-
Aralin Bilang 4—Ang Bibliya at ang Kanon Nito“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
(Gawa 9:17, 18) o, gaya ni Lucas, sa pagpapatong ng kamay ng mga apostol. (Gawa 8:14-17) Natapos ang buong Kristiyanong Kasulatang Griyego noong maybisa pa ang pantanging mga kaloob ng espiritu.
26. (a) Ano ang tinatanggap natin bilang Salita ng Diyos, at bakit? (b) Papaano natin ipakikita ang pagpapahalaga sa Bibliya?
26 Dahil sa pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, May-kasi at Tagapag-ingat ng kaniyang Salita, nagtitiwala tayo na siya ang pumatnubay sa pagtitipon ng iba’t-ibang bahagi nito. Kaya buong-tiwala nating tinatanggap ang 27 aklat ng Kristiyanong Kasulatang Griyego at ang 39 ng Kasulatang Hebreo bilang iisang Bibliya, mula sa iisang May-akda, ang Diyos na Jehova. Ang kaniyang Salita na nasa 66 na aklat ay siya nating patnubay, at ang panlahatang pagkakasuwato at pagka-balanse ay patotoo ng pagiging-buo nito. Lahat ng kapurihan ay sa Diyos na Jehova, ang Maylikha ng walang-kaparis na aklat! Lubos tayong masasangkapan at aakayin sa landas ng buhay. Gamitin ito nang may-katalinuhan sa bawat pagkakataon.
-
-
Aralin Bilang 5—Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
Mga Pag-aaral sa Kinasihang Kasulatan at sa Kapaligiran Nito
Aralin Bilang 5—Ang Tekstong Hebreo ng Banal na Kasulatan
Kung papaanong ang Kasulatang Hebreo, bilang bahagi ng kinasihang Salita ng Diyos, ay kinopya, iningatan ang katapatan ng teksto, at pinarating hanggang sa ngayon.
1. (a) Papaano naiiba ang ‘mga salita ni Jehova’ sa ibang mga kayamanan sa nakalipas? (b) Anong mga tanong ang bumabangon kaugnay ng pag-iingat sa Salita ng Diyos?
ANG isinatitik na ‘mga salita ni Jehova’ ay maitutulad sa mga tubig ng katotohanan na naiipon sa isang kamangha-manghang balon ng kinasihang mga dokumento. Makapagpapasalamat tayo na sa buong panahon ng makalangit na pakikipagtalastasan, nilayon ni Jehova na ang “mga tubig” na ito ay matipong sama-sama bilang isang walang-pagkasaid na bukal ng nagbibigay-buhay na impormasyon! Ang ibang mga kayamanan sa nakalipas, gaya ng mga korona ng hari, mga mana mula sa ninuno, mga bantayog, ay pawang nagsikupas, nangapudpod, o nagsiguho sa paglipas ng panahon, ngunit ang tulad-kayamanang mga kasabihan ni Jehova ay mamamalagi magpakailanman. (Isa. 40:8) Ngunit, hindi kaya nadumhan ang mga tubig ng katotohanan matapos na ito ay mapunta sa balon. Hindi kaya ito nabantuan? Naisalin ba ito nang buong-katapatan mula sa mga teksto ng orihinal na lenguwahe anupat talagang mapanghahawakan ang taglay ngayon ng mga tao sa lahat ng wika? Kawili-wiling pag-aralan ang seksiyon ng balon na kilala bilang ang tekstong Hebreo, na pinapansin ang pag-iingat upang mapanatili ang kawastuan nito, sampu ng kamangha-manghang mga paglalaan na ginawa upang ito ay maparating at makamit ng lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga bersiyon at bagong salin.
2. Papaano naingatan ang kinasihang mga kasulatan hanggang noong panahon ni Ezra?
2 Ang orihinal na mga dokumento sa Hebreo at Aramaiko ay iniulat ng mga taong kalihim ng Diyos, mula kay Moises noong 1513 B.C.E. hanggang noong katatapos ang 443 B.C.E. Sa abot ng nalalaman, isa man sa orihinal na kasulatan ay hindi na umiiral ngayon. Gayunman, sa pasimula pa ay talagang tiniyak ang pag-iingat ng kinasihang mga kasulatan, sampu ng autorisadong mga kopya nito. Noong 642 B.C.E., sa panahon ni Josias, ang “mismong aklat ng kautusan” ni Moises, malamang na ito’y ang orihinal na kopya, ay nasumpungan sa bahay ni Jehova. Noo’y 871 taon na itong naiingatan. Gayon na lamang ang interes ni Jeremias sa pagkatuklas kung kaya ito ay iniulat niya sa 2 Hari 22:8-10, at noong 460 B.C.E., muling tinukoy ni Ezra ang pangyayari. (2 Cron. 34:14-18) Interesado siya rito, pagka’t siya’y “bihasang kalihim ng kautusan ni Moises na ibinigay ni Jehova na Diyos ng Israel.” (Ezra 7:6) Tiyak na masasangguni ni Ezra ang ibang balumbon ng Kasulatang Hebreo na naisulat hanggang noong panahon niya, pati na marahil ang ilang mga orihinal na kinasihang kasulatan. Oo, waring si Ezra noon ang naging tagapag-ingat ng banal na mga kasulatan.—Neh. 8:1, 2.
MAHALAGANG YUGTO NG PAGKOPYA NG MANUSKRITO
3. Anong pangangailangan ukol sa karagdagang kopya ng mga Kasulatan ang bumangon, at papaano ito natugunan?
3 Mula noong panahon ni Ezra, kinailangan ang maraming kopya ng Kasulatang Hebreo. Hindi lahat ng Judio ay bumalik sa Jerusalem at Palestina sa panahon ng pagsasauli noong 537 B.C.E. at pagkaraan nito. Sa halip, libu-libo ang nanatili sa Babilonya, samantalang ang iba ay nandayuhan upang mangalakal o sa iba pang dahilan, kaya napapunta sila sa malalaking sentro ng komersiyo ng sinaunang daigdig. Maraming Judio ang naglakbay taun-taon sa Jerusalem para sa iba’t-ibang kapistahan sa templo, at doo’y nakibahagi sila sa pagsamba na idinaos sa wikang Hebreo ng Bibliya. Noong panahon ni Ezra, ang mga Judio sa malalayong lupain ay gumamit ng lokal na mga dakong tipunan na tinawag na mga sinagoga, kung saan binabasa at tinatalakay ang Kasulatang Hebreo.a Dahil sa maraming kalat-kalat na dako ng pagsamba, kinailangan ng mga kalihim na gumawa ng maraming manuskritong sulat-kamay.
4. (a) Ano ang isang genizah, at papaano ito ginamit? (b) Ano ang mahalagang natuklasan sa isa sa mga ito noong ika-19 na siglo?
4 Sa mga sinagoga ay karaniwan nang may isang bodega na tinawag na genizah. Sa kalaunan, itinago ng mga Judio sa genizah ang mga manuskritong napunit o naluma na ng panahon, at hinalinhan ito ng mas bago upang magamit sa sinagoga. Sa pana-panahon, ang laman ng genizah ay pormal nilang ibinaon sa lupa, upang ang teksto—na naglalaman ng banal na pangalan ni Jehova—ay huwag malapastangan. Sa paglipas ng mga dantaon, libu-libong matatandang Hebreong manuskrito ng Bibliya ang naglaho sa paraang ito. Gayunman, ang punung-punong genizah ng sinagoga sa Matandang Cairo ay hindi dumanas ng ganitong pagtrato, marahil sapagkat ito ay pinaderan at nakalimutan hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Noong 1890, nang kinukumpuni ang sinagoga, muling sinuri ang mga laman ng genizah at ang mga kayamanan nito ay ipinagbili o iniabuloy. Mula rito, marami-rami ring buong manuskrito at libu-libong piraso (ang ilan di-umano ay mula pa noong ikaanim na siglo C.E.) ang nakarating sa Cambridge University Library at sa iba pang aklatan sa Europa at Amerika.
5. (a) Anong sinaunang mga manuskritong Hebreo ang naitala na ngayon, at gaano katanda ang mga ito? (b) Ano ang isinisiwalat ng pag-aaral ng mga ito?
5 Sa ngayon, sa iba’t-ibang aklatan sa daigdig, nabilang at naitala ang marahil ay 6,000 buo o pira-pirasong manuskrito ng Kasulatang Hebreo. Hindi pa natatagalan, walang manuskrito (maliban sa iilang piraso) ang mas matanda kaysa ikasampung siglo C.E. Noong 1947, sa kapaligiran ng Dagat na Patay, natuklasan ang isang balumbon ng aklat ni Isaias, at nang sumunod na mga taon lumitaw ang karagdagang mahahalagang balumbon ng Kasulatang Hebreo nang matuklasan sa mga yungib sa Dagat na Patay ang napakalaking kayamanan ng mga manuskrito na halos 1,900 taon nang nakatago. Ayon sa mga eksperto ang ilan dito ay mula sa huling mga siglo B.C.E. Ang masusing paghahambing sa humigit-kumulang 6,000 manuskrito ng Kasulatang Hebreo ay naglalaan ng matatag na saligan sa pagtiyak sa tekstong Hebreo at nagsisiwalat ng katapatan sa pagkopya nito.
ANG WIKANG HEBREO
6. (a) Ano ang maagang kasaysayan ng wikang Hebreo? (b) Bakit kuwalipikado si Moises na isulat ang Genesis?
6 Sa orihinal na anyo, ang tinutukoy ngayon na wikang Hebreo ay ang wikang ginamit ni Adan sa halamanan ng Eden. Kaya matatawag ito na wika ng tao. Ito ang wikang ginamit noong panahon ni Noe, taglay ang isang pinalawak na bokabularyo. Sa mas malawak pang anyo, ito ang saligang wika na nanatili nang guluhin ni Jehova ang lenguwahe ng tao sa Tore ng Babel. (Gen. 11:1, 7-9) Ang Hebreo ay kabilang sa Semitikong sanga ng mga wika, at ito ang pinaka-ulo ng pamilya. Waring nauugnay ito sa wika ng Canaan noong panahon ni Abraham, at mula sa Hebraikong sangay, nakabuo ang mga Cananeo ng sari-saring dayalekto. Sa Isaias 19:18 tinutukoy ito na “wika ng Canaan.” Naging iskolar si Moises noong panahon niya, bihasa hindi lamang sa karunungan ng mga Ehipsiyo kundi maging sa wikang Hebreo ng kaniyang mga ninuno. Kaya maaari niyang mabasa ang sinaunang mga dokumento na dumaan sa kaniyang kamay, at malamang na naging saligan ito para sa ibang impormasyon na isinulat niya sa aklat ng Bibliya na kilala ngayon bilang Genesis.
7. (a) Anong pagsulong sa Hebreo ang naganap nang maglaon? (b) Nagsilbing ano ang Hebreo ng Bibliya?
7 Nang maglaon, noong panahon ng mga haring Judio, ang Hebreo ay nakilala bilang “wika ng mga Judio.” (2 Hari 18:26, 28) Noong panahon ni Jesus, gumamit ang mga Judio ng mas bago at mas malawak na anyo ng Hebreo, at nang maglaon ito ay naging rabbinikong Hebreo. Gayunman, pansinin na sa Kristiyanong Kasulatang Griyego, ito pa rin ang tinutukoy na wikang “Hebreo,” at hindi ang Aramaiko. (Juan 5:2; 19:13, 17; Gawa 22:2; Apoc. 9:11) Buhat sa pasimula, ang Hebreo ng Bibliya ang bumibigkis na lenguwahe ng komunikasyon, nauunawaan ng karamihan ng mga saksi ni Jehova bago ang panahong Kristiyano at maging ng mga Kristiyanong saksi noong unang siglo.
8. Habang isinasaisip ang layunin ng mga Kasulatan, sa ano tayo tunay na makapagpapasalamat?
8 Ang mga Kasulatang Hebreo ay isang balon ng tulad-kristal na mga tubig ng katotohanan, na inihatid at tinipon sa ilalim ng pagkasi ng Diyos. Gayunman, yaon lamang mga nakakabasa ng Hebreo ang tuwirang nakinabang sa sagradong mga tubig na ito. Papaano makakasalok ng tubig ng katotohanan ang mga tao sa mga bansang may iba’t-ibang wika, upang makapagtamo ng patnubay at ginhawa para sa kaluluwa? (Apoc. 22:17) Ang tanging paraan ay ang pagsasalin ng Hebreo sa ibang wika upang mapalawak ang agos ng banal na katotohanan sa laksa-laksang sangkatauhan. Makapagpapasalamat tayo sa Diyos na Jehova sapagkat mula noong ikaapat o ikatlong siglo B.C.E. hanggang sa ngayon, ang mga bahagi ng Bibliya ay naisalin na sa mahigit na 1,900 wika. Napakalaking tulong nito sa lahat ng mga nahihilig sa katuwiran, na talagang nakasumpong ng “kagalakan” sa mayamang tubig na ito!—Awit 1:2; 37:3, 4.
9. (a) Anong pahintulot sa pagsasalin ang ibinibigay mismo ng Bibliya? (b) Anong mabuting layunin ang tinupad ng sinaunang mga salin sa Bibliya?
9 Ang Bibliya ba mismo ay nagpapahintulot o nagbibigay-karapatan sa pagsasalin ng teksto nito sa ibang wika? Talaga naman! Dapat matupad ang sinabi ng Diyos sa Israel, “Magalak, kayong mga bansa, kasama ng kaniyang bayan,” at ang makahulang utos ni Jesus sa mga Kristiyano, “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa.” Upang maganap ito, dapat isalin ang mga Kasulatan. Kung lilingunin ang halos 24 na siglo ng pagsasalin ng Bibliya, maliwanag na pinagpala ni Jehova ang gawaing ito. Isa pa, ang sinaunang mga salin ng Bibliya na naingatan sa anyong manuskrito ay tumitiyak din sa mataas na antas ng tekstuwal na katapatan ng Hebreong balon ng katotohanan.—Deut. 32:43; Mat. 24:14.
PINAKAMAAGANG NAISALING MGA BERSIYON
10. (a) Ano ang Samaritanong Pentateuko, at bakit kapaki-pakinabang ito ngayon? (b) Magbigay ng halimbawa ng paggamit ng Samaritanong Pentateuko sa New World Translation.
10 Ang Samaritanong Pentateuko. May napakaagang petsa, ang Samaritanong Pentateuko, gaya ng ibinabadya ng pangalan, ay ang unang limang aklat lamang ng Kasulatang Hebreo. Ito’y isang literal na pagsasalin ng tekstong Hebreo sa letrang Samaritano, na nabuo mula sa sinaunang titik Hebreo. Ito’y mahalagang giya sa tekstong Hebreo nang panahong yaon. Ang literal na saling ito ay ginawa ng mga Samaritano—mga inapo niyaong naiwan sa Samaria nang sakupin ang sampung-tribong kaharian ng Israel noong 740 B.C.E. at niyaong mga dinala ng mga taga-Asirya ng panahong yaon. Ang pagsamba ng Israel ay inilahok ng mga Samaritano sa pagsamba sa paganong mga diyos, at tinanggap nila ang Pentateuko. Di-umano ginawa nila ang saling ito noong ikaapat na siglo B.C.E., bagaman ayon sa ilang iskolar ito’y kasing-atrasado ng ikalawang siglo B.C.E. Kapag binabasa ang teksto, sabihin pa, Hebreo ang binibigkas nila. Bagaman ito ay may 6,000 pagbabago sa tekstong Hebreo, marami ay maliliit na detalye. Bihira sa umiiral na mga manuskrito ang mas matanda kaysa ika-13 siglo C.E. Ang mga talababa ng New World Translation ay gumagawa ng ilang pagtukoy sa Samaritanong Pentateuko.b
11. Ano ang mga Targum, at ano ang pakinabang dito kaugnay ng teksto ng Kasulatang Hebreo?
11 Ang mga Aramaikong Targum. Ang salitang Aramaiko para sa “interpretasyon” o “pagpapakahulugan” ay targum. Mula noong panahon ni Nehemias, Aramaiko ang karaniwang wika ng mga Judio sa teritoryo ng Persya, kaya ang pagbasa sa Kasulatang Hebreo ay kinailangang lakipan ng mga pagsasalin sa wikang yaon. Ang kasalukuyang anyo nito ay malamang na nabuo noon lamang ikalimang siglo C.E. Bagaman pahapyaw na pagpapakahulugan lamang ng tekstong Hebreo at hindi isang wastong salin, naglalaan ito ng mayamang impormasyon tungkol sa teksto at tumutulong sa pag-unawa sa ilang malalalim na talata. Ang mga talababa ng New World Translation ay malimit tumukoy sa mga Targum.c
12. Ano ang Septuagint, at bakit napakahalaga nito?
12 Ang Griyegong Septuagint. Ang pinakamahalaga sa mga sinaunang salin ng Kasulatang Hebreo, at unang aktuwal na nasusulat na salin mula sa Hebreo, ay ang Griyegong Septuagint (nangangahulugang, “Pitumpu”). Ayon sa tradisyon, sinimulan ito noong 280 B.C.E. ng 72 Judiong iskolar sa Aleksandriya, Ehipto. Nang maglaon ay nauso ang bilang na 70, kaya ang salin ay tinawag na Septuagint. Malamang na ito ay natapos noong ikalawang siglo B.C.E. Ito’y naging Kasulatan ng mga Judiong nagsasalita ng Griyego at ginamit nang malawakan hanggang noong panahon ni Jesus at ng mga apostol. Sa Septuagint nasasalig ang karamihan sa 320 tuwirang pagsipi at ang pinagsamang kabuuan ng marahil ay 890 pagsipi at pagtukoy ng Kristiyanong Kasulatang Griyego sa Kasulatang Hebreo.
13. Anong mahahalagang bahagi ng Septuagint ang naingatan hanggang ngayon, at ano ang halaga ng mga ito?
13 Sa ngayon posibleng masuri ang marami-raming bahagi ng Septuagint na nasusulat sa papiro. Mahalaga ang mga ito pagkat mula ito sa sinaunang panahong Kristiyano, at bagaman malimit ay iilang talata o kabanata lamang, tumutulong ito sa pag-unawa sa teksto ng Septuagint. Ang koleksiyong Fouad Papyri (Inventory No. 266) ay natuklasan sa Ehipto noong 1939 at inaakalang mula sa unang siglo B.C.E. May mga bahagi ito ng Genesis at Deuteronomio. Sa mga bahaging may Genesis, hindi lumilitaw ang banal na pangalan dahil sa hindi ito naingatan nang buo. Gayunman, sa Deuteronomio,
-