Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 1/1 p. 4-6
  • Pangglobong Pamamahayag ng Mabuting Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pangglobong Pamamahayag ng Mabuting Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Wala Nang Seguro na Panghabang-Buhay
  • Isang Nagbagong Pamantayan
  • Nagkasundong mga Mag-asawa
  • Isang Nagbagong Pamumuhay
  • Ang Mabuting Balita sa Bilangguan
  • Mabuting Balita Para sa Lahat ng Tao!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Papaano Mo Pakikinabangan ang Ebanghelyo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Mabuting Balita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Nagdadala ng Mabuting Balita Tungkol sa Bagay na Mas Mabuti”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 1/1 p. 4-6

Pangglobong Pamamahayag ng Mabuting Balita

NAGHAHARI na ang Kaharian ng Diyos! Ito ang pinakamagaling na balita. Kaya naman noong 1989 mahigit na 3,700,000 mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ang masiglang namahayag ng “mabuting balita” na inihula ni Jesus at ng “masasayang balita” na inihayag ng anghel sa pangitain ni Juan. (Mateo 24:14; Apocalipsis 14:6) Gaya ng sinabi ni apostol Pablo: “Ang tinig nila ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa mga kadulu-duluhan ng tinatahanang lupa.” (Roma 10:18) At ang mga tao sa halos bawat bansa at angkan at wika at bayan ay may kagalakang tumugon sa kanilang panawagan na “matakot kayo sa Diyos at magbigay-kaluwalhatian sa kaniya.”​—Apocalipsis 14:7.

Wala Nang Seguro na Panghabang-Buhay

Isa na sa gayong tao sa Inglatera ang kumikita ng kaniyang ikinabubuhay buhat sa kawalang kasiguruhan ng buhay. Si Ken ay isang ahente ng seguro, at nang siya’y dumalaw sa isang sambahayan ng mga Saksi ni Jehova, siya’y kanilang tinanong: “Ibig mo bang mabuhay sa isang daigdig na kung saan hindi ka na kailangang paseguro panghabang-buhay?” Ano ba ang ibig nilang sabihin? Na sang-ayon sa Bibliya, sa ilalim ng Kaharian ng Diyos maraming bagay na dahilan ng kawalang-kasiguruhan ng buhay ngayon, kasali na ang sakit at kamatayan, ay mapaparam na.

Mangyayari kaya ang gayong bagay? Oo, ang Diyos mismo ang nangako. Halimbawa, ang Bibliya ay nagsasabi: “Ang Diyos mismo ay sasakanila [sangkatauhan]. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.” (Apocalipsis 21:3, 4) Ano ba ang magdadala ng gayong mga pagbabago? Ang Kaharian ng Diyos. Sang-ayon sa Salita ng Diyos, sa di na magtatagal “dudurugin at wawasakin niyaon ang lahat ng [modernong-panahong pulitikal na] kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.”​—Daniel 2:44.

Mga talatang katulad nito ang itinawag-pansin sa daan-daang milyong mga tao ng mga Saksi ni Jehova sa panahon ng kanilang pambuong-globong kampanya sa pangangaral. Marami, katulad ni Ken, ang nakatalos na ito’y hindi lamang isang guniguning pangarap. Sapat-sapat ang patotoo nito. Ang kinasihang mga pangakong ito ay mapaniniwalaan at hindi na magtatagal ay matutupad na.

Isang Nagbagong Pamantayan

Ang mga taong nakikinig sa mga Saksi ni Jehova samantalang naririnig ang masayang pagbabalita nila ng pahayag ng anghel ay nakatalos na ang pagkatakot sa Diyos at ang pagbibigay-kaluwalhatian sa kaniya ay higit pa ang nasasangkot kaysa paniniwala lamang sa mga pangako ng Bibliya. Binago nito ang kanilang buong pangmalas at naligtasan nila ang maraming mga kabiguan sa buhay.

Napatunayan ito ni Rafael at ng kaniyang maybahay. Sila’y naninirahan sa Argentina, at nang sila’y pakasal mahigit na 40 taon na ngayon ang nakalipas, ginawa nilang pangunahing tunguhin sa buhay ang magpagal nang puspusan at magtipon para sa isang kinabukasan na may kasiguruhan. Subalit, makalipas ang 21 taon, wala silang maipakita bilang bunga ng kanilang pagpapagal kundi isang munting tahanan na patuluyang nangangailangan na kumpunihin. Ang kanilang nadama’y ang kawalang-kasiguruhan na gaya rin noong una nang sila’y kakakasal pa lamang.

Nang magkagayo’y narinig nila ang mabuting balita mula sa mga Saksi ni Jehova at kanilang napag-alaman ang isang lalong mabuting uri ng kayamanan at ng kasiguruhan sa buhay. Sa kaniyang Sermon sa Bundok, ito’y binanggit ni Jesus nang kaniyang sabihin: “Tumigil na kayo ng pagtitipon para sa inyong sarili ng kayamanan sa lupa, na dito’y sumisira ang tangà at kalawang, at dito’y nakapapasok ang mga magnanakaw at nagnanakaw. Kundi, magtipon kayo ng kayamanan sa langit, na kung saan hindi sumisira ang tangà o ang kalawang man, at kung saan hindi nakapapasok ang mga magnanakaw.”​—Mateo 6:19, 20.

Samantalang ang Bibliya’y hindi nagtuturo sa atin na maging impraktikal kung tungkol sa materyal na kayamanan, ito’y nagpapayo sa atin na ang ating pag-asa’y huwag ilagak sa gayong mga bagay. (Eclesiastes 7:12) Bagkus, tayo’y magpagal upang magkamit ng espirituwal na kayamanan sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya, pagkatuto ng kalooban ng Diyos, at unahin sa ating buhay ang paggawa ng kaloobang iyon. (Mateo 6:33) Si Rafael at ang kaniyang maybahay ay nagsimula na magpagal upang magkamit ng espirituwal na kayamanang ito, at ngayo’y nadarama nilang talagang sila’y mayaman, hindi dahil sa katayuan ng kanilang pananalapi, kundi dahil sa kanilang kaugnayan sa Diyos. (Apocalipsis 3:17, 18) Ang mensahe ng Kaharian ng Diyos ay napakabuting balita para sa kanila.

Nagkasundong mga Mag-asawa

Ang mabuting balita ay may bisa na makagawa ng mabuti. Halimbawa, si John, na naninirahan sa Inglatera, ay hindi interesado sa Bibliya, ngunit ang kaniyang maybahay at mga anak ay interesado. Kaya’t sila’y nagsimulang dumalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova samantalang si John ay nagpatuloy ng pag-inom kasama ng kaniyang mga kaibigan. Kaya naman, siya’y napalulong sa sobrang pag-inom, paninigarilyo, at, sa katapus-tapusan, sa wakas, kaniyang iniwanan ang kaniyang asawa upang makisama sa ibang babae.

Ang hakbang tungo sa pagdidiborsiyo ay sinimulan. Ngunit nagtaka si John nang makita niya na ang kaniyang maybahay​—na natuto ng asal-Kristiyano buhat sa kaniyang pakikipag-aral ng mabuting balita​—​ay nakikitungo pa rin sa kaniya nang may konsiderasyon. Hindi ito maintindihan ni John kung bakit. Tatlong linggo bago matapos ang kaso sa diborsiyo, nagkaroon ng epekto kay John ang Kristiyanong asal ng kaniyang maybahay. Si John ay nagpahayag ng taimtim na pagsisisi sa kaniyang ginawa, at winakasan na ang usaping iyon sa diborsiyo. Ngayon ay sinuri ni John para sa kaniyang sarili ang mabuting balita at siya’y nag-aral ng Bibliya sa tulong ng mga Saksi ni Jehova. Ngayon pati siya ay isang Kristiyano na at, magkasama silang mag-asawa, nagbabalita na sa iba ng mabuting balita ng Kaharian.

Sa mga araw na ito na gumuguho ang pamantayang pampamilya, marami ang nangangailangan ng naitutulong ng salig-Bibliyang mabuting balita. Isa sa mga Saksi ni Jehova sa Peru ang nakaupong katabi ng isang koronel sa hukbo samantalang nagbibiyahe sa eroplano. Sila’y napasangkot sa isang usapan at ang koronel ay nagsimulang ibulalas ang mga suliranin sa kaniyang pamilya, kasali na yaong suliranin sa kaniyang maybahay na nahuhumaling sa droga at halos hihiwalay na sa kaniya para makisama sa isang nakababatang lalaki. Mataktikang ipinakita sa kaniya ng Saksi na ang Bibliya’y nagbibigay ng mabuti, matatag na payo tungkol sa mga suliranin ng pamilya at iyon ang nakatulong sa kaniya upang lutasin ang kaniyang sariling mga problemang pampamilya.​—Efeso 5:21–6:4.

Ang koronel ay nagpasalamat sa Saksi sa kaniyang mga salitang pang-aliw at sumuskribe sa mga magasing Bantayan at Gumising! upang kaniyang maipagpatuloy na pasulungin ang kaniyang kaalaman sa mabuting balita. Nang mga sandaling ang Saksi’y pababa na sa eroplano, isang kabataang mag-asawa ang humabol sa kaniya at humiling na siya’y makausap. “Kami’y doon nakaupo sa harap na harap ninyo,” anila, “at aming nadinig ang inyong pakikipag-usap sa ginoo. Ibig din naming sumuskribe sa mga magasing iyon.” Nais din pala nilang matuto ng tungkol sa mabuting balita na maaaring lalo pang magpabuti sa kanilang buhay.

Isang Nagbagong Pamumuhay

Isa pa, ang mga tao’y binabago ng salig-Bibliyang mabuting balita. Gaya ng sinabi ni apostol Pablo: “Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa.” (Hebreo 4:12) Ito’y totoo sa kaso ng isang kabataang lalaki sa Macedonia, Gresya. Siya’y nagulat nang kaniyang mapag-alaman na, sang-ayon sa Bibliya, ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Kaya’t kaniyang hiniling sa isang kaibigan na ipakilala siya sa mga Saksi ni Jehova sa pinakamadaling panahon na maaari. Nagsaayos ng dalawang pakikipagtalakayan sa mga Saksi, na bawat isa ay tumagal nang may apat na oras. Pagkatapos ay nagsimula ang lalaking iyon ng regular na pakikipag-aral sa Bibliya, na ang una’y tumagal hanggang alas-dos ng mag-uumaga!

Sapol ng unang pag-aaral na iyon, ang lalaki ay mabilis na nagsaayos ng kaniyang buhay upang makasunod sa mga pamantayan ng Bibliya. Siya’y dumalo sa mga pulong ukol sa pagsamba ng mga Saksi ni Jehova at tinubuan siya ng malaking pag-ibig sa Maylikha. At siya naman ay pinagpala ni Jehova. Nang unang linggo ng kaniyang pag-aaral ng Bibliya, ang kaniyang mahabang buhok ay pinagupit na niya. Nang ikalawang linggo, hindi na siya naparoon sa mga café at disco upang humanap ng katuwaan sa dating mga kabarkadahan. Nang ikatlong linggo, itinapon na niya ang kaniyang huling sigarilyo. Pagkatapos mag-aral ng may dalawang buwan, siya’y nagsimulang makisama sa mga Saksi sa pamamahayag sa iba ng mabuting balita ng Kaharian. Oo, siya’y natutuwa na ang mabuting balita ay dinala sa panig na ito ng mundo ng mga Saksi ni Jehova.

Ang Mabuting Balita sa Bilangguan

Maging ang mga rehas na bakal man ay hindi nakahahadlang sa mabuting balita. Sa Espanya ay isang kabataang lalaking nagngangalang José ang nagdurusa ng mahabang sintensiya sa bilangguan dahilan sa armadong pagnanakaw at iba pang mga krimen. Gayunman, naibalita sa kaniya ng mga Saksi ni Jehova ang mabuting balita, at ang mensahe ng Bibliya ang lubusang bumago ng kaniyang pangmalas. Si Jehova ang sa kaniya’y ‘nagbigay ng kapangyarihan.’​—Filipos 4:13.

Sinabi ni José na mabuti nang gugulin niya ang nalalabing bahagi ng kaniyang buhay sa sistemang ito ng mga bagay sa likod ng mga rehas na bakal dahilan sa kaniyang dating pamumuhay. Ngunit siya’y nabautismuhan na at ngayon ay isa nang Kristiyano. Ang kaniyang maybahay ay matatag ng pag-alalay sa kaniya, at ito’y nagsisikap na ang kanilang anak na bata pa’y mapalaki na isang Kristiyano. Samantala, ang mabuting balita ay ibinabahagi ni José sa kaniyang mga kapuwa preso, na mga taong mahirap marating ng mga nasa labas ng bilangguan. Ngayon ang kaniyang kasama sa selda ay isa na ring bautismadong Kristiyano.

Ito ay mga ilang halimbawa lamang upang ipakita ang resulta ng pangglobong kampanya sa pangangaral ng mga Saksi ni Jehova. Tunay, ang mabuting balita na inihahayag ng di-nakikitang anghel ay inihahayag din ng mga Saksi ni Jehova bilang “masasayang balita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawat bansa at angkan at wika at bayan.”

Ito ang pinakamagaling na balita, at ito ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Aming ipinapayo na pakinggan mo ito. Katulad ni Ken at John sa Inglatera, katulad ni Rafael at ng kaniyang maybahay sa Argentina, katulad ni José sa Espanya, at katulad ng laksa-laksa pang mga iba, kami’y nakikiisa sa anghel sa pagpapayo sa lahat na “matakot kayo sa Diyos at magbigay-kaluwalhatian sa kaniya, sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghatol, at sa gayo’y magsisamba kayo sa Isa na gumawa ng langit at lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.”​—Apocalipsis 14:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share