Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aralin Bilang 6—Ang Kristiyanong Tekstong Griyego ng Banal na Kasulatan
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • agwat sa pagitan ng orihinal na mga kasulatan at ng pinakamaagang umiiral na mga manuskrito, at ang mga pagkakaiba sa pagkasulat, bagaman kapansin-pansin, ay hindi nakakaapekto sa saligang mga doktrina ng pananampalatayang Kristiyano.” Gaya ng makikita sa pahina 309 sa chart na “Mga Saligan para sa Teksto ng New World Translation​—Kristiyanong Kasulatang Griyego,” lahat ng magkakaugnay na dokumento ay sinangguni upang maglaan ng isang wasto-ang-pagkasaling teksto sa Ingles. Ang tapat na mga pagsasaling ito ay inaalalayan ng mahahalagang talababa. Sa paglalathala ng napakainam na salin, ginamit ng New World Bible Translation Committee ang pinakamahuhusay na resulta ng pagsusuri ng Bibliya sa paglipas ng mga dantaon. Makapagtitiwala tayo na ang Kristiyanong Kasulatang Griyego, gaya ng taglay natin ngayon, ay naglalaman nga ng “uliran ng mga salitang magagaling” na isinulat ng kinasihang mga alagad ni Jesu-Kristo. Nawa’y patuloy tayong makapanghawakan sa mahahalagang salitang ito, sa pananampalataya at sa pag-ibig!​—2 Tim. 1:13.

      32. Bakit pinag-ukulan ng malawak na pansin ang mga manuskrito at teksto ng Banal na Kasulatan, at ano ang kasiya-siyang resulta nito?

      32 Ang araling ito at ang sinundan ay kapuwa tumalakay sa mga manuskrito at teksto ng Banal na Kasulatan. Bakit pinag-ukulan ito ng malawak na pansin? Upang ipakita nang walang pag-aalinlangan na ang mga teksto ng mga Kasulatang Hebreo at Griyego ay walang pinag-iba sa tunay, orihinal na teksto na ipinasulat ni Jehova sa tapat na kinasihang mga lalaki noong una. Ang orihinal na mga kasulatang yaon ay kinasihan. Ang mga tagakopya, bagaman dalubhasa, ay hindi kinasihan. (Awit 45:1; 2 Ped. 1:20, 21; 3:16) Kaya kinailangang salain ang napakalawak na balon ng mga manuskrito upang malinaw at walang-pagkakamaling makilala ang dalisay na tubig ng katotohanan gaya nang una itong umagos mula sa Dakilang Bukal, si Jehova. Lahat ng pasasalamat ay iukol kay Jehova dahil sa kamangha-manghang kaloob ng kaniyang Salita, ang kinasihang Bibliya, at ang nakagiginhawang mensahe ng Kaharian na umaagos mula sa mga pahina nito!

  • Aralin Bilang 7—Ang Bibliya sa Makabagong Panahon
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Mga Pag-aaral sa Kinasihang Kasulatan at sa Kapaligiran Nito

      Aralin Bilang 7​—Ang Bibliya sa Makabagong Panahon

      Ang kasaysayan ng mga Bible society; ang gawain ng Samahang Watch Tower na paglilimbag at paglalathala ng mga Bibliya; ang paglalabas ng New World Translation.

      1. (a) Sa anong layunin ibinigay ang banal na mga kapahayagan, at bakit hindi isinulat ang ilan sa mga ito? (b) Anong tuwirang utos ang ibinigay ni Jehova sa maraming propeta, at ano ang pakinabang nito sa “mga huling araw”?

      ANG Banal na Kasulatan, ang 66 na kinasihang mga aklat na kilala ngayon bilang ang Bibliya, ay ang nasusulat na “salita ni Jehova.” (Isa. 66:5) Sa loob ng maraming dantaon, ang “salita[ng]” ito ay saganang umagos mula kay Jehova tungo sa mga propeta at mga lingkod niya sa lupa. Tinupad ng banal na mga kapahayagan ang talagang layunin ng mga ito at naglaan din ng maningning na mga banaag ng mga pangyayaring magaganap sa malapit na hinaharap. Hindi hiniling sa mga propeta ng Diyos na laging isulat ang bawat “salita ni Jehova” na dumating sa kanila. Halimbawa, ang ilan sa mga sinabi nina Elias at Eliseo para sa kanilang lahi ay hindi napasulat. Sa kabilang dako, sina propeta Moises, Isaias, Jeremias, Habacuc, at iba pa ay tuwirang inutusan na “isulat” o ‘iulat sa isang aklat o balumbon’ “ang salita ni Jehova.” (Exo. 17:14; Isa. 30:8; Jer. 30:2; Hab. 2:2; Apoc. 1:11) Kaya naingatan “ang mga salitang sinabi nang una ng mga banal na propeta,” sampu ng iba pang banal na mga kasulatan, upang pukawin ang isipan ng mga lingkod ni Jehova at lalo na upang maging patnubay sa “mga huling araw.”​—2 Ped. 3:1-3.

      2. Anong mga yugto sa kasaysayan ang nakilala sa pagbilis ng pagkopya at pagsasalin ng Bibliya?

      2 Ang maramihang pagkopya ng kinasihang Kasulatang Hebreo ay nagsimula noong panahon ni Ezra. Buhat noong unang siglo ng Pangkalahatang Panahon, ang Bibliya ay paulit-ulit na kinopya ng sinaunang mga Kristiyano at ginamit sa pagpapatotoo sa mga layunin ni Jehova kaugnay ni Kristo sa nasasakupan ng sinaunang sanlibutan. Nang mauso ang pag-iimprenta sa tulong ng naililipat na tipo (mula ika-15 siglo), bumilis ang pagpaparami at pamamahagi ng mga kopya ng Bibliya. Ang kalakhan ng pagsasalin at paglilimbag ay ginawa ng mga pribadong grupo noong ika-16 at ika-17 siglo. Sing-aga ng 1800, ang Bibliya ay lumitaw nang buo o baha-bahagi sa 71 wika.

      MGA “BIBLE SOCIETIES”

      3. Anong salik ang nagpabilis sa pamamahagi ng Bibliya buhat nang pasimula ng ika-19 na siglo?

      3 Lalo itong bumilis noong ika-19 at ika-20 siglo, nang ang bagong-katatatag na mga Bible society ay makibahagi sa dambuhalang gawain ng pamamahagi ng Bibliya. Ang isa sa pinaka-maaga ay ang British and Foreign Bible Society, na inorganisa sa Londres noong 1804. Umakay ito sa pagtatatag ng marami pang gayong mga samahan.a

      4. (a) Anong mga estadistika ang nagpapatotoo na ang salita ng buhay ay tunay ngang lumaganap sa lupa? (b) Anong nakatutulong na impormasyon ang inilalaan ng chart sa pahina 322 tungkol sa iba’t-ibang salin ng Bibliya? Ilarawan ito sa pamamagitan ng isang espesipikong salin ng Bibliya.

      4 Sa dami ng mga Bible society, lumaganap ang pamamahagi ng Bibliya. Pagsapit ng 1900, ang Bibliya ay lumitaw nang buo o baha-bahagi sa 567 wika, at noong 1928, sa 856 wika. Pagsapit ng 1938 ay nalampasan ang unang isang libo, at ngayon ito ay mababasa sa mahigit 1,900 wika. Buong lupa ay natakpan na ng nakagiginhawang salita ng buhay mula kay Jehova! Maaari nang tumugon ang mga tao sa lahat ng bansa sa panawagang: “Purihin si Jehova, kayong mga bansa, at hayaang ang lahat ay pumuri sa kaniya.” (Roma 15:11) Ang chart sa pahina 322, “Ilang Pangunahing Salin ng Bibliya sa Pitong Prinsipal na Wika,” ay may karagdagang impormasyon sa makabagong-panahong pamamahagi ng Bibliya.

      5. Ano ang higit na mahalaga kaysa pamamahagi ng Bibliya, ngunit sa ano nagpapasalamat ang mga Saksi ni Jehova?

      5 Bagaman kapuri-puri ang pagpapaabot ng Bibliya sa napakaraming tao sa lupa, mas mahalaga ang paggamit nito upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang Bibliya. Noong kapanahunan ng mga Judio at sinaunang Kristiyano, nang kakaunti pa ang Bibliya, naging mahalaga ang paghahatid sa “kahulugan” ng salita, at ito pa rin ang pinakamahalaga sa lahat. (Mat. 13:23; Neh. 8:8) Gayunman, ang pagtuturo ng Salita ng Diyos sa mga tao ay pinabilis ng malawak na pamamahagi ng Bibliya. Habang ipinagpapatuloy ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pangglobong-gawain ng pagtuturo ng Bibliya, nagpapasalamat sila na milyun-milyong Bibliya ang makukuha ngayon sa maraming lupain at wika.

      MGA SAKSI NI JEHOVA BILANG MGA TAGAPAGLATHALA NG BIBLIYA

      6. Nakilala ang mga Saksi ni Jehova ngayon dahil sa anong gawain na kagaya noong sinaunang panahon?

      6 Ang mga Saksi ni Jehova ay mga tagapaglathala ng Bibliya. Ganito rin noong panahon ni Ezra. At maging noong panahon ng sinaunang mga alagad ni Jesu-Kristo, na pumunô sa sinaunang daigdig ng kanilang mga sulat-kamay na kopya ng Bibliya anupat ang mayaman nilang pamana ng mga kasulatang manuskrito ay higit kaysa alinmang sinaunang babasahin. Sa makabagong panahon, nakilala ang mga Saksi ni Jehova sa ganito ring masigasig na paglalathala ng Bibliya.

      7. Anong korporasyon ang itinatag ng mga Saksi ni Jehova? kailan? at papaano nila pinasulong ang kanilang ministeryo nang panahong yaon?

      7 Noong 1884 itinatag ng mga Saksi ni Jehova ang isang korporasyon sa paglalathala ng Bibliya, ang korporasyong kilala ngayon bilang ang Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Sa pasimula, ang mga Saksi ay bumili ng mga Bibliya sa ibang Bible society para may maipamahagi sila, samantalang pinasusulong ang bahay-bahay na ministeryo na nagtatangi sa kanila. Ginamit nila ang Ingles na King James Version ng 1611 bilang saligang bersiyon sa pag-aaral ng Bibliya.

      8. (a) Papaano naging tapat ang Watch Tower Bible and Tract Society sa pangalan nito? (b) Papaano pinakinabangan ng Samahan ang maraming mga salin ng Bibliya, at ano ang resulta?

      8 Tapat sa pangalan, naging abalá ang Watch Tower Bible and Tract Society sa pamamahagi ng mga Bibliya, sampu ng paglalathala ng mga aklat, pulyeto, at iba pang babasahing Kristiyano. Layunin nito na ituro nang wasto ang Salita ng Diyos. Ang pagtuturo nila ng Bibliya ay tumulong sa mga umiibig sa katuwiran na kumalas sa tradisyon ng huwad na relihiyon at makasanlibutang pilosopiya at bumaling sa kalayaan ng katotohanan ng Bibliya na ipinahayag ni Jesus at ng iba pang tapat na tagapagsalita ni Jehova. (Juan 8:31, 32) Mula nang ilathala ang magasing The Watchtower noong 1879, ang mga publikasyon ng Samahang Watch Tower ay sumipi, bumanggit, at tumukoy sa napakaraming iba’t-ibang salin ng Bibliya. Kinikilala ng Samahan ang halaga ng mga ito at pinakinabangan ang mabubuting katangian ng mga ito bilang mahalagang tulong sa pagpawi ng relihiyosong kalituhan at sa paghaharap ng mensahe ng Diyos.

      9. Papaano pinasok ng Samahan ang larangan ng paglalathala ng Bibliya?

      9 Mga Bibliya nina Rotherham at Holman. Noong 1896, sa tulong ng Samahang Watch Tower, tuwirang pinasok ng mga Saksi ni Jehova ang larangan ng paglalathala at pamamahagi ng Bibliya. Nang taóng yaon ang karapatan sa paglalathala sa Estados Unidos ng nirebisang ikalabindalawang edisyon ng Bagong Tipan ay nakamit nila mula sa Ingles na tagapagsalin ng Bibliya na si Joseph B. Rotherham. Sa pahinang nagsasaad ng pamagat, ay lumitaw ang pangalang Watch Tower Bible and Tract Society, Allegheny, Pennsylvania, pagkat noo’y naroon ang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share