-
Aralin Bilang 10—Ang Bibliya—Tunay at Totoo“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
Jer. 9:24 “Ang nagmamapuri, kay 1 Cor. 1:31;
Jehova magmapuri” 2 Cor. 10:17
Jer. 31:31-34 Gagawa ang Diyos ng Heb. 8:8-12;
bagong tipan Heb 10:16, 17
Dan. 9:27; “Ang kasuklam-suklam na Mat. 24:15
Dan 11:31 bagay na nagwawasak”
Ose. 1:10; Ang mga Gentil magiging Roma 9:24-26
Ose 2:23 bayan din ng Diyos
Ose. 6:6 “Nais ko ng awa, hindi Mat. 9:13; 12:7
ang hain”
Ose. 13:14 “Kamatayan, nasaan ang 1 Cor. 15:54, 55
iyong tibo?”
Joel 2:28-32 “Lahat ng tumatawag sa Gawa 2:17-21;
pangalan ni Jehova maliligtas” Roma 10:13
Amos 9:11, 12 Ibabangon ng Diyos ang tolda Gawa 15:16-18
ni David
Hab. 1:5 “Tingnan ninyo, mga manunuya, Gawa 13:40, 41
at manggilalas”
Hab. 2:4 “Ang matuwid mabubuhay sa Heb. 10:38;
pananampalataya” Roma 1:17
Hag. 2:6 Mayayanig ang langit at lupa Heb. 12:26, 27
Mal. 1:2, 3 Minahal si Jacob, kinapootan Roma 9:13
si Esau
-
-
Ang Kinasihang Kasulatan ay May Walang-Hanggang Pakinabang“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
Mga Pag-aaral sa Kinasihang Kasulatan at sa Kapaligiran Nito
Ang Kinasihang Kasulatan ay May Walang-Hanggang Pakinabang
1. Anong maluwalhating pangitain ang naimulat sa ating mga mata ng pagrerepaso ng “lahat ng Kasulatan”?
ANG pagrerepaso ng “lahat ng Kasulatan [na] kinasihan ng Diyos” ay nagmulat sa ating mga mata sa maluwalhating pangitain ng soberanya ni Jehova at sa layunin ng kaniyang Kaharian. Nalaman natin na ang Bibliya ay iisang Aklat, na may isang makapangyarihang tema—ang pagbabangong-puri ng soberanya ni Jehova at ang lubusang katuparan ng layunin niya sa lupa sa pamamagitan ng Kaharian sa ilalim ni Kristo, ang Ipinangakong Binhi. Mula sa unang mga pahina, ang iisang temang ito ay binubuo at ipinaliliwanag ng mga kasunod na kasulatan, hanggang, sa huling mga kabanata, ay nagliliwanag ang maluwalhating katuparan ng dakilang layunin ng Diyos. Kamangha- manghang aklat ang Bibliya! Pasimula sa kagila-gilalas na paglalang sa materyal na langit at lupa sampu ng mga nilikhang narito, ito ay naghaharap ng iisang kinasihan at tunay na ulat ng pakikitungo ng Diyos sa tao hanggang sa ating panahon at inihahatid tayo sa ganap na katuparan ng maluwalhating paglalang ni Jehova ng “isang bagong langit at isang bagong lupa.” (Apoc. 21:1) Kapag natupad ang dakila niyang layunin, makikilala ang Diyos na Jehova bilang mabait na Ama ng maligaya at nagkakaisang sambahayan ng tao, kaisa ng makalangit na mga hukbo sa pagpuri at pagbanal sa kaniyang pangalan.
2, 3. Papaano nabuo sa Kasulatan ang tema tungkol sa Binhi?
2 Kamangha-mangha ang pagbuo ng Kasulatan sa temang nagsasangkot sa Binhi! Sa unang kinasihang hula, nangako ang Diyos na ang ‘binhi ng babae’ ang dudurog sa ulo ng ahas. (Gen. 3:15) Mahigit na 2,000 taon ang lumipas, sinabi ng Diyos sa tapat na si Abraham: “Sa pamamagitan ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng mga bansa sa lupa ang kanilang sarili.” Pagkaraan pa ng 800 taon, nagbitiw si Jehova ng gayon ding pangako sa isang inapo ni Abraham, ang tapat na si Haring David, upang ipakita na ang Binhi ay maka-hari. Sa paglipas ng panahon, masiglang nakiisa ang mga propeta ni Jehova sa paghula sa mga pagpapala ng Kaharian. (Gen. 22:18; 2 Sam. 7:12, 16; Isa. 9:6, 7; Dan. 2:44; 7:13, 14) Lumitaw ang Binhi, mahigit 4,000 taon pagkaraan ng pangako sa Eden. Siya, ang ‘binhi ni Abraham, si Jesu-Kristo, “Anak ng Kataas-taasan,” at sa kaniya ipagkakaloob ni Jehova “ang luklukan ni David na kaniyang ama.”— Gal. 3:16; Luc. 1:31-33.
3 Bagaman namatay ang Binhi, ang pinahirang Hari, mula sa pagsugat ng makalupang binhi ng Ahas, ibinangon siya ng Diyos at dinakila sa Kaniyang kanang kamay, upang hintayin ang nakatakdang ‘pagdurog sa ulo ni Satanas.’ (Gen. 3:15; Heb. 10:13; Roma 16:20) Sa Apocalipsis ay inihahatid ang buong pangitain sa maluwalhating kasukdulan nito. Papasok si Kristo sa Kaharian at mula sa langit ay ihahagis sa lupa “ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas.” Sandali itong magdudulot ng kaabahan sa lupa at makikipagdigma sa ‘mga nalabi ng binhi ng babae ng Diyos.’ Ngunit bilang “Hari ng mga hari” ay hahampasin ni Kristo ang mga bansa. Ibubulid sa kalaliman si Satanas, ang matandang Ahas, upang lipulin magpakailanman. Samantala, sa pamamagitan ng Bagong Jerusalem, ang kasintahan ng Kordero, pararatingin ang mga pakinabang ng hain ni Kristo upang pagpalain ang lahat ng sambahayan sa lupa. Gayon buong karingalang mahahayag ang maluwalhating tema ng kinasihang Kasulatan!—Apoc. 11:15; 12:1-12, 17; 19:11-16; 20:1-3, 7-10; 21:1-5, 9; 22:3-5.
PAKIKINABANG SA KINASIHANG ULAT
4. Papaano makakamit ang pinakamalaking pakinabang mula sa Banal na Kasulatan, at bakit?
4 Papaano lubos na pakikinabangan ang Banal na Kasulatan? Sa pagkakapit ng Bibliya sa ating buhay. Sa araw-araw na pag-aaral at pagkakapit ng kinasihang Kasulatan, mapapasa-atin ang patnubay ng Diyos. “Ang salita ng Diyos ay buháy at makapangyarihan,” at ito’y kamangha-manghang puwersa sa ikatutuwid ng ating buhay. (Heb. 4:12) Sa patuloy na pag-aaral at pagsunod sa Salita ng Diyos, maaari tayong “magbihis ng bagong pagkatao na nilikha ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at katapatan.” Babaguhin tayo ng puwersang nagpapakilos sa isipan, upang mapatunayan natin “ang mabuti at kalugud-lugod at sakdal na kalooban ng Diyos.”—Efe. 4:23, 24; Roma 12:2.
5. Ano ang matututuhan mula sa saloobin at halimbawa ni Moises?
5 Malaki ang matututuhan sa pag-alam kung papaano nakinabang ang ibang tapat na lingkod ng Diyos sa pag-aaral at pagbubulay ng Kaniyang Salita. Halimbawa, nariyan si Moises, ‘pinakamaamo sa lahat ng tao,’ na laging handang maturuan at matuto. (Bil. 12:3) Tularan ang kaniyang may-panalanging pagpapahalaga sa soberanya ni Jehova. Si Moises ang nagsabi: “O Jehova, ikaw ay naging tahanang-dako namin sa lahat ng mga sali’t-saling lahi. Bago nalabas ang mga bundok, o bago mo iniluwal sa kirot ng panganganak ang lupa at ang mabungang lupain, mula sa panahong walang-takda hanggang sa panahong walang-takda ikaw ang Diyos.” Lubos ang kabatiran niya sa karunungan ng Diyos, pagkat ginamit siya ni Jehova sa pagsulat ng unang mga aklat ng Bibliya. Naunawaan niya ang halaga ng araw-araw na paghingi ng karunungan kay Jehova. Kaya, nanalangin siya sa Diyos: “Turuan mo kami kung papaano bibilangin ang aming mga araw upang kami’y magkaroon ng pusong may karunungan.” Yamang kakaunti “ang mga kaarawan ng ating mga taon,” 70 lamang, o 80 kung may “pantanging kalakasan,” matalino tayo kung araw-araw nating pagsasaluhan ang kaniyang Salita, pagkat sa ganito’y “mapapasa-atin” ang “kaluguran ni Jehovang ating Diyos,” gaya ng sa tapat niyang lingkod na si Moises.—Awit 90:1, 2, 10, 12, 17.
6. Tulad ni Josue, papaano magtatagumpay ang ating lakad?
6 Napakahalaga ang araw-araw na pagbubulay sa Salita ng Diyos! Niliwanag ito ni Jehova sa kahalili ni Moises, si Josue, nang sabihin niya: “Magpakalakas ka at magpakatapang upang iyong magawa ang ayon sa lahat ng kautusan na iniutos sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag kang lilihis sa kanan o sa kaliwa, upang makakilos ka nang may kapantasan saan ka man pumaroon. Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong magawa ang ayon sa lahat ng nasusulat dito; kung magkagayo’y pagtatagumpayin mo ang iyong lakad at kikilos ka nang may katalinuhan.” Ang patuloy bang pagbabasa ni Josue sa Kautusan ni Jehova ay ‘nagdulot ng tagumpay sa kaniyang lakad’? Ang pagpapala ni Jehova sa kaniyang magiting na kampanya sa Canaan ang sumasagot.—Jos. 1:7, 8; 12:7-24.
7. Papaano ipinahayag ni David ang pagpapahalaga sa karunungan ng Diyos, at papaano rin ipinapahayag ng Awit 119 ang pagpapahalagang ito?
7 Tandaan din ang minamahal na si David, na labis na nagpahalaga sa karunungan ni Jehova. Taos-puso siyang nagpahalaga sa “kautusan,” “paalaala,” “tuntunin,” “utos,” at “kahatulan” ni Jehova! Gaya ng sinabi ni David: “Higit itong nanasain kaysa ginto, oo, higit pa sa dinalisay na ginto; at matamis pa sa pulot na tumutulo mula sa pukyutan.” (Awit 19:7-10) Makabagbag-damdamin ang kagandahan ng pagpapalawak at pag-ulit ng maringal na temang ito sa buong Awit 119. Habang araw-araw na pinag-aaralan ang Salita ng Diyos at nanghahawakan sa matalinong payo nito, nawa’y lagi nating masabi kay Jehova: “Ang salita mo’y ilawan sa aking paa, at liwanag sa aking landas. Kamangha-mangha ang iyong mga paalaala. Kaya’t ang mga ito’y iniingatan ng aking kaluluwa.”—Awit 119:105, 129.
8. Anong mga kawikaan ni Solomon ang dapat nating ariin para sa sarili?
8 Noong siya’y tapat pa, namuhay rin si Solomon na anak ni David ayon sa Salita ng Diyos, at sa mga kawikaan niya ay mababasa ang nagpapakilos na mga kapahayagan ng pagpapahalaga na karapat-dapat tularan. Sa araw-araw na pagbabasa at pagkakapit ng Bibliya, masasakyan natin ang malalim na kahulugan ng mga salita ni Solomon: “Maligaya ang nakakasumpong ng karunungan, at ang nagtatamo ng kaunawaan. Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya; sa kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang mga daan nito ay daan ng kaligayahan, at lahat ng mga landas nito ay kapayapaan. Ito’y punongkahoy ng buhay sa mga nanghahawakan dito, at ang mga nananatili rito ay tatawaging maligaya.” (Kaw. 3:13, 16-18) Ang araw-araw na pag-aaral at pagtalima sa Salita ng Diyos ay umaakay sa pinakamalaking kaligayahan ngayon, at
-