Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 19—Mga Awit
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • yaon, palibhasa alam niya na lahat ng ito ay dapat matupad sa bawat detalye. Batid ni Jesus na inihula rin sa Mga Awit ang kaniyang pagkabuhay-muli at pagkakadakila. Tiyak na nasa isip niya ito habang nangunguna sa kaniyang mga apostol sa “pag-awit ng mga papuri,” o salmo, sa bisperas ng kamatayan niya.​—Mat. 26:30.

      31. Ano ang inihuhula ng Mga Awit tungkol sa Binhi ng Kaharian at sa kongregasyon ni Jesus?

      31 Kaya si Kristo Jesus ay malinaw na ipinakikilala ng Mga Awit bilang “anak ni David” at Binhi ng Kaharian, na ngayo’y dinadakila bilang Hari at Saserdote sa makalangit na Sion. Kulang ang espasyo para itala ang lahat ng talata sa Mga Awit na sinisipi sa Kristiyanong Kasulatang Griyego at na natupad sa Pinahiran ni Jehova, subalit narito ang ilan: Awit 78:2​—Mat. 13:31-35; Awit 69:4​—Juan 15:25; Awit 118:22, 23​—Mar. 12:10, 11 at Gawa 4:11; Awit 34:20​—Juan 19:33, 36; Awit 45:6, 7​—Heb. 1:8, 9. Ang kongregasyon ng tunay na mga tagasunod ni Jesus ay inihula rin, hindi bilang mga indibiduwal, kundi bilang grupo mula sa lahat ng bansa na sinang-ayunan ng Diyos upang makibahagi sa pagpuri kay Jehova.​—Awit 117:1​—Roma 15:11; Awit 68:18​—Efe. 4:8-11; Awit 95:7-11​—Heb. 3:7, 8; 4:7.

      32. (a) Ano ang isinisiwalat ng pag-aaral sa Mga Awit tungkol sa pagbabangong-puri kay Jehova at sa mga layunin ng Kaharian? (b) Bilang pagpapahalaga sa kaniyang paghahari, papaano tayo dapat magpahayag ng katapatan at pagpapasalamat?

      32 Ang pag-aaral ng Mga Awit ay tumutulong sa pagpapahalaga sa paghahari ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng ipinangakong Binhi at Tagapagmana ng Kaharian, sa ikaluluwalhati at ikapagbabangong-puri Niya. Nawa’y mapabilang tayo sa mga tapat na nagbubunyi sa ‘maluwalhating kamahalan ng karangalan ni Jehova’ na tinutukoy sa Awit 145, “isang papuri, ni David”: “Tungkol sa kaluwalhatian ng iyong paghahari ay mag-uusap sila, at tungkol sa iyong kalakasan ay magsasalita sila, upang ipabatid sa mga anak ng tao ang kaniyang makapangyarihang mga gawa at ang maluwalhating kamahalan ng kaniyang paghahari. Ang iyong paghahari ay walang-hanggan, at ang iyong pagpupuno ay sa lahat ng sali’t-saling lahi.” (Awit 145:5, 11-13) Tapat sa makahulang awit, ang karilagan ng tatag na Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo ay ibinabalita na sa lahat ng bansa. Malaki ang dapat ipagpasalamat sa Hari at sa Kahariang yaon! Angkop-na-angkop ang pangwakas na pangungusap ng Mga Awit: “Bawat bagay na may hininga​—purihin si Jah. Purihin ninyo si Jah!”​—150:6.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 20—Mga Kawikaan
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 20​—Mga Kawikaan

      Mga Tagapagsalita: Sina Solomon, Agur, Lemuel

      Saan Isinulat: Sa Jerusalem

      Natapos Isulat: c. 717 B.C.E.

      1. Anong karunungan ang masusumpungan sa aklat ng Mga Kawikaan?

      NANG si Solomon, anak ni David ay maghari sa Israel noong 1037 B.C.E., humingi siya kay Jehova ng “karunungan at kaalaman” upang “hatulan ang malaking bayang ito.” Binigyan siya ni Jehova ng ‘kaalaman at karunungan at ng pusong maunawain.’ (2 Cron. 1:10-12; 1 Hari 3:12; 4:30, 31) Bunga nito, si Solomon ay “bumigkas ng tatlong libong kawikaan.” (1 Hari 4:32) Nasa aklat ng Mga Kawikaan ang ilan sa karunungang ito. Yamang ang karunungan niya ay talagang “inilagay ng Diyos sa kaniyang puso,” ang pag-aaral ng Mga Kawikaan ay talagang pag-aaral ng karunungan ng Diyos na Jehova. (1 Hari 10:23, 24) Narito ang buod ng walang-hanggang mga katotohanan. Napapanahon ang mga ito na gaya nang ito ay unang bigkasin.

      2. Bakit angkop na sa panahon ni Solomon ilaan ang banal na patnubay sa Mga Kawikaan?

      2 Ang paghahari ni Solomon ay angkop na panahon upang ilaan ang ganitong banal na patnubay. Si Solomon ay “nakaupo sa luklukan ni Jehova.” Nasa kasukdulan ang teokratikong kaharian ng Israel, at si Solomon ay may nakahihigit na “maharlikang karangalan.” (1 Cron. 29:23, 25) Yao’y panahon ng kapayapaan at kasaganaan, panahon ng katiwasayan. (1 Hari 4:20-25) Sa kabila ng teokratikong pamamahala, ang bayan ay nagkaroon pa rin ng personal na mga suliranin at kahirapan dahil sa di-kasakdalan ng tao. Kaya likas lamang na ang bayan ay umasa sa matalinong haring si Solomon upang tulungan sila na lutasin ang mga ito. (1 Hari 3:16-28) Samantalang humahatol sa napakaraming kaso, siya ay bumigkas ng mga kawikaan na angkop sa iba’t-ibang kalagayan sa araw-araw na buhay. Ang maiikli ngunit matutulis na kasabihang ito ay lubhang pinahalagahan niyaong mga handang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

      3. Papaano natipon ang Mga Kawikaan?

      3 Hindi sinasabi ng ulat na si Solomon ay sumulat ng Mga Kawikaan. Sinasabi nito na ‘bumigkas’ siya ng mga kawikaan, at na “siya . . . ay puspusang nagsaliksik, upang maisaayos ang maraming kawikaan,” sa gayo’y ipinakikita ang interes niya na maingatan ang mga ito para sa hinaharap. (1 Hari 4:32; Ecle. 12:9) Noong panahon nina David at Solomon, ang mga kalihim ay kabilang sa mga opisyal sa palasyo. (2 Sam. 20:25; 2 Hari 12:10) Hindi natin alam kung sila ang sumulat at nagtipon ng kaniyang mga kawikaan, subalit likas lamang na pahalagahan at iulat ang mga pananalita ng isang pinunò na may kakayahang tulad niya. Kinikilala ng marami na ang aklat ay isang koleksiyon na tinipon mula sa iba pang koleksiyon.

      4. (a) Papaano karaniwan nang nahahati ang aklat ng Mga Kawikaan? (b) Sino ang nagpasimula ng kalakhang bahagi ng mga kawikaan?

      4 Ang Mga Kawikaan ay mahahati sa limang seksiyon. Ito’y ang (1) Kabanata 1-9, na may pambungad na, “Mga kawikaan ni Solomon na anak ni David”; (2) Kabanata 10-24, tinutukoy na “Mga Kawikaan ni Solomon”; (3) Kabanata 25-29, na may pambungad na: “Ito ang mga kawikaan ni Solomon na isinulat ng mga tauhan ni Ezekias na hari ng Juda”; (4) Kabanata 30, na ipinakikilala bilang “Mga salita ni Agur na anak ni Jakeh”; at (5) Kabanata 31, na binubuo ng “Mga salita ni Haring Lemuel, ang mariing payo na ibinigay ng kaniyang ina.” Kaya si Solomon ang pinagmulan ng kalakhang bahagi ng mga kawikaan. Hindi tiyak ang pagkakakilanlan nina Agur at Lemuel. Ayon sa ibang komentarista, ang Lemuel ay baka isa ring pangalan ni Solomon.

      5. Kailan isinulat at tinipon ang Mga Kawikaan?

      5 Kailan isinulat at tinipon ang Mga Kawikaan? Tiyak na ang karamihan ay naisulat noong hari pa si Solomon (1037-998 B.C.E.) at bago siya napalihis ng landas. Dahil sa malabong pagkakakilanlan nina Agur at Lemuel, hindi mapepetsahan ang kanilang isinulat. Yamang ang isa sa mga koleksiyon ay ginawa noong si Ezekias ay hari (745-717 B.C.E.), hindi ito matitipon bago siya maging hari. Ang huling dalawang seksiyon ay tinipon din kaya noong panahon ni Haring Ezekias? Bilang sagot ay nagpapaliwanag ang talababa ng Kawikaan 31:31 sa New World Translation of the Holy Scriptures​—With References: “Sa ilang ed[isyon] ng tekstong Heb[reo] ay makikita ang trigrammaton, o tatlong titik, Chehth, Zaʹyin, Qohph (חןק) na kumakatawan sa lagda ni Haring Ezekias sa kopya na ginawa ng mga kalihim upang ipakita na ito ay tapos na.”

      6. Ano ang isang kawikaan, at bakit angkop ang Hebreong pamagat ng aklat?

      6 Sa mga Bibliyang Hebreo, ang aklat ay unang tinawag ayon sa pambungad na salita, mish·lehʹ, nangangahulugang “mga kawikaan.” Ang mish·lehʹ ay pang-maramihang bilang ng pangngalang Hebreo na ma·shalʹ, na nagmula di-umano sa salitang ugat na nangangahulugang “maging gaya” o “maging katulad.” Maganda ang paglalarawan ng mga terminong ito, sapagkat ang mga kawikaan ay mga salitang malamán na gumagamit ng paghahambing o paghahalintulad na sadyang tumutulong upang mag-isip ang isa. Dahil sa maikling anyo ng mga kawikaan, ang mga ito ay kawili-wili at madaling sundan, at dahil dito’y madali ring ituro, matutuhan, at matandaan. Ang diwa ay nananatili.

      7. Ano ang dapat pansinin hinggil sa estilo ng Mga Kawikaan?

      7 Nakawiwili rin ang estilo ng pagpapahayag na ginagamit sa aklat. Yao’y sa Hebreong estilo na patulâ. Ang balangkas ng kalakhang bahagi ng aklat ay ang patulang paralelismo. Ang dulo ng mga linya o talata ay hindi magkatugma, o magsintunog. Ang pinagtutugma ay ang mga kahulugan o diwa. Ang ganda at puwersa ng pagtuturo ay nasa ganitong pagtutugma ng diwa. Ang mga ito ay maaaring magsinghulugan o magkasalungat, upang palawakin ang ideya at tiyakin na naihahatid ang tunay na kahulugan. Ang mga halimbawa ng magsinghulugang paralelismo ay ang Kawikaan 11:25; 16:18; at 18:15, at ang mga halimbawa ng mas nakararaming magkasalungat na paralelismo ay ang Kawikaan 10:7, 30; 12:25; 13:25; at 15:8. Isa pang uri ng balangkas ay yaong nasa dulo ng aklat. (Kaw. 31:10-31) Sa Hebreo bawat isa sa 22 talata ay inayos upang magsimula sa sunud-sunod na titik ng abakadang Hebreo, ang estilong acrostic na ginagamit din sa ilang mga awit. Walang kasing-ganda ang estilong ito sa lahat ng sinaunang mga kasulatan.

      8. Papaanong ang paggamit dito ng unang mga Kristiyano ay patotoo ng pagiging-tunay ng Mga Kawikaan?

      8 Ang pagiging-tunay ng Mga Kawikaan ay makikita rin sa malawak na paggamit dito ng unang mga Kristiyano sa pagsasaad ng mga tuntunin ng paggawi. Maliwanag na may lubos na kabatiran si Santiago sa Mga Kawikaan at ginamit niya ang mga simulain nito sa kaniyang mahuhusay na payo sa paggawing Kristiyano. (Ihambing ang Kawikaan 14:29; 17:27 sa Santiago 1:19, 20; Kawikaan 3:34 sa Santiago 4:6; Kawikaan 27:1 sa Santiago 4:13, 14.) Ang pagsipi sa Mga Kawikaan ay mababasa rin sa sumusunod: Roma 12:20​—Kawikaan 25:21, 22; Hebreo 12:5, 6​—Kawikaan 3:11, 12; 2 Pedro 2:22​—Kawikaan 26:11.

      9. Papaano kasuwato ng buong Bibliya ang Mga Kawikaan?

      9 Isa pa, ipinakikita ng Kawikaan na ito’y kasuwato ng buong Bibliya at kung gayo’y bahagi ng “lahat ng Kasulatan.” Kapansin-pansin ang pagkakaisa ng

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share