-
SanlibutanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
‘Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon [si Jehova] at ng kaniyang Kristo.’ ” (Nang maganap ito noong 1914, “ang mga huling araw” ng kasalukuyang masamang sistema ay nagsimula. Isang bagong kapahayagan ng kapamahalaan ni Jehova ang lumitaw, sa pamamagitan ngayon ng kaniyang sariling Anak bilang Mesiyanikong Tagapamahala. Malapit nang lipulin ang masamang sanlibutan, at si Satanas, ang masamang espiritung pinuno nito, ay ibubulid sa kalaliman, sa gayo’y wala na siyang kapangyarihan sa sangkatauhan.)
Ano ang pangmalas ng mga tunay na Kristiyano sa sanlibutan at sa mga taong bahagi ng sanlibutan?
Juan 15:19: “Kayo’y [mga tagasunod ni Jesus] hindi bahagi ng sanlibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanlibutan.” (Kaya ang mga tunay na Kristiyano ay hindi bahagi ng karamihan sa lipunan ng tao na hiwalay sa Diyos. Inaasikaso nila ang pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, nguni’t kanilang iwinawaksi ang mga saloobin, ang pagsasalita, at ang paggawi ng sanlibutang ito na sumasalungat sa matuwid na mga daan ni Jehova.) (Tingnan ang mga pahina 247-254, gayundin ang 162-166.)
Sant. 4:4: “Mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Sinoman ngang mag-ibig na maging kaibigan ng sanlibutan ay ginagawa ang kaniyang sarili na isang kaaway ng Diyos.” (Palibhasa’y di-sakdal ang mga Kristiyano, kung minsan ay maaari silang mabahiran dahil sa pakikipag-ugnayan nila sa sanlibutan. Nguni’t kapag pinayuhan mula sa Salita ng Diyos, sila’y nagsisisi at itinutuwid ang kanilang mga lakad. Subali’t, kung ang ilan ay sadyang makikipagkaibigan sa sanlibutan o gagaya sa espiritu nito, ipinakikita nila na hindi na sila tunay na Kristiyano kundi naging bahagi ng sanlibutang nakikipag-away sa Diyos.)
Roma 13:1: “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan, sapagka’t walang kapangyarihan maliban sa Diyos; ang umiiral na mga kapangyarihan ay nakatayo sa kani-kanilang mga dako dahil sa Diyos.” (Yaong mga sumusunod sa payong ito ay hindi mga rebelde, na may tangkang ibagsak ang mga gobyerno ng sanlibutan. Nagpapasakop sila sa autoridad ng mga makapolitikang pinuno, at sinusunod nila hangga’t ang kahilingan ng mga ito ay hindi lumalabag sa mga kahilingan ng Diyos. Ang gayong mga pamahalaan ay pati-unang inihula ng Diyos. May kapangyarihan sila, hindi dahil sa siya ang nagbigay-karapatan, kundi dahil sa kapahintulutan niya. Sa kaniyang takdang panahon kaniya ring aalisin ang mga ito.)
Gal. 6:10: “Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, nguni’t lalong lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.” (Kaya, hindi ikinakait ng mga tunay na Kristiyano ang mabuti sa kanilang kapuwa-tao. Tinutularan nila ang Diyos, na pinasisikat ang araw kapuwa sa masasama at sa mabubuti.—Mat. 5:43-48.)
Mat. 5:14-16: “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. . . . Pasikatin ang inyong liwanag sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at kanilang luluwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” (Kung luluwalhatiin ng iba ang Diyos dahil sa ginagawa ng mga Kristiyano, maliwanag na ang mga Kristiyano ay nararapat na maging aktibong mga saksi sa sanlibutan tungkol sa pangalan at layunin ng Diyos. Ang gawaing ito ang pangunahing binibigyang pansin ng mga tunay na Kristiyano.)
Ano ang kahulugan ng kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig?
Tingnan ang pamagat na “Mga Huling Araw.”
-
-
Mga SantoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Santo
Kahulugan: Ayon sa turo ng Romano Katoliko, ang mga santo ay yaong mga namatay at nakasama ni Kristo sa langit na kinikilala ng Iglesiya dahil sa pantangi nilang kabanalan at kabutihan. Ang relihiyosong paniniwala na pinagtibay sa konsilyo ng Trent ay nagsasabi na ang mga santo ay dapat hingan ng tulong bilang mga tagapamagitan sa Diyos at na ang mga relikya at imahen ng mga santo ay dapat ituring na banal. Ang ibang relihiyon din ay humihingi ng tulong sa mga santo. May mga relihiyong nagtuturo na lahat ng kanilang mga miyembro ay mga santo at walang kasalanan. Madalas binabanggit ng Bibliya ang mga santo, o mga banal. Tinutukoy nito bilang mga banal ang 144,000 pinahiran-ng-espiritung mga tagasunod ni Kristo.
Itinuturo ba ng Bibliya na ang isang tao’y dapat na makarating sa makalangit na kaluwalhatian bago siya kikilalaning isang santo?
May binabanggit nga sa Bibliya na mga banal, o santo, na nasa langit. Tinutukoy si Jehova bilang “Banal na Isa [Griyego,
-