Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 13—1 Cronica
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 24. Ano ang maaari nating tularan sa maningning na halimbawa ni David?

      24 Kumusta ang mga Kristiyano ngayon? Ang pananampalataya natin ay dapat mapatibay at mapasigla ng Unang Cronica. Maraming mapupulot sa maningning na halimbawa ni David. Ibang-iba siya sa walang-pananampalatayang si Saul, sa laging pagsangguni kay Jehova! (1 Cron. 10:13, 14; 14:13, 14; 17:16; 22:17-19) Sa paglilipat ng kaban sa Jerusalem, sa mga awit ng papuri, sa pag-oorganisa sa mga Levita, at sa hangad na ipagtayo si Jehova ng maluwalhating bahay, ipinamalas ni David na si Jehova at ang pagsamba Niya ang pinakamahalaga. (16:23-29) Hindi siya reklamador. Hindi siya naghangad ng pantanging mga pribilehiyo kundi ang paggawa lamang ng kalooban ni Jehova. Kaya, nang iatas ni Jehova ang pagtatayo sa kaniyang anak, buong-puso niyang tinuruan ito at gumugol ng lakas, panahon, at kayamanan para sa gawaing sisimulan pagkamatay niya. (29:3, 9) Napakahusay na halimbawa ng katapatan.​—Heb. 11:32.

      25. Anong pagpapahalaga sa pangalan at Kaharian ni Jehova ang dapat pukawin sa atin ng Unang Cronica?

      25 At nariyan ang pinakasukdulang pangwakas na mga kabanata. Ang karingalan ng pagpuri at pagdakila ni David sa “maluwalhating pangalan” ni Jehova ay dapat pumukaw ng masiglang pagpapahalaga sa pribilehiyo na ipahayag ang karangalan ni Jehova at ang Kaharian sa pamamagitan ni Kristo. (1 Cron. 29:10-13) Ang atin nawang pananampalataya at kagalakan ay maging tulad ng kay David habang nagpapasalamat tayo sa walang-hanggang Kaharian ni Jehova sa pamamagitan ng pagbubuhos ng sarili sa paglilingkod sa Kaniya. (17:16-27) Oo, ang tema ng Kaharian ni Jehova at ng Binhi ay higit na nagniningning sa kariktan sa Unang Cronica, at pinananabik tayo sa higit na pagsisiwalat sa mga layunin ni Jehova.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 14—2 Cronica
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 14​—2 Cronica

      Manunulat: Si Ezra

      Saan Isinulat: Sa Jerusalem (?)

      Natapos Isulat: c. 460 B.C.E.

      Panahong Saklaw: 1037-537 B.C.E.

      1. Kailan natapos ni Ezra ang Mga Cronica, at sa anong layunin?

      YAMANG sa pasimula ang Una at Ikalawang Cronica ay malamang na iisang aklat, kumakapit sa dalawa ang mga pangangatuwirang iniharap sa nakaraang kabanata hinggil sa kapaligiran, manunulat, panahon ng pagsulat, pagiging-kanonikal, at pagiging-totoo ng mga aklat. Ayon dito, natapos ni Ezra ang Ikalawang Cronica noong mga 460 B.C.E., malamang na sa Jerusalem. Layunin ni Ezra na ingatan ang mga ulat ng kasaysayan na nanganganib mawala. Ang banal na espiritu, sampu ng kakayahang pumili at magsuri ng detalye, ay tumulong kay Ezra sa paggawa ng wasto at permanenteng ulat. Iningatan niya ang sa palagay niya’y makasaysayang katotohanan. Napapanahon ang gawain ni Ezra, sapagkat noo’y tinitipon na ang buong kalipunan ng banal na mga kasulatang Hebreo na napasulat sa paglipas ng mga dantaon.

      2. Bakit hindi dapat mag-alinlangan sa kawastuan ng Mga Cronica?

      2 Noong panahon ni Ezra nakinabang nang malaki ang mga Judio sa kinasihang salaysay niya. Isinulat ito upang sila’y matuto at makapagtiis. Mula sa pag-aliw ng Kasulatan ay magtatamo sila ng pag-asa. Ang Mga Cronica ay tinanggap nila bilang bahagi ng kanon ng Bibliya. Ito’y mapagkakatiwalaan. Maihahambing nila ito sa ibang kinasihang kasulatan at sa mga sekular na kasaysayan na binanggit ni Ezra. At bagaman naglaho ang di-kinasihang sekular na mga kasaysayan, maingat nilang napanatili ang Mga Cronica. Inilakip ito ng mga tagapagsalin ng Septuagint sa Bibliyang Hebreo.

      3. Papaano ipinahihiwatig ng ibang kasulatan na ang Mga Cronica ay totoo?

      3 Tinanggap ito ni Jesu-Kristo at ng mga manunulat ng Kristiyanong Kasulatang Griyego bilang totoo at kinasihan. Tiyak na nasa isip ni Jesus ang mga pangyayaring nakaulat sa 2 Cronica 24:21 nang tinutuligsa ang Jerusalem bilang taga-patay at taga-bato ng mga propeta at lingkod ni Jehova. (Mat. 23:35; 5:12; 2 Cron. 36:16) Nang tukuyin ni Santiago si Abraham bilang “kaibigan ni Jehova,” marahil ay nasa isip niya ang mga salita ni Ezra sa 2 Cronica 20:7. (Sant. 2:23) Nasa aklat din ang mga hula na natupad nang walang mintis.​—2 Cron. 20:17, 24; 21:14-19; 34:23-28; 36:17-20.

      4. Anong mga tuklas sa arkeolohiya ang nagpapatotoo sa pagiging-tunay ng Ikalawang Cronica?

      4 Umaalalay din ang arkeolohiya sa pagiging-tunay ng Ikalawang Cronica. Sa pagdudukal sa dako ng sinaunang Babilonya ay natuklasan ang mga sulatang putik mula sa panahon ni Nabukodonosor, at ang isa ay bumabanggit kay “Yaukin, hari ng lupain ng Yahud,” o “si Joachin, hari ng lupain ng Juda.”a Angkop-na-angkop ito sa ulat ng Bibliya sa pagkakabihag kay Joachin sa Babilonya noong ikapitong taon ng paghahari ni Nabukodonosor.

      5. Anong yugto ng panahon ang sinasaklaw ng Ikalawang Cronica, at bakit itinatampok ang kasaysayan ng Juda sa halip niyaong sa sampung-tribong kaharian?

      5 Tinatalunton ng Ikalawang Cronica ang mga kaganapan sa Juda mula sa paghahari ni Solomon, noong 1037 B.C.E., hanggang sa ipag-utos ni Ciro na itayong muli ang bahay ni Jehova sa Jerusalem noong 537 B.C.E. Sa 500-taóng ito ng kasaysayan, ang sampung tribong kaharian ay tinutukoy lamang kapag ito ay kaugnay ng kasaysayan ng Juda, at ang pagkawasak ng kaharian sa hilaga noong 740 B.C.E. ay hindi man lamang binabanggit. Bakit? Sapagkat ang saserdoteng si Ezra ay interesado lamang sa pagsamba kay Jehova sa wastong dako, ang bahay Niya sa Jerusalem, at sa kaharian sa hanay ni David na nakipagtipan kay Jehova. Kaya, itinutuon ni Ezra ang pansin sa kaharian sa timog bilang pagdiriin sa tunay na pagsamba at bilang paghihintay sa pinunong manggagaling sa Juda.​—Gen. 49:10.

      6. Papaano nagpapatibay at nagpapasigla ang Ikalawang Cronica?

      6 Nakapagpapatibay ang pangmalas ni Ezra. Sa 36 na kabanata ng Ikalawang Cronica, ang unang 9 ay iniuukol sa paghahari ni Solomon, at 6 dito ay lubos na tumatalakay sa paghahanda at pag-aalay ng bahay ni Jehova. Hindi binabanggit ang pagtalikod ni Solomon. Sa nalalabing 27 kabanata, 14 ang tumatalakay sa limang hari na sumunod sa halimbawa ng bukod-tanging pagsamba ni David kay Jehova: sina Asa, Josaphat, Jotham, Ezekias, at Josias. Maging sa ibang 13 kabanata, maingat na itinatampok ni Ezra ang mabubuting katangian ng masasamang hari. Lagi niyang idinidiin ang pagsasauli at pag-iingat ng tunay na pagsamba. Talagang nakapagpapasigla!

      NILALAMAN NG IKALAWANG CRONICA

      7. Papaano ginawa ni Jehova si Solomon na “lubhang dakila”?

      7 Ang kaluwalhatian ng paghahari ni Solomon (1:1–​9:31). Sa pagbubukas ng aklat ay naging makapangyarihan ang paghahari ni Solomon na anak ni David. Si Jehova ay suma-kaniya at “pinadakila siyang lubha.” Nang si Solomon ay naghahandog sa Gabaon, nagpakita si Jehova sa kaniya isang gabi, at nagsabi: “Humingi ka! Ano ang ibibigay ko sa iyo?” Humingi si Solomon ng kaalaman at karunungan upang wasto niyang mapagharian ang bayan. Dahil sa walang-imbot na kahilingang ito, nangako ang Diyos kay Solomon hindi lamang ng karunungan at kaalaman kundi pati na ng kayamanan at mga ari-arian at karangalan “na hindi pa nakamit ng sinomang hari na nauna sa iyo, ni magkakaroon man pagkatapos mo.” Napakalaki ng kayamanang umagos sa lungsod kaya hindi nagtagal at “ang pilak at ginto sa Jerusalem ay naging parang bato na lamang.”​—1:1, 7,12, 15.

      8. Papaano nagpatuloy ang gawain sa templo, at ano ang ilang detalye ng pagtatayo nito?

      8 Kumuha si Solomon ng mga manggagawa, at tumulong si Haring Hiram ng Tiro nang ito ay magpadala ng mga troso at ng bihasang obrero. Nagsimula ang pagtatayo “sa ikaapat na taon ng paghahari [ni Solomon],” at natapos ito makalipas ang pito at kalahating taon, noong 1027 B.C.E. (3:2) Sa harapan ng templo ay may isang malaking portiko na may taas na 120 siko (53.4 m). Dalawang malalaking haliging tanso ang nasa harapan ng portiko, ang isa’y pinangalanang Jachin, o “Itatag Nawa [ni Jehova],” at ang isa’y Boaz, na ang ibig sabihin marahil ay “Sa Kalakasan”. (3:17) Ang bahay mismo ay di-gaanong kalakihan, 60 siko (26.7 m) ang haba, 30 siko (13.4 m) ang taas, at 20 siko (8.9 m) ang lapad, subalit ang mga dingding at kisame ay nababalutan ng ginto; ang pinakaloob na silid, ang Kabanal-banalan, ay maluhong napapalamutian ng ginto. May dalawang gintong kerubin sa magkabila ng silid na ang mga pakpak ay umaabot at nagsasalubong sa gitna.

      9. Ilarawan ang mga kagayakan at kasangkapan sa looban at sa templo.

      9 Sa looban ay may isang malaking dambanang tanso na 20 siko (9 m) parisukat at 10 siko (4.5 m) ang taas. Isa pang kapansin-pansin sa looban ay ang dagat-dagatan na nakapatong sa likod ng 12 tansong torong nakaharap na papalabas, tatlo sa bawat direksiyon. Ang dagat-dagatan ay naglalaman ng “tatlong libong bath” [66,000 L] ng tubig, na ginagamit ng mga saserdote sa paghuhugas. (4:5) Nasa looban din ang sampung maliliit na tansong sisidlan na nakapatong sa mga pinalamutiang tansong karo, at dito binabanlawan ang mga kagamitan na kaugnay ng mga handog na susunugin. Sinasalinan ito mula sa dagat-dagatan at pinagugulong kung saan kailangan. Bukod dito, may sampung gintong ilawan at iba pang kasangkapan sa pagsamba sa templo, ang iba’y yari sa ginto at ang ila’y tanso.b

      10. Ano ang nangyari nang ang Kaban ay ipasok sa Kabanal-banalan?

      10 Sa wakas, pagkaraan ng pito at kalahating taon, ang bahay ni Jehova ay natapos. (1 Hari 6:1, 38) Sa araw ng pasinaya ang simbolo ng pagkanaroroon ni Jehova ay ipapasok sa pinakaloob na silid ng napakagandang gusaling ito. Ipinasok ng mga saserdote “ang kaban ng tipan ni Jehova sa pinakaloob na silid ng bahay, ang Kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.” Ano ang nangyari? Habang ang mga manunugtog at mang-aawit na Levita ay pumupuri at nagpapasalamat kay Jehova sa nagkakaisang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share