Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglalang
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ito’y sinasabing naganap sa isang yugto ng anim na “araw.” Gayumpaman, ang salitang Hebreo na isinaling “araw” ay may iba’t-ibang kahulugan, pati na ang ‘isang mahabang panahon; ang panahon na sumasaklaw sa isang di-karaniwang pangyayari.’ (Old Testament Word Studies, Grand Rapids, Mich.; 1978, W. Wilson, p. 109) Ang terminong ginamit ay nagpapahintulot sa paniwala na bawa’t “araw” ay maaaring libu-libong taon ang haba.

  • Pagpapagaling
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pagpapagaling

      Kahulugan: Ang pagdulot ng mabuting kalusugan sa isang tao na may sakit sa katawan, isipan o sa espiritu. Ang ilan sa mga Hebreong propeta bago ang panahong Kristiyano at pati na si Jesu-Kristo at ang ilang miyembro ng sinaunang kongregasyong Kristiyano ay pinagkalooban ng espiritu ng Diyos ng kakayahan na gumawa ng makahimalang pagpapagaling.

      Ang makahimalang pagpapagaling ba na ginagawa sa ating kaarawan ay dahil sa espiritu ng Diyos?

      Liban sa Diyos may iba pa bang maaaring pagmulan ng kakayahan na gumawa ng mga himala?

      Sina Moises at Aaron ay humarap kay Paraon ng Ehipto upang hilingin na ang Israel ay payagang makapunta sa ilang upang sila ay makapaghandog ng mga hain kay Jehova. Bilang katibayan ng banal na pagtangkilik, inutusan ni Moises si Aaron na ihagis ang kaniyang tungkod at ito’y naging isang malaking ahas. Ang himalang yaon ay nagawa sa tulong ng kapangyarihan ng Diyos. Subali’t inihagis din ng mga saserdoteng salamangkero ng Ehipto ang kanilang mga tungkod at ang mga ito rin ay naging malalaking ahas. (Exo. 7:8-12) Kaninong kapangyarihan ang tumulong sa kanila upang makagawa ng himala?​—Ihambing ang Deuteronomio 18:10-12.

      Sa ika-20 siglong ito may mga pagpapagaling na ginaganap sa mga serbisyo na pinangangasiwaan ng mga klero ng Sangkakristiyanuhan. Sa gitna ng mga relihiyong di-Kristiyano ay may mga paring voodoo, mga mangkukulam, mga manggagamot, at iba pa na nagpapagaling; madalas silang gumamit ng salamangka at panggagaway. Ang ibang mga “psychic healer” ay nagsasabi na ang pagpapagaling nila ay walang kinalaman sa relihiyon. Sa lahat ng mga pagkakataong ito, ang kapangyarihan ba ng pagpapagaling ay nagmumula sa tunay na Diyos?

      Mat. 24:24: “Magsisilitaw ang mga bulaang Kristo at bulaang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share