Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aralin Bilang 2—Ang Panahon at ang Banal na Kasulatan
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • na kasiyahan sa paggawa. Ang mga taon ay tila magiging mas mabilis, at ang may-pagpapahalaga at matatandaing kaisipan ay patuloy na pagyayamanin ng mga alaala ng maliligayang karanasan. Habang lumilipas ang mga milenyo, tiyak na lalong mapahahalagahan ng mga tao sa lupa ang pangmalas ni Jehova sa panahon: ‘Sapagkat ang isang libong taon sa mata ni Jehova ay parang kahapon lamang kapag ito ay dumaan.’​—Awit 90:4.

      33. Kung tungkol sa panahon, anong pagpapala ang pararatingin ni Jehova?

      33 Sa pagmamasid sa agos ng panahon mula sa pangmalas ng tao at sa pagsasaalang-alang sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan ng katuwiran, magagalak tayo sa pag-asa sa mga pagpapala ng araw na yaon: “Doon pararatingin ni Jehova ang pagpapala, samakatuwid baga’y ang buhay na walang-hanggan”!​—Awit 133:3.

  • Aralin Bilang 3—Pagsukat sa mga Pangyayari sa Agos ng Panahon
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Mga Pag-aaral sa Kinasihang Kasulatan at sa Kapaligiran Nito

      Aralin Bilang 3​—Pagsukat sa mga Pangyayari sa Agos ng Panahon

      Ang pagbilang sa panahon noong mga kaarawan ng Bibliya at pagtalakay sa kronolohiya ng tampok na mga pangyayari kapuwa sa mga Kasulatang Hebreo at Griyego.

      1. (a) Ano ang patotoo na si Jehova ay isang wastong tagapagtala ng panahon? (b) Anong pagsulong ang nagawa sa pag-unawa sa kronolohiya ng Bibliya?

      NANG ibinibigay kay Daniel ang pangitain ng “hari ng hilaga” at “hari ng timog,” malimit gamitin ng anghel ni Jehova ang pariralang “itinakdang panahon.” (Dan. 11:6, 27, 29, 35) Ipinahihiwatig din ng iba pang kasulatan na si Jehova ay isang wastong tagapagtala ng panahon, na tumutupad sa kaniyang layunin nang eksakto sa panahon. (Luc. 21:24; 1 Tes. 5:1, 2) Sa kaniyang Salita, ang Bibliya, naglaan siya ng maraming “kilometrahe” upang masukat ang mahalagang mga kaganapan sa agos ng panahon. Malaki ang isinulong ng unawa sa kronolohiya ng Bibliya. Ang pagsasaliksik ng mga arkeologo at ng mga iba pa ay lumulutas sa sari-saring problema, upang matiyak ang panahon ng mahahalagang pangyayari sa Bibliya.​—Kaw. 4:18.

      2. Magbigay ng halimbawa ng pagtantiya sa mga bilang na ordinal.

      2 Mga Bilang na Ordinal at Cardinal. Sa nakaraang aralin (parapo 24 at 25), ipinakita ang kaibahan ng bilang na cardinal at ordinal. Dapat itong isaisip kapag sumusukat ng mga yugto sa Bibliya ayon sa makabagong mga paraan ng pagpepetsa. Halimbawa, sa “ikatatlumpu’t-pitong taon ng pagkatapon kay Joiachin na hari ng Juda,” ang katagang “ikatatlumpu’t-pito” ay bilang na ordinal. Katumbas ito ng 36 buong taon at ilang mga araw, sanlinggo, o buwan (anomang panahon ang lumipas matapos ang ika-36 na taon).​—Jer. 52:31.

      3. (a) Anong mga ulat ng Estado ang tumutulong sa pagtiyak sa mga petsa sa Bibliya? (b) Ano ang taon ng paghahari, at ano ang taon ng paghalili?

      3 Mga Taon ng Paghahari at ng Paghalili. Ang Bibliya ay tumutukoy sa mga ulat ng Estado ng Juda at Israel, at sa mga suliraning pang-Estado ng Babilonya at Persya. Sa apat na kahariang ito, ang kronolohiya ng Estado ay wastong tinatantiya salig sa pagpupuno ng mga hari, at ang sistemang ito ay tinutularan ng Bibliya. Malimit ibigay ng Bibliya ang pangalan ng dokumentong sinisipi, halimbawa, “ang aklat ng mga gawa ni Solomon.” (1 Hari 11:41) Ang pagpupunò ng isang hari ay sumasaklaw sa bahagi ng taon ng paghalili, na sinusundan ng kumpletong bilang ng mga taon ng paghahari. Ang taon ng paghahari ay ang opisyal na taon mula Nisan hanggang sa susunod na Nisan, o mula tagsibol hanggang tagsibol. Kapag ang isang hari ay humahalili sa trono, ang namamagitang mga buwan hanggang sa susunod na tagsibol na buwan ng Nisan ay ang kaniyang taon ng paghalili, na doo’y pinupunan niya ang nalalabing taon ng paghahari ng kaniyang hinalinhan. Gayunman, ang kaniyang opisyal na taon ng paghahari ay binibilang pasimula sa susunod na Nisan 1.

      4. Ipakita kung papaano tatantiyahin ang kronolohiya ng Bibliya ayon sa mga taon ng paghahari.

      4 Halimbawa, si Solomon ay nagsimulang maghari bago ang Nisan ng 1037 B.C.E., noong buháy pa si David. Di-nagtagal pagkaraan nito, namatay si David. (1 Hari 1:39, 40; 2:10) Gayunman, ang huling taon ng paghahari ni David ay nagpatuloy hanggang tagsibol ng 1037 B.C.E., at bahagi pa rin ito ng kaniyang 40-taóng pamamahala. Ang bahagi ng taon, mula nang maghari si Solomon, hanggang tagsibol ng 1037 B.C.E., ay ang taon ng paghalili ni Solomon, at ito ay hindi ibibilang na taon ng kaniyang paghahari, pagkat pinupunan pa niya ang nalalabing panahon sa pagpupuno ni David. Kaya, ang unang buong taon ng paghahari ni Solomon ay nagsimula lamang noong Nisan ng 1037 B.C.E. (1 Hari 2:12) Nang maglaon, 40 buong taon ng paghahari ang ibinilang kay Solomon. (1 Hari 11:42) Ang paghihiwalay ng mga taon ng paghahari at ng paghalili ay tumutulong sa wastong pagtantiya sa kronolohiya ng Bibliya.a

      PAGBILANG NANG PABALIK SA PAGLALANG KAY ADAN

      5. Papaano natitiyak ang petsa ng pagsasauli ng pagsamba kay Jehova sa Jerusalem?

      5 Pasimula sa Saligang Petsa. Ang saligang petsa sa pagbilang nang pabalik kay Adan ay ang pagpapabagsak ni Ciro sa dinastiyang Babiloniko, 539 B.C.E.b Iniutos ni Ciro ang pagpapalaya sa mga Judio noong una niyang taon, bago ang tagsibol ng 537 B.C.E. Ayon sa Ezra 3:1 nakabalik na sa Jerusalem ang mga anak ni Israel noong ikapitong buwan, Tisri, katumbas ng mga bahagi ng Setyembre at Oktubre. Kaya taglagas ng 537 B.C.E. ang tinatayang petsa ng pagsasauli ng pagsamba kay Jehova sa Jerusalem.

      6. (a) Anong inihulang yugto ang nagtapos noong taglagas ng 537 B.C.E.? (b) Kailan nagsimula ang yugtong ito, at papaano ito inaalalayan?

      6 Isang makahulang yugto ang nagwakas nang maisauli ang pagsamba kay Jehova noong taglagas ng 537 B.C.E. Anong yugto? Ang “pitumpung taon” ng “pagkagiba” ng Lupang Pangako na tungkol doo’y sinabi rin ni Jehova, “Pagkatapos maganap ang pitumpung taon sa Babilonya ay ibabaling ko ang pansin sa inyo, at tutuparin ko ang aking mabuting salita na kayo’y ibabalik ko sa dakong ito.” (Jer. 25:11, 12; 29:10) Si Daniel, na pamilyar-na-pamilyar sa hulang ito, ay kumilos kasuwato nito nang magtatapos na ang “pitumpung taon.” (Dan. 9:1-3) Kaya ang “pitumpung taon” na nagwakas noong taglagas ng 537 B.C.E. ay nagpasimula noong taglagas ng 607 B.C.E. Pinatutunayan ito ng maraming bagay. Inilalarawan ng Jeremias kabanata 52 ang pagkubkob ng Jerusalem, pagsalakay ng Babilonya, at pagbihag kay Haring Zedekias noong 607 B.C.E. At, bilang katuparan ng talata Jer 52:12, “sa ikalimang buwan, sa ikasampung araw,” alalaong baga, sa ikasampung araw ng Ab (katumbas ng mga bahagi ng Hulyo at Agosto), ang templo at ang lungsod ay sinunog ng mga taga-Babilonya. Gayunman, hindi pa dito nagsimula ang “pitumpung taon.” May natitira pang bakas ng Judiong soberanya sa katauhan ni Gedalias, na inatasan ng hari ng Babilonya bilang gobernador ng nalalabing mga Judio. “Sa ikapitong buwan,” pinatay si Gedalias at ang iba pa, kaya ang mga Judio ay takut-na-takot na tumakas tungo sa Ehipto. Mula lamang nito, Oktubre 1, 607 B.C.E. na ang lupain, sa kumpletong diwa, ay “nanatiling giba . . . upang matupad ang pitumpung taon.”​—2 Hari 25:22-26; 2 Cron. 36:20, 21.

      7. (a) Papaano matatantiya ang mga taon pabalik sa pagkahati ng kaharian nang mamatay si Solomon? (b) Anong alalay ang inilalaan ng hula ni Ezekiel?

      7 Mula 607 B.C.E. hanggang 997 B.C.E. Marami ang suliranin sa pagtantiya nang pabalik mula sa pagbagsak ng Jerusalem hanggang noong mahati ang kaharian pagkamatay ni Solomon. Gayunman, makikita sa paghahambing ng pagpupuno ng mga hari sa Israel at Juda sa Una at Ikalawang Hari na ang yugtong ito ay sumasaklaw ng 390 taon. Ang hula sa Ezekiel 4:1-3 ay matibay na ebidensiya na ang bilang na ito ay wasto. Itinuturo nito ang panahon ng pagkubkob sa Jerusalem at pagdadalang-bihag sa mga mamamayan noong 607 B.C.E. Kaya ang 40 taon na binabanggit kaugnay ng Juda ay nagtapos nang mawasak ang Jerusalem. Ang 390 na taon kaugnay ng Israel ay hindi natapos nang mawasak ang Samaria, pagkat matagal nang nangyari ito nang humula si Ezekiel, at ang hula ay tungkol lamang sa pagkubkob at pagwasak sa Jerusalem. Kaya, “ang kasamaan ng sambahayan ni Israel,” ay nagtapos din noong 607 B.C.E. Kung bibilang nang pabalik mula sa petsang ito, makikita na ang 390 taon ay nagsimula noong 997 B.C.E. Nang taóng yaon, pagkamatay ni Solomon, humiwalay si Jeroboam sa sambahayan ni David at “inihiwalay ang Israel sa pagsunod kay Jehova, at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan.”​—2 Hari 17:21.

      8. (a) Papaano tinatantiya ang mga taon pabalik sa Pag-aalisan? (b) Anong pagbabago ang nakaapekto sa kronolohiya ng Bibliya sa panahong ito?

      8 Mula 997 B.C.E. hanggang 1513 B.C.E. Yamang nagtapos noong tagsibol ng 997 B.C.E. ang 40 buong taon ng paghahari ni Solomon, tiyak na ang kaniyang unang taon ng paghahari ay nagsimula noong tagsibol ng 1037 B.C.E. (1 Hari 11:42) Ang 1 Hari 6:1, ay nagsasabi na sinimulang itayo ni Solomon ang bahay ni Jehova sa Jerusalem noong ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Ibig sabihin, tatlong buong taon at isang kumpletong buwan ng kaniyang paghahari ang natapos, at inaakay tayo sa Abril-Mayo ng 1034 B.C.E. bilang pasimula ng pagtatayo ng templo. Gayunman, ayon din sa kasulatang yaon, ito ang “ikaapat na raan at walumpung taon mula nang ang mga anak ni Israel ay lumabas sa Ehipto.” Muli, ang ika-480 ay bilang na ordinal, katumbas ng 479 kumpletong taon. Kaya kung idaragdag ang 479 sa 1034 ay makukuha ang petsang 1513 B.C.E. bilang taon ng paglabas ng Israel sa Ehipto. Ipinaliliwanag ng parapo 19 ng Aralin 2 na mula 1513 B.C.E., ang Abib (Nisan) ay magiging “unang buwan ng taon” para sa Israel (Exo. 12:2) at na bago nito ang taon ay nagpapasimula sa taglagas, sa buwan ng Tisri. Nagkokomento ang The New Schaff-Herzog Encyclopedia

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share