaroon ng kaalaman at sumulong sa karunungan, kailangan tayong lubusang mag-aral ng Salita ng Diyos. Saganang ipinagkakaloob ni Jehova ang kaalaman at karunungan sa mga taimtim na naghahanap sa kaniya. Sa maraming mga taon, siya’y naglaan sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon ng saganang mga publikasyon na sumasaklaw sa maraming larangan ng kaalaman sa Bibliya. Ang mga ito ay maaaring maging isang malaking kapakinabangan sa marami na hindi pa nakakakilala kay Jehova.
KAHALAGAHAN NG MATATANDANG MGA PUBLIKASYON
3 Sa Pebrero, marami sa atin ang mag-aalok ng 192-pahinang matatandang mga aklat sa larangan. Mayamang impormasyon ang tinataglay ng mga publikasyong ito na may espirituwal na kahalagahan para sa mga tao. (Tingnan ang Mateo 5:14-16.) Kaya pagsikapan nating mailagay ang lahat ng matatandang mga publikasyon na nasa stock ng ating kongregasyon sa buwang ito.
4 Binigyan ng isang kapatid na babae ang kaniyang asawang hindi sumasampalataya ng isang matandang aklat bilang regalo. Sa panahong iyon ay wala pa siyang ipinakikitang interes. Namangha siya nang basahin nito ang buong aklat sa isang gabi. Napatibay nito ang kaniyang pananampalataya anupa’t siya’y dumalo sa sumunod na pulong at humiling ng isang pag-aaral sa Bibliya. Sa loob lamang ng tatlong buwan, siya’y nakikibahagi na sa ministeryo sa larangan at ngayon ay bautisado na.
MAGKAROON NG POSITIBONG SALOOBIN
5 Huwag hamakin ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos na siyang itinatampok ng mga matatandang publikasyong ito. Kung ang inyong kongregasyon ay walang 192-pahinang mga matatandang publikasyon, kung gayon maaari kayong mag-alok ng aklat na Worldwide Security o alinman sa mga bagong 192-pahinang aklat sa abuloy na ₱14.00.
6 Tamasahin nawa nating lahat ang isang mabungang ministeryo sa pamamagitan ng pamamahagi ng kaalaman ng Salita ng Diyos taglay ang matatandang mga publikasyong ito!
-
-
Umaakay sa Pagkakaisa ang mga Pantanging Bahagi ng KombensiyonMinisteryo sa Kaharian—1989 | Pebrero
-
-
Umaakay sa Pagkakaisa ang mga Pantanging Bahagi ng Kombensiyon
1 “Masdan! Anong pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!” (Awit 133:1) Pagkatapos nating tamasahin ang kasiyahan sa programa ng ating “Banal na Katarungan” na Pandistritong Kombensiyon, ang mga salitang ito ay lalo pang naging makahulugan para sa pambuong daigdig na pagkakapatiran ng bayan ni Jehova.
2 Nang ibinigay ng bawa’t tagapagsalita ang nakapagpapasiglang impormasyon, tayo ay nagagalak na tayo’y naroroon at nakikibahagi. At anong kagalakan na tayo’y kaisa ng napakaraming kapatid sa pagsigaw ng “Oo!” sa matinding resolusyon!
3 Pantangi rin naman ang paglalabas ng dalawang tomong publikasyong pinamagatang Insight on the Scriptures. Kay ganda ng mga larawan sa publikasyong ito! Tunay na pinagkakaisa nito tayo sa pagsasaliksik sa mga paksa ng Bibliya upang tayo ay magsalita nang may pagkakaisa sa talagang kahulugan ng mga Kasulatan!—1 Cor. 1:10.
4 Anong laking sorpresa noong Sabado ng hapon nang ang publikasyong Revelation—Its Grand Climax at Hand! ay inilabas. Ang 320-pahinang aklat na ito ay tutulong sa atin na pagkaisahin ang ating kaisipan sa kahulugan ng makasagisag na mga pananalita sa huling aklat ng Bibliya.
5 Hindi makakalimutan ang kaligayahan nang ilahad ng mga misyonero ang kanilang mga karanasan sa maraming kombensiyon. Anong laki ng ating pagpapahalaga sa mga taon ng matapat nilang paglilingkuran! Sa kabila ng humihinang kalusugan, mga suliranin sa wika, at pagsalangsang, pinalawak nila ang gawaing pangangaral sa malalayong lupain.
6 Tunay na tayo’y pinagpala ni Jehova nang higit kaysa ating inaasahan. Ngayon ay may determinasyon tayo na magpatotoo hinggil sa banal na katarungan sa maraming iba pa.
-
-
TanongMinisteryo sa Kaharian—1989 | Pebrero
-
-
Tanong
● Ano ang dapat ilagay sa patalastasan ng kongregasyon?
Ang patalastasan sa Kingdom Hall ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa mga gawain ng kongregasyon. Walang ilalagay doon nang hindi ipinahihintulot ng punong tagapangasiwa.
Ang ilan sa mga bagay na ilalagay doon: Mga eskedyul at mga atas sa Pulong Ukol sa Paglilingkod at Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, talaan ng mga pahayag pangmadla na naka-eskedyul, tsirman ng Pahayag Pangmadla at mga atas ng tagabasa sa Bantayan, kaayusan at lugar ng mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, patalastas para sa susunod na dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, impormasyon hinggil sa dumarating na asamblea o kombensiyon, at kaayusan sa paglilinis ng Kingdom Hall. Sa pana-panahon ay may tagubilin ang Samahan sa mga matatanda na ilagay ang ilang sulat o iba pang bagay doon.
Bagaman maaaring gumawa ng isang maikling patalastas sa isa sa mga pulong hinggil sa isang itinakdang kasalan na magaganap sa Kingdom Hall, hindi maglalagay ng isang pormal na patalastas hinggil sa kasalan sa patalastasan. Hindi rin wastong maglagay doon ng patalastas hinggil sa mga sosyal na pagtitipon, yamang ang mga ito ay walang kinalaman sa mga gawain ng kongregasyon.
Dapat na ingatang masinop at maayos ang patalastasan. Kailangang sapat ang laki nito upang mailagay ang mga bagay na binalangkas dito. Ang mga eskedyul at mga bagay na natapos na ay dapat na alisin kaagad doon. Kapag higit sa isang kongregasyon ang nagtitipon sa isang bulwagan, ang bawa’t kongregasyon ay dapat na magkaroon ng kanilang sariling patalastasan o bahagi dito. Iminumungkahi namin na ang punong tagapangasiwa, o ang sinumang inatasan niya, ay magsuri sa tuwi-tuwi na upang matiyak na ang mga bagay na nakalagay doon ay napapanahon, angkop at masinop.
-
-
Ulat ng Paglilingkod sa OktubreMinisteryo sa Kaharian—1989 | Pebrero
-
-
Ulat ng Paglilingkod sa Oktubre
Abe. Abe. Abe. Abe.
Mam. Oras Mag. P-M. P.B.
Esp. Pay. 719 124.0 24.7 40.3 6.2
Reg. Pay. 15,964 65.3 9.6 17.5 2.9
Aux. Pay. 2,616 51.6 8.2 12.0 1.4
Mam. 77,483 8.1 1.4 2.1 0.3
KAB. BLG. 96,782
Bilang ng Nabautismuhan sa Buwang Ito: 328
-