Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Magulang—Paano Ninyo ‘Mapatitibay’ ang Inyong Tahanan?
    Ang Bantayan—1986 | Nobyembre 1
    • (Ihambing ang Eclesiastes 7:7a.) Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng malapitang komunikasyon sa iyong anak mauunawaan mo ang tunay na problema at mauunawaan mo ang pinakamagaling na paraan ng pagtulong.

      13. (a) Ano ang mga ilang hadlang sa komunikasyon o pakikipagtalastasan? (b) Bakit kailangang patuloy na ikapit ng mga magulang ang Kawikaan 20:5? Magbigay ng halimbawa.

      13 Ang pagsasalita tungkol sa kanilang ikinababahala ay mahirap para sa maraming kabataan. Kung gayon, pagka nagsimulang nagsalita na ang iyong anak, iwasan ang di-iniisip na mga pananalita na nakakasakit, tulad halimbawa ng: ‘Iyan ba lamang? Ang akala ko’y importante iyon.’ ‘Ang mahirap sa iyo ay . . . ’ ‘Ano’t nagagawa mo ito sa akin?’ ‘Ngayon, ano ang inaasahan mo? Ikaw ay isang bata lamang anuman ang mangyari.’ (Kawikaan 12:18) Kung minsan ang isang kabataan ay nangangailangan ng kaunting pagsusuri, lalo na kung siya ay may isang problemang sensitibo. “Ang lalaki [o, babae] na may unawa” ay patuloy na magsisikap na ‘igibin’ ang gayong damdamin. (Kawikaan 20:5) Nasumpungan ng isang Kristiyanong mag-asawa na ang kanilang anak na babae ay umuurong ng pakikibahagi sa mga gawain ng pamilya. Ang mga magulang ay nagsuri subalit walang naibunga. Sila’y nagpatuloy ng paggawa ng gayon. “Sa wakas, isang araw ako ay naupo sa gilid ng kama sa tabi niya, ipinatong ko ang aking baraso sa kaniyang balikat, at itinanong kong muli kung ano baga ang problema,” ang sabi ng ina. “Lumuluha na sinabi niya sa akin na kami raw at ang mga iba pa ay lumalayo sa kaniya, kaya naman siya ay lumalayo rin. Ang unang naisip ko ay sabihin, ‘Walang-walang katotohanan iyan,’ ngunit nagpigil ako at nakinig na lamang ako habang ibinubuhos niya ang laman ng kaniyang dibdib.” Siniguro sa kaniya ng mga magulang na siya’y kanilang mahal na mahal at pagkatapos ay talagang ipinadama nila sa kaniya na siya ay maging palagay sa loob ng pamilya. Kaniyang napagtagumpayan ang problema at ngayon ay naglilingkod bilang isang maligayang buong-panahong ebanghelisador.

      14. Bakit ang pagkakaroon ng isang pamilya na malapit sa isa’t isa ay hindi sapat?

      14 Ang pagtatayo ng isang pamilyang may matalik na relasyon sa isa’t isa ay mahalaga, at kahit mga makasanlibutang pamilya ay nakagawa niyan. Higit pa ang kailangan para magtayo ng isang pamilya na palaisip sa espirituwalidad at nananatiling malapit kay Jehova at nagkakaisa sa kaniyang Salita. Higit pa ang kailangan kaysa pagiging malapit lamang sa iyong mga anak.

      Pagpapatibay sa Kaalaman

      15. Anong uri ng kaalaman ang mahalaga, at bakit?

      15 “Sa pamamagitan ng kaalaman ay napupunô ang mga silid ng lahat ng mahalaga at kanais-nais na mga kayamanan.” (Kawikaan 24:4) At ang mga kayamanang ito ay hindi materyal na mga kayamanan kundi kasali rito ang espirituwal na seguridad, mapagsakripisyong pag-ibig, pagkatakot sa Diyos, at pananampalataya na salig sa kaalaman sa Diyos. Ang mga ito’y lumilikha ng isang mayamang buhay pampamilya. (Kawikaan 2:5; 15:16, 17; 1 Pedro 1:7) Ang kaalamang ito ay magbibigay sa mga anak ng panloob na lakas upang kanilang madaig ang mga taktika ni Satanas, maging iyon mang mga tusong pamamaraan, sapagkat ang Kawikaan 24:5 ay nagsasabi: “Ang pantas ng tao ay malakas, at ang taong may kaalaman ay lumalago ang kapangyarihan.” Kailangang ikintal mo ang gayong kaalaman sa kanilang puso.​—Deuteronomio 6:6, 7; 1 Juan 2:14.

      16. (a) Ano ang kailangan upang ang kaalaman sa Diyos ay maikintal sa puso ng iyong anak? (b) Upang talagang makinabang ang mga anak, ano ang kinakailangan?

      16 Isa sa pinakamainam na tulong para maikintal ang Salita ng Diyos sa puso ng iyong mga anak ay ang pagdaraos ng isang regular na pampamilyang pag-aaral na tumutulong sa kanila upang gawing kanilang sarili ang katotohanan. “Ang pampamilyang pag-aaral ang nagtatayo ng tamang kapaligiran, upang ang isip ng iyong anak ay tumanggap ng turo,” ang paliwanag ng isang matagumpay na magulang na may apat na anak. Kaniyang sinabi pa: “Pagka iyong sinimulan na ituwid ang mga anak, ikaw ay kusang nagkakaroon ng isang ‘nagagalit na mga tagapakinig.’ Ngunit kung iyong tatalakayin ang materyal sa panahon na walang nagagalit, tulad kung may pampamilyang pag-aaral, lalong malaki ang tsansa na makalusot ang mga punto na ibig mong ipaalam sa kanila.” Subalit upang talagang makinabang ang mga anak, kailangang tularan mo si apostol Pablo, na sumulat: “Nananabik akong makita ko kayo, upang ako’y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu upang kayo’y tumibay.” (Roma 1:11) Ang kaloob o regalo ay lalo nang pinahahalagahan pagka iyon ay isang bagay na magagamit ng niregaluhan at na talagang may halaga sa kaniya. Palabasin mo buhat sa materyal ang isang bagay na pumupukaw sa bata.

      17. (a) Ano ang tutulong upang ang isang pampamilyang pag-aaral ay maging kapuwa interesante at nakapagtuturo? (b) Ikaw ba ay may karagdagang maimumungkahi?

      17 Titiyakin ng mga magulang na lahat sa pamilya ay nakakaalam ng oras ng pag-aaral, pati na kung anong materyal ang pag-aaralan. Ang mga iba’y gumagamit ng biswal na mga pantulong, tulad halimbawa ng mga mapa at mga tsart, upang lalong magliwanag ang materyal. Ang ibang mga magulang naman ay nagsisilbi ng mga inumin o pampalamig bago o pagkatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ng pag-aaral maaari nilang pag-usapan ang mga problema sa araw na iyon o sa loob ng sanlinggo. (Tingnan ang kalakip na kahon para sa karagdagang mga mungkahi.) Higit sa lahat, gawing regular ang pag-aaral na ito! Maraming mga magulang ang kailangang magpagal upang makapaglaan ng pagkain at tirahan para sa kanilang mga anak, ngunit lalo pang mahalaga na sila’y paglaanan ng “dalisay na gatas ng salita, upang sa pamamagitan nito [ang ating mga anak] ay lumaki tungo sa kaligtasan.”​—1 Pedro 2:2; Juan 17:3.

      18. Ano ang tutulong upang ‘mapatibay’ ang iyong tahanan?

      18 Ang pagtatayo ng isang pamilyang matatag ang espirituwalidad ay nangangailangan ng kasanayan at panahon. Maging disidido na paunlarin ang kinakailangang mga kasanayan sa komunikasyon upang manatiling may malapit na kaugnayan sa iyong mga anak. Huwag payagan ang anuman upang makahadlang sa iyo sa paggugol ng kinakailangang panahon para palakasin ang iyong pamilya sa pamamagitan ng karunungan, unawa, at kaalaman. Ipanalangin mo ang iyong mga anak at manalangin kang kasama nila, sa pagkaalam na tanging si Jehova ang magdadala sa iyo ng tagumpay sa iyong pagsisikap na ‘mapatibay’ ang iyong tahanan.​—Awit 127:1.

  • Mga Problema sa Pamilya Nalulutas sa Tulong ng Payo ng Bibliya
    Ang Bantayan—1986 | Nobyembre 1
    • Mga Problema sa Pamilya Nalulutas sa Tulong ng Payo ng Bibliya

      1, 2. (a) Ano ang mga ilang dahilan ng pagkakaroon ng watak-watak na mga pamilya? (b) Bakit ang mga problema ng mga nasa watak-watak na pamilya ay dapat na makabahala sa lahat? (1 Corinto 12:26)

      “ANG [pinipili ng] mga asawang babae ay diborsiyo, ang mga anak ay ang mawalan ng mana, . . . imbis na tumalikod kay Kristo,” ang isinulat ni Arnobius, isang nag-aangking Kristiyano noong ikaapat na siglo.a Oo, kahit na noon pa ay mahigpit na pananalansang relihiyoso ng mga di-sumasampalataya ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga pamilya. Sinabi ni Jesus na yaong may “higit na pag-ibig” sa mga miyembro ng pamilya kaysa sa kaniya ay hindi karapat-dapat sa kaniya. Kaya, magkakaroon ng isang “tabak” na magiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng ilang mga sambahayan, dahilan sa pagpapakita ng mananampalataya ng mas kaunting pag-ibig sa kaniyang pamilya, “oo, at pati sa kaniyang sariling kaluluwa man.” (Mateo 10:34-37; Lucas 14:26) Ang gayong pagkakawatak-watak ng pamilya ay nagpapatuloy hanggang sa kaarawan natin.

      2 Bagama’t gawin ng Kristiyano ang lahat ng magagawa niya upang panatilihin ang pagkakaisa ng pamilya, mayroong mga di-kapananampalatayang asawa na talagang ayaw na “makisama” sa Kristiyano, kaya ang kinahihinatnan ay ang paghihiwalay o diborsiyo. (1 Corinto 7:12-16) Nagkakaroon din ng watak-watak na mga pamilya sapagkat sa panahon ng “katapusan ng sistemang ito ng mga bagay,” mayroong ‘panlalamig’ ng pag-ibig sa Diyos at sa kaniyang mga kautusan, kasali na yaong tungkol sa pag-aasawa. (Mateo 19:6, 9; 24:3, 12) Sa Estados Unidos ang mga nagdidiborsiyo ay dumami pa ng 236 porsiyento sa pagitan lamang ng 1960 at 1980! Yamang mga tatlo sa limang nagdiborsiyong mag-asawa sa Estados Unidos ang may mga anak, ang mga nasa watak-watak na tahanan ay napapaharap sa masalimuot na mga problema. Karaniwan na pagka nakaalam ang mga tao ng katotohanan ng Salita ng Diyos, humuhusay na lalo ang kanilang buhay pampamilya, subalit may mga taong napasangkot sa mga diborsiyo bago naging mga Saksi ni Jehova. Kung minsan kahit na ang isang Kristiyano na hindi nagkakapit ng payo ng Bibliya nang buong sikap sa tahanan ay humahantong sa pakikipagdiborsiyo. (Juan 13:17) Ano ang maaaring gawin ng mga magulang na Kristiyano sa ilalim

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share