Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagsasarili
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Jud. 16: “Ang mga ito’y mga mapagbulong, mapagreklamo hinggil sa kalagayan nila sa buhay, na nangagsisilakad ayon sa kanilang sariling mga hangarin, at ang kanilang mga bibig ay nangagsasalita ng mga papuri, samantalang sila’y humahanga sa mga pagkatao ukol sa sarili nilang pakinabang.”

      3 Juan 9: “Si Diotrepes, na gustong mapatanyag sa kanilang lahat, ay hindi tumatanggap ng anoman sa amin nang may pagpipitagan.”

      Kaw. 18:1: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay humahanap ng sarili niyang nasa; lumalaban siya sa lahat ng magaling na karunungan.”

      Sant. 4:13-15: “Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi: ‘Ngayon o bukas ay maglalakbay kami sa gayong bayan at titira kami doon nang isang taon, at kami’y mangangalakal at tutubo,’ gayong hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging buhay ninyo bukas. Sapagka’t kayo nga’y isang singaw na lumilitaw sa sandaling panahon at pagdaka’y napapawi. Sa halip, ang dapat ninyong sabihi’y: ‘Kung loloobin ni Jehova, ay mangabubuhay kami at gagawin namin ang ganito o ganoon.’ ”

      Kapag ang paghahangad sa kasarinlan ay umakay sa isa upang tularan ang sanlibutang nasa labas ng kongregasyong Kristiyano, kaninong pamumuno siya nagpapasakop? At papaano ito minamalas ng Diyos?

      1 Juan 2:15; 5:19: “Huwag ninyong iibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nangasa sanlibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanlibutan, ay wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama.” “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.”

      Sant. 4:4: “Sinoman ngang mag-ibig na maging kaibigan ng sanlibutan ay ginagawa ang kaniyang sarili na isang kaaway ng Diyos.”

  • Pamahalaan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pamahalaan

      Kahulugan: Ang kaayusan ukol sa paglikha at pagpapatupad ng mga batas. Ang mga pamahalaan ay madalas inuuri ayon sa pinagmulan at lawak ng kanilang autoridad. Ang Diyos na Jehova ang Pansansinukob na Tagapamahala, na nagkakaloob ng autoridad sa iba ayon sa kaniyang kalooban at layunin. Gayumpaman, si Satanas na Diyablo, ang pangunahing rebelde laban sa kapamahalaan ni Jehova, ay “pinuno ng sanlibutan”​—at ito’y ayon sa pagpapahintulot ng Diyos sa isang limitadong yugto ng panahon. Inilalarawan ng Bibliya ang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share