Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pamahalaan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Ano, kung gayon, ang sagot sa mga suliranin ng katiwalian at pang-aapi?

      Dan. 2:44: “Ang Diyos sa langit ay magtatayo ng isang kaharian [isang pamahalaan] na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian mismo ay hindi ipagkakaloob sa ibang bayan. Pagdudurugdurugin at wawakasan nito ang lahat ng mga kahariang ito at ito lamang ang mananatili magpakailanman.”

      Awit 72:12-14: “Kaniyang [ang inatasang hari ni Jehova, si Jesu-Kristo] ililigtas ang dukhang dumaraing, at ang nagdadalamhati nang walang katulong. Siya’y maaawa sa dukha at maralita, at ililigtas niya ang mga kaluluwa ng mapagkailangan. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang dugo ay magiging mahalaga sa kaniyang paningin.” (Ang pagmamalasakit niya ukol sa gayong mga tao nang siya’y nasa lupa​—ang kaniyang pagpapagaling sa kanila, pagpapakain sa mga pulutong, at maging ang paghahandog ng sarili niyang buhay alang-alang sa kanila​—ay nagtatanghal ng kakayahan niya sa pagiging isang tagapamahala na gaya ng isinasaad sa hula.)

      Tingnan din ang mga pahina 88-93, sa ilalim ng pamagat na “Kaharian.”

      Bakit nararapat nating isaalang-alang nang may kataimtiman ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kinabukasan ng pamahalaan?

      Hindi nailalaan ng mga pinuno ang mga mahihigpit na pangangailangan ng tao

      Isaalang-alang ang mga bagay na ito na kailangang-kailangan ng mga tao saanman, na hindi nailalaan ng mga pamahalaan ng tao subali’t siyang mga ipinangangako ng Diyos: (1) Buhay sa isang daigdig na malaya sa banta ng digmaan.​—Isa. 2:4; Awit 46:9, 10. (2) Sapat na pagkain para sa lahat.​—Awit 72:16. (3) Maalwang pagpapabahay para sa lahat.​—Isa. 65:21. (4) Kasiyasiyang hanapbuhay para sa mga nangangailangan nito, upang paglaanan ang kanilang sarili at mga kasambahay.​—Isa. 65:22. (5) Buhay na hindi pinipinsala ng sakit at karamdaman.​—Apoc. 21:3, 4. (6) Katarungan; kalayaan mula sa pagtatangi dahil sa relihiyon, lahi, kabuhayan at bansa.​—Isa. 9:7; 11:3-5. (7) Pagtatamasa ng katiwasayan, nang walang panganib sa katawan o ari-arian mula sa mga kriminal.​—Mik. 4:4; Kaw. 2:22. (8) Isang daigdig na kung saan ang mga katangiang higit na pinahahalagahan ay gaya ng pag-ibig, kabaitan, pagmamalasakit sa kapuwa, at katapatan.​—Awit 85:10, 11; Gal. 5:22, 23.

      Sa nakalipas na libu-libong taon, ang mga mamamayan ay pinangakuan na ng kanilang makapolitikang mga tagapamahala ng mas mabubuting kalagayan. Nguni’t ano ang resulta? Bagaman ang mga naninirahan sa ilang bansa ay mas maraming materyal na ari-arian, hindi sila higit na maligaya, at ang mga suliraning napapaharap sa kanila ay higit na masalimuot kailanman.

      Ang mga hula ng Bibliya ay napatunayang lubusang maaasahan

      Isang daang taon patiuna inihula ng Salita ng Diyos ang paglitaw ng Babilonya sa pandaigdig na katanyagan, at kung papaanong ang kapangyarihan nito ay mawawasak sa kalaunan, at na, minsang ito’y magiba, ang kabisera nito ay hindi na kailanman pananahanan. (Isa. 13:17-22) Halos dalawang siglong patiuna, nang hindi pa naisisilang si Ciro, inihula na siya ng Bibliya sa pangalan pati na ang kaniyang magiging papel sa pandaigdig na mga pangyayari. (Isa. 44:28; 45:1, 2) Bago naging pandaigdig na kapangyarihan ang Medo-Persiya, inihula na ang pagsulong nito, ang tambalang katangian nito, at kung papaano ito magwawakas. Mahigit na dalawang siglong patiuna, ang landasin ng pandaigdig na kapangyarihan ng Gresya sa ilalim ng unang hari nito ay naihula, pati na ang kasunod na pagkakahati ng imperyo sa apat na bahagi.​—Dan. 8:1-8, 20-22.

      Buong detalyeng inihula ng Bibliya ang pandaigdig na mga kalagayan sa ating kaarawan, at itinatawag-pansin sa atin na lahat ng pamahalaan ng tao ay magwawakas sa mga kamay ng Diyos at na ang Kaharian ng Diyos sa mga kamay ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ang siyang mamamahala sa buong sangkatauhan.​—Dan. 2:44; 7:13, 14.

      Hindi ba magiging katalinuhan ang makinig sa bukal na ito ng impormasyon na paulit-ulit nang napatunayan na maaasahan?

      Ang pamamahala ng Diyos ang tanging tunay na lunas sa mga suliranin ng sangkatauhan

      Ang mga suliraning dapat malutas ay nangangailangan ng kapangyarihan, mga kakayahan at mga katangian na hindi taglay ng tao. Mapalalaya ng Diyos ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ng Diyablo at ng kaniyang mga demonyo, at ipinangako Niya ito, bagay na hindi magagawa ng sinomang tao. Gumawa ang Diyos ng paglalaan upang gawin ang kailanma’y hindi pa nagawa ng siyensiya ng medisina​—ang pag-aalis ng kasalanan, sa gayo’y winawakasan ang pagkakasakit at kamatayan upang ang mga tao ay maging uri ng mga persona na siyang talagang hinahangad nila. Taglay ng Maylikha ang kinakailangang kaalaman (hinggil sa lupa at lahat ng pamamaraan ng buhay) upang malutas ang mga suliranin ng paglalaan ng pagkain at upang mahadlangan ang mapanganib na polusyon, subali’t ang mga pagsisikap ng tao ay lalo lamang nagpapalubha sa suliranin. Ngayon pa’y binabago na ng Salita ng Diyos ang mga buhay anupa’t yaong mga tumutugon sa pag-akay nito ay nagiging mababait, maibiging mga tao na may matatayog na moral, isang lipunan ng mga tao na tumatangging humawak ng sandata laban sa kanilang kapuwa at na nabubuhay sa tunay na kapayapaan at pagkakapatiran bagaman sila’y buhat sa lahat ng bansa, lahi at wika.

      Kailan wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang kasalukuyang pamamalakad sa daigdig? Tingnan ang mga paksang “Mga Petsa” at “Mga Huling Araw.”

  • Pampatibay-loob
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pampatibay-loob

      Kahulugan: Isang bagay na nagbibigay ng tibay-loob o nagdudulot ng pag-asa. Lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob. Ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng pag-uukol ng personal na tulong o ng pagpapahayag ng pagpapahalaga. Madalas itong nagsasangkot ng pagtulong sa isa upang makita niya kung papaano haharapin ang isang mahirap na kalagayan o kaya’y ng pag-uusap kung bakit maaari tayong magtiwala sa isang higit na mabuting hinaharap. Ang Bibliya ay naglalaan ng pinakamagaling na saligan ukol sa pampatibay-loob na ito, at ang mga tekstong sinisipi sa ibaba ay malaki ang maitutulong sa mga taong napapaharap sa iba’t-ibang situwasyon. Madalas na ang pagiging madamayin lamang ay malaki na ang nagagawa.​—Roma 12:15.

      Para sa mga dumaranas ng pagsubok dahil sa KARAMDAMAN​—

      Apoc. 21:4, 5: “ ‘Papahirin [ng Diyos] ang bawa’t luha sa kanilang mga mata, at mawawala na ang kamatayan, pati na ang dalamhati at ang panambitan at ang hirap. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At Siyang nakaluklok sa luklukan ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.’ At sinabi pa niya: ‘Isulat mo, sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’ ”

      Mat. 9:35: “Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo . . . at nangangaral ng mabuting balita ng kaharian at nagpapagaling ng sarisaring sakit at ng sarisaring kapansanan.” (Sa pag-uugnay niya ng pagpapagaling sa pangangaral niya tungkol sa Kaharian ay naglaan si Jesus ng isang kagilagilalas na pananaw hinggil sa gagawin niya para sa sangkatauhan sa kaniyang Sanlibong-Taong Paghahari.)

      2 Cor. 4:13, 16: “Kami man ay nagsisisampalataya . . . Kaya nga hindi kami nanghihimagod, bagama’t ang aming pagkataong

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share