Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jesu-Kristo
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mahalaga na tumugon tayo nang may pagpapahalaga, hindi lamang sa sinabi niya noong nakaraan kundi sa kung ano rin ang ginagawa niya ngayon. (Mat. 25:31-33)’

      ‘Tinanggap ko na si Jesus bilang personal na Tagapagligtas’

      Maaari kayong sumagot: ‘Natutuwa akong marinig na kayo ay naniniwala kay Jesus, sapagka’t napakaraming tao ngayon ang hindi nag-uukol ng pansin sa ginawa ni Jesus para sa atin. Walang alinlangan na alam-na-alam ninyo ang kasulatan sa Juan 3:16, hindi po ba? . . . Subali’t saan kaya mabubuhay ang mga taong ito? Ang ilan ay makakasama ni Kristo sa langit. Subali’t ipinakikita ba ng Bibliya na lahat ng mabuting tao ay pupunta roon? (Mat. 6:10; 5:5)’

  • Mga Judio
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Judio

      Kahulugan: Gaya ng karaniwang ginagamit ngayon, ang termino ay tumutukoy sa mga tao na may Hebreong pinagmulan at sa iba pa na nakumberte sa Judaismo. Binabanggit din ng Bibliya na may mga Kristiyano na Judio sa espiritu at na sila’y bumubuo sa “Israel ng Diyos.”

      Ang mga likas na Judio ba sa ngayon ang siyang piling bayan ng Diyos?

      Ito ang paniwala ng maraming Judio. Sinasabi ng Encyclopaedia Judaica (Jerusalem, 1971, Tomo 5, kol. 498): “BAYANG PINILI, isang karaniwang katawagan para sa mga taga-Israel, na nagpapahayag ng paniwala na ang bayang Israel ay may pantangi at kakaibang pakikipag-ugnayan sa pansansinukob na maykapal. Ang paniwalang ito ay pangunahin sa buong kasaysayan ng kaisipang Judio.”​—Tingnan ang Deuteronomio 7:6-8; Exodo 19:5.

      Marami sa Sangkakristiyanuhan ang may ganito ring paniwala. Ang seksiyong “Relihiyon” ng Journal and Constitution ng Atlanta (Enero 22, 1983, p. 5-B) ay nag-ulat ng ganito: “Salungat sa daan-daang taon nang mga turo ng mga iglesiya na ang Diyos ay ‘nagtakwil sa kaniyang bayang Israel’ at hinalinhan sila ng isang ‘bagong Israel,’ siya [si Paul M. Van Buren, teologo sa Temple University sa Philadelphia] ay nagsasabi na ang mga iglesiya sa ngayon ay naniniwala na ‘ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bansang Judio ay walang-hanggan. Ang kamanghamanghang pagbalikwas na ito ay ginawa kapuwa ng mga Protestante at

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share